Chapter 14 : Case closed

193 9 4
                                    

14 :: Case closed

{-----}

Third Person's POV

Habang abala sina Jefferson at Vanessa sa paghahanap ng mga dokumento ay sa kabilang dako ay nasa library sina Angela at Mika.

“Adventures are boring. I need to freshen my mind with love stories.” Sambit ni Mika dahil ang maarte nitong boses. Tumango si Angela bilang pag-sang ayon nito sa giniit ng kaibigang puro istorya patungkol sa pag-ibig ang laging laman ng isip nito.

“Precisely sis.” Sapilitang pag-sang ayon ni Angela kaya napangiti nalang si Mika. Alam nyang kontrolado nya si Angela at susundin nya ang lahat ng gusto at sinasabi nito.

Naisip na rin noon ni Angela na labanan si Mika noon ngunit alam naman nyang mas makapangyarihan ni Mika at wala syang laban dito.

“Find me a good love story book now.” Utos ni Mika sa ngayo'y napipikon na si Angela.

“Nakakuha lang ng maayos na English Tutor kaya masyado nanaman syang nagmamayabang.” Mahinang bulong ni Angela sa sarili at pumasok na ito sa loob ng madilim na library. Binuksan nya ang ilaw at isang nakakasilaw na ilaw ang agad na bumungad sa kanya.

“Screw that mission, hindi naman tayo madadamay dyan sa patayan na ’yan. Mas maganda ngang hindi tayo maki-alam ngayon, kagaya ng dati. We’re just gonna get ourselves into danger!” Biglang asik ni Mika at umupo sa isang monoblock na upuan saka itinaas ang paa nito sa lamesa.

Nang nagsimulang maghanap ng libro si Angela ay naramdaman nya na parang may nakatingin sa kanya. Pakiramdam nya ay hindi lang silang dalawa ni Mika ang naririto sa library, o sa campus ngayon, maliban kina Jefferson at Vanessa na nasa opisina.

Hindi nalang ito pinansin ni Angela at nagpatuloy ito sa paghahanap ng librong mababasa ni Mika imbis na hanapin ang yearbook ng ikaapat na baitang ng sekondarya.

Pero ilang sandali ay naramdaman nya na may isang brasong pumulupot sa leeg nito.

“Ackkk..” Angela just groaned in pain due to the pain of someone strangling her.

“Shut the fuck up and do it properly!” Sigaw ni First Visual habang nasa likod nya si Third Visual.

Narinig ni Mika ang tili na nanggagaling sa mga shelves ng library. Inisip nalang nya na mahulugan ng libro si Angela sa paa pero nang makarinig pa sya ng ibang boses ay hindi nya rin ito pinansin, sa halip ay kinuha nya ang iPod nya at nakinig sya ng musika.

Hindi nya pinansin ang mga sigaw at palahaw ni Angela hanggang sa naramdaman nalang nya na may sumakal sa kanya. Si Third Visual ang sumasakal sa kanya.

“Akkkk..” Ungol din ni Mika dahil sa higpit ng pagkakasakal ni Third sa kanya. Napangisi nalang si Third nang maramdaman nya ay magtatagumpay nanaman muli ang visual at rapper.

Hinila ni First si Angela papunta sa kinatatayuan nina Mika at Third. Halos maramdaman ni Angela na kulay asul na ang mukha nito dahil sa pamimilipit.

“Puta, First nasasakal na ako!” Pasigaw na reklamo ni Angela, na isang rapper ng grupo nila.

“You should be thankful that you know who are the visuals. Halos lumuhod na ang ibang players para ipakilala kami ni Leader.” Giit ni Visual habang napapulupot pa’rin ang braso nito sa leeg ni Angela, “Leader said that Visuals are more tricky than him. Visuals are not directly introduced to the other members, since Visual is a very confidential position, well, except if they want to personally introduce their selves, like what am I and Third doing. Second is kinda meticulous.” Pagpapaliwanag ng First Visual nila.

Repost : New Era {under final revision}Where stories live. Discover now