Chapter 20 : Ending's paranoia

100 5 2
                                    

20 :: Ending’s paranoia.

--------------------------------------x

HARA’s POV

“What the heck are you saying, Hara? Another monster?!” Sigaw ni Arch habang inaalog ang magkabila kong balikat. Pero kahit anong pag-alog ang gawin ni Arch sa akin ay hindi maalis sa isip ko na bumuhay ako ng isa pang demonyo. Isang demonyo na maaaring sumira muli sa buhay ko at sa buhay naming lahat.

Alam ko na kung sino ang maaaring sumira sa buhay namin. Alam ko na kung sino kina Cassandra at Gabriel ang demonyo. Napakalaki kong tanga na pinili kong putulin ang buhay ni Jade. Napakatanga ko.

“Hara, please don’t say that Cassandra is one of the killers..”  Pakiusap ni Arch pero umiling nalang ako bilang sagot sa katanungan nito. “Cassandra is going to kill Shaun!” Sigaw ko kay Arch muli.

Malinaw na sa akin ang lahat. Si Jade at si Cassandra ang pumapatay. Si Jade ang Born Killer at si Cassandra ang Made Killer. Si Gabriel lamang ang pwedeng naming pagkatiwalaan ngayon.

“Pero Hara, paano kung silang tatlo ang pumapatay?” Bulong ni Arch na siyang bahagya kong ikinagulat. Bakit hindi ko iyon naisip? Pero ang sinabi ni Charline ay isa lang ang inosente sa kanilang tatlo? Paano?

“Gabriel loves Cassandra and he will do anything for her. Pag naging demonyo si Cassandra, magiging demonyo din si Gabriel.” Sambit ni Arch kaya agad na nanlaki ang dalawa kong mata. P-putangina.

Hindi pumapasok sa isip ko ang mga nanyayari at ang mga sinasabi ni Arch sa akin kaya hindi ko namalayan na nagkaroon na ng ilaw. Agad akong tumakbo papunta sa Detention Room. Bubuksan ko sana ang pintuan nito pero naramdaman ko nalang ang panlalamig ng buo kong katawan nang hindi ko ito mabuksan. Naka-lock ang pintuan!

Agad kong kinalampag ang pintuan at mas lalo akong kinabahan nang may narinig akong malamig na boses mula sa loob. At hindi ito boses nina Rylle at Shaun.

“Rylle! Shaun!” Impit na sigaw ko mula sa labas ng Detention Room. Diyos ako, nawa’y nasa maayos na kalagayan ang mga kaibigan ko.

RYLLE’s POV

“Shaun..” Pagtawag ko kay Shaun at agad din itong tumingin sa akin at ngumiti. Naramdaman ko nalang ang pang-iinit ng dalawa kong mata. Kailangan ko nang aminin ang lahat kay Shaun bago pa maging huli ang lahat.

Kailangan na niyang malaman ang lahat ng sikreto patungkol sa kanya. Lahat ng sikretong itinago ko simula nang maaksidente siya.

“Shaun, kailangan mo nang malaman ang lahat..” Bulong ko sa kanya, sanhi ng pag-iiba ng itsura nito. “Shaun, hindi namatay ang nanay mo dahil sa pangan---” Naputol agad ang sinasabi ko nang bigla naming narinig ang biglang pagbigay ng bintana dito.

Nagulat ako nang makakita ako ng dalawang tao, isang pamilyar at isang hindi pamilyar. Ang isang taong iyon ay si Samantha..

“Hello Troublemaker II. Missed me?” Malamig na sambit ni Samantha sa amin na may nakakurba na nakakatakot na ngiti.

Hindi. Hindi maaari. Patay na si Samantha. Napatay na ni Arch si Samantha.

“Tama na Sam! Wala na si Justine dito. Wala ka nang makukuha sa amin. Tigilan mo na kami parang awa mo na!” Biglang sigaw ni Shaun kay Samantha nang magkaroon na ng ilaw dito sa kwarto.

Repost : New Era {under final revision}Where stories live. Discover now