Chapter 19 : Another monster

107 7 0
                                    

19 :: Another monster 

 

Third Person’s POV

Hindi na alam nina Cassandra at Gabriel kung saan sila tumatakbo. Ang alam lang nila ay malaya na sila sa kamay ni Charline. Dahan-dahan na tumutulo ang mga luha ni Cassandra dahil nararamdaman niya ang kirot ng mga sugat niya sa katawan. Walang magawa ang kasintahan niyang si Gabriel na tinignan lang si Cassandra dahil maging ito ay nanhihina din.

Malayo ang bahay nila sa unibersidad kaya naramdaman nalang dalawa ang panghihina ng tuhod nila, dahil sa pagod at sa mga sugat nito.

“We are agreed, Cassandra.” Nanginginig na bulong ni Gabriel kay Cassandra kaya napangiti nalang ito.

Napaupo nalang si Cassandra at Gabriel sa maruming lapag ng kalsada. Huminga nang malalim si Cassandra at sinapo ang palad sa noo nito. Mistula silang pulubi dahil sa mga sugat at dumi nito sa katawan.

Ilang sandali pa ay may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanila, “Troublemaker!” Sabay na sigaw nina Hyacinth at Charmaine na nasa loob ng isang itim na kotse. “Sakay, bilis!” Dagdag pa nila kaya sumakay sila sa kotse.

Pero nagulat sila nang makita nila si Lotus na nanghihingalo at duguan.

---------------------

“Natatakot na ako.” Nanghihinang bulong ni Rylle kay Shaun na nakapikit na ang mata.

“Open the lights. Please.” Bulong din ni Shaun. Hindi alam ni Rylle na may takot sa dilim ni Shaun kaya kahit anong beses pa niyang ipakita kay Rylle na hindi siya natatakot ay hindi niya ito naitatago.

 

“Kailangan ko nang hanapin si Hara.” Sambit ni Arch pero agad na nag-salita si Rylle para pigilan nito si Arch

“Delikado sa labas, Arch. Wag ka munang lumabas.” Sambit ni Rylle pero napailing nalang si Arch. Nakalimutan siguro ni Rylle na siya ang pumatay kay Marco noon.

“I faced and killed the devil, ngayon pa ba matatakot sa isa pang demonyo?” Giit pa muli ng disididong si Arch.

“I can’t afford to lose another friend, Arch. Please, just, don’t go.” Pakiusap ni Rylle pero umiling lang si Arch.

“And I can’t afford to lose the girl that I've protected for months.” Giit pa nito muli at tumakbo na siya palabas ng detention.

“Mahal na ba ni Arch si Hara?” Tanong ni Rylle sa sarili nito pero hindi niya inasahan na sasagot si Shaun.

“Si Justine lang ang mahal ni Hara. Lugi si Arch.” Sagot ni Shaun kaya natawa nalang si Rylle, kahit na natatakot na ito sa mga nanyayari.

-----------------------

“Anong nanyari kay Lotus?” Sigaw ni Cassandra nang makita niya ang nanghihingalong si Lotus. Nabangga siya ng rumaragasang truck kanina, hindi agad na naka-respond si Lotus hangga’t sa nabangga na ito.

Repost : New Era {under final revision}जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें