11

17 3 261
                                    

Swerte.

Pinag-iisipan ni Raja kung nakailang suwerte na ba siya sa mga taong humihinga siya. Bilang niya lang iyon sa kaniyang daliri.

Hindi niya sigurado kung bakit tinuturing niyang suwerte ang lalaking si Gelucke. Nang makilala niya ito noon ay nabuhay ang maliit niyang pag-asang makalabas ng nayon. Nang makilala niya ito noon ay nagising siya sa katotohanan na iba-iba ang buhay na makikita sa labas ng silid na tinutuluyan.

Nang makilala niya'y marami siyang natanto sa kaniyang buhay, at binigyan siya nito ng mga paniniwalang siya lang din ang hahawak at maninindigan.

Kung hindi dahil sa lalaki, naiisip niya kung kaya niya bang sumalungat sa paniniwala ng mga kanayon. Iniisip niya kung hindi dahil dito, makakaya niya bang mamuhay sa labas ng nayon.

Dahil sa lalaki ay nakilala niya pa sila Simoun... na siyang malaking kasiyahan sa kaniya kahit na ang kaniyang kalooban ay may lamat.

"Nais ko pong mahuli ang aking ama."

Iyon ang sinabi niya kay Gelucke. Wika naman sa kaniya ng lalaki ay sisiguraduhin nitong mangyayari ang kaniyang nais.

"N-Ngunit... paano mo siya mahuhuli? Ika’y aalis na sa iyong... paninilbihan?" natutulirong tanong pa ni Raja. Ang lalaki ay bumalik sa puwesto nito kanina.

Muli silang nagharap. Bahgyang nakahinga si Raja nang maluwang, gayunman ay ramdam niya ang kaniyang pagkahiya. Batid niyang namumula nanaman ang kaniyang mukha dahil sa pag-iyak na ginawa.

"Ako ay may paraan para sa lahat ng bagay..."

Kumurba ang ngiti sa labi ni Raja. "Sadyang napakabait niyo po, Ginoo."

"Marapat na tulungan ang mga taong... nahihirapan, Binibini. At ito rin ay desisyon, tiyak, ng aking asawa, kung siya'y nasa piling ko pa." Bumuntonghininga si Gelucke. "Sa totoo lang ay may nais akong sabihin sa iyo..."

Umangat ang tingin ni Raja sa lalaki. Nag-iwas naman ng tingin si Gelucke, at humigpit ang panga nito. Ang tingin ang napako sa mga papel na nasa lamesang kahoy.

"Nakita mo ba ang iyong ina?"

Nakagat ni Raja ang pang-ibabang labi. "Hindi... po. May ipinakilalang ina sa akin ang aking ama, ngunit sa huli ay sinabi rin ng aking ama na hindi iyon ang aking ina."

Tumango ang lalaki ng paulit-ulit. Mas lumabas ang kulubot sa noo nito nang mas lalo ring nagkasalubong ang deretsong mga kilay nito.

"Ang iyong ama ba’y may nabanggit man lang tungkol sa iyong ina?"

Umiling si Raja. Sa pagkakatanda niya ay wala naman itong nababanggit. Bumuntonghininga si Gelucke bago nagawang tumango at hilutin ang sintido.

"Sige. Mainam kung tayo'y matulog na."

"Opo. Tiyak kong pagod din kayo..."

Marahan itong ngumiti. "Hm. Oo nga pala..."

Hinintay ni Raja ang sasabihin ng lalaki.

"Anong balak mo kung sakaling mahuli na ang iyong ama?"

"Ako po'y aalis dito..." Kung mayroon mang tatanggap sa kaniya sa labas, gagawin niya. "Sa bahay po na ito'y marami na akong natutunan sa pakikihalubilo, sa pakikipag-usap ko po rito'y napalawak ko ang aking utak, sa tulong din ng mga aklat dito'y may kaalaman na po ako sa buong mundo. Sa tingin ko'y kaya ko naman na... pong lumayo't mamuhay."

Nahihiya na kasi siya. Kahit na isa lang din siyang kasambahay, gaya ng sinabi niya kay Luk, pakiramdam niya ay nakaaangat pa rin siya sa mga kasambahay na nandoon.  Lalo pa’t dahil sa trato sa kaniya ng batang si Simoun.

Ang Inalay na Gumamela✓ (ANLS #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora