Chapter 6 : How the beast returns

331 15 12
                                    

6 ::: How the beast returns

------

GABRIEL JOHN VALDEZ's POV

Tumingin ako sa paligid ng napakadilim na eskinita kung saan maaaring naroroon si Cassandra. Huminga ako ng malalim, dahil kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa ko. Pero para kay Cassandra, gagawin ko ito.

Naglakad ako sa madilim na eskinita at sa dulo nito ay may nakita na akong malaking at modernong bahay sa dulo nito.

“Ack..” Naramdaman ko na may isang bagay na tumusok sa braso. Tinignan ko ito at nakita kong isa itong dart. Agad ko itong hinila at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko at pagsirko ng paningin ko. Unti-unti akong nahihilo at nawawalan ng malay. Hanggang sa bigla nalang ako nawala ng malay at bumulagta sa malamig na sahig.

{-------}

“Ugh..” Ungol ko nang unti-unti akong nagkakaroon ng malay. Tumingin ako sa paligid at pakiramdam ko ay maiihi nanaman ako muli sa takot. Ang dilim..

Ilang sandali ay nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas. Hindi ako mapakali. Anong gagawin ko?

Nakaisip ako na magtulog-tulungan ako dahil pag nahuli nila ako na gising ay agad akong mapatay ng mga ito. Mamatay ako na hindi ko man lang naligtas o nakita man lang si Cassandra.

Naramdaman ko ang pagbukas nila ng pintuan kaya naramdaman ko din ang panginginig dahil sa takot.

“What?! Tulog pa’rin siya?!” Sigaw ng pamilyar na boses. Isang napakapamilyar na boses.

“Alam mo naman ’yan si Gabriel. Putanginang tulog-mantika.” Saad ng isa pang pamilyar na boses.

“Gisingin mo na nga ’yan Daile. Halos tatlong araw na rin akong nagtitiis sa nakakarinding tili ni Casandra.” Sya.

“Paano mo mapapatay sina Rylle kung hindi ka magttiyaga sa mga tili at hiyaw nila, Charline?” Si Daile muli ang nagsalita.

Sabi na. Sabi ko na. Buhay pa si Charline. Dati ko pa nararamdaman na mannequin lang ang nasa loob ng kabaong na iniyakan nina Rylle at Sunyoung.

“I’ll make Cassandra shut up and you wake up his ugly prince.” Utos ni Charline at nakarinig ako muli ng mga yabag na mukhang palabas at palayo na sa kwartong kinaroroonan ko.

Naramdaman ko ang mga mahihinang yabag ni Daile papalapit sa akin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang malakas nitong kamao na sumuntok sa mukha ko.

Kahit na nakakaramdam ako ng hapdi sa mukha ko ay idinilat ko parin ang mata ko at sarkastiko kong nginitian si Daile.

“You’re still the weak and stupid Daile that I’ve always knew.” Nakakaloko kong saad ko sa kanya kaya nakatanggap nanaman ako ng isa pang suntok sa mukha. Pero hindi parin ako natinag.

“Malakas ka lang dahil may kakampi ka, Daile. Kaya mo lang kami kinayang patayin kasi nandyan sina Marco at Justine na mas malakas kaysa sayo. Ngayon, sa mga bagong killers ka nanaman makikisampid? How pitiful of you Daile.” Sambit ko muli kaya naramdaman ko ang pagsuntok naman nito sa tiyan ko. Pero hindi parin ako natinag.

“Your middle name is Coward, Daile Coward Tamayo.” Huli kong saad dahil agad nyang binunot ang baril nya sa likurang bulsa nya at pinaputukan ang binti.

“Fuck!” Mura ko dahil sa sakit at lamig.

“Daile, ang sabi ko gisingin mo si Gabriel, hindi barilin.” Malamig na saad ni Cassandra at may hawak ito na parang mahabang kadena, na para bang may hinihila sya na tao.

THIRD PERSON's POV

“But he’s getting on my nerves!” Giit ng nanggagalaiting si Daile pero umiling lang si Charline sa inasta nito.

“Bobo talaga ’to” Bulong nito sa sarili nya at agad na hinila ang para bang alagang aso nitong si Cassadra dahil nakapulupot ang isang dulo ng kadena sa leeg nito.

“tulong...” Impit na hinaing ni Cassandra dahil pakiramdam nya ay nawawalan na ito ng hininga dahil sa kadena nakapulupot sa leeg nito.

“Now. For the main scene.. One wrong decision and both of you are dead.” Malamig na saad ni Charline at agad na tinulak si Cassandra sa malamig na sahig ng maliit na kwarto na iyon.

“It’s going to be both of you will still be alive or both of you are going to die.” Dagdag ni Charline at kinuha ang baril na hawak-hawak ni Daile kani-kanila lang.

“Join our team and become one of us. Yes or no?” Saad muli ni Charline at itinutok ang baril sa sentido ni Cassandra.

“Tama na Charline!” Palahaw ni Cassandra pero hindi ito pinakinggan ni Charline.

“A year is enough for my revenge against for the four years that all of you made my life a complete hell.” Saad ni Charline at dahan-dahang kumurba ang isang ngiti mula sa labi nito.

“You’re insane.” Bulong ni Cassandra

“I'm not insane. I'm just unwell. And a real beast should return in a unwell condition.” Giit naman ni Charline at dahan-dahang ngumiti.

“Nakatulong din pala na tumira ako sa Zemirah City kahit papano.” Bulong naman ni Charline sa kanilang sarili.

{ End of Chapter 6 }

Oops. Nasingit ba ang Zemirah City? If you want to read what happened to Charline the whole time, you can read my new story “Find Lilian Sebatian” Maikli lang ang next chapter since ang content nun ay kung anong nanyari kay Charline nang bigla syang mawala sa paligid nina Rylle hahahahaha.

Medyo magulo ba? Kapit lang sa pigtails ni Sumin hahaha. Short pero mahaba ang next bruh.

Thank you for reading!
Vote and Comment

Repost : New Era {under final revision}Kde žijí příběhy. Začni objevovat