"She needs rest. May cancer siya at kailangan niyang magpa opera sa lalong madaling panahon" ani doctor.
Para namang nabingi si Chase sa narinig niya. "A-ano?! C-cancer?" Sigaw pa neto.
Tumango naman ang doctor kaya napasabunot kaagad si Chase sa buhok niya. Agad naman siyang nilapitan ni Alejandra. Hinawakan siya sa balikat ni Alejandra habang karga karga si Crimsyn.
"Alam mo ba ang number ng magulang ni Bianca? Tawagan mo ang magulang niya Miller. Kailangan malaman ng magulang niya ang sakit ni Bianca. Hindi pwedeng tayo lang ang nakakaalam" mahinahon at makalma na ani Alejandra.
Napangiti naman ng malungkot si Chase at umiling iling. Alam niya ang mga mukha ng magulang ni Bianca pero hindi niya kilala ito. Miski pangalan ng mga magulang ni Bianca ay hindi niya alam.
Habang nakayuko si Chase ay bigla namang may nagsalita sa harap niya.
"Where's my daughter?" Pagkaangat ng ulo ni Chase ay nakakita siya ng lalaki na tingin niya ay nasa 40's na. Nang umayos ang pagtingin niya dito ay nakita niyang ama ito ni Bianca, kaya agad agad siyang tumayo at tinuro ang room na kung nasaan si Bianca.
Uupo na sana ulit si Chase ngunit.... "Sumama ka samin." Tinignan niya naman si Alejandra. Agad naman nitong nalaman ang gusto niyang mangyari, kaya agad itong tumango sa kanya.
Pagkapasok nila sa room ni Bianca ay nakita ni Chase ang namumutlang si Bianca.
Nakatayo lang siya at nakatitig kay Bianca nang biglang magsalita ang mommy ni Bianca. "Nalaman mo naba?" Agad naman siyang napalingon dito at tinanguan niya lang ito.
"Nalaman mo na nga. Nung nakaraang buwan lang namin nalaman na may sakit siya. Hindi siya lumilitaw at hindi siya nagpapakita sa inyo pero, alam namin kung nasaan siya at kung saan siya tumutuloy. Malapit lang sa bahay ng babaeng pinagpalit mo sa anak namin. No offense, hindi ako galit sa soon to be wife mo. It's just your wrong. Napaka buti ng anak namin sayo. Sayo na umikot ang mundo niya dahil lumaki siyang wala kami. Alam din namin na ikaw ang fiance niya dati. But yeah, hindi kami lumapit at nagpakilala agad sa anak namin na si Bianca. Dahil natatakot kami na magalit siya samin ngunit ayon pa din ang nangyari" ngumiti ng malungkot ang daddy ni Bianca nang matapos niyang magsalita.
"You can go home now, we're here. So you don't need to stay." Malamig na ani mommy ni Bianca.
Lalabas na sana si Chase ng pinto ng kwarto ni Bianca ng magsalita ang nakakatandang kapatid ni Bianca.
"Mahalin mo na sana yang soon to be wife mo. Kapag naulit yang ginawa mo sa kapatid ko jan sa pinalit mo sa kapatid ko. Magtago kana. Dahil papatayin kita gamit ang mga kamay ko. Hindi lang sila babae. Babae sila na dapat irespeto, mahalin, at alagaan. Be sure to your girlfriend. Don't hurt a woman again. Dude."
Walang masabi si Chase kaya tumango nalang ito at lumabas na ng pinto ng kwarto ni Bianca.
Sumalubong naman sa kanya ang mag ina niya na halatang pagod na pagod na.
"Mauna na kaming umuwi gusto mo?, you can stay here" ngumiti pa si Alejandra. Para malaman ni Chase na okay lang sa kanya.
Umiling naman si Chase. "Let's go. We're going home, hindi nako kailangan dito Andra. Im not Bianca's boyfriend" tumango nalang si Alejandra.
Tahimik silang naglalakad papuntang parking lot. Pagka sakay nila ng kotse ay ganon pa din, tahimik pa din sila at walang gustong umimik.
Parehas tahimik sila Alejandra at Chase pero ang isip nila pareho ay napaka ingay.
Alejandra's Mind. "May cancer si Bianca, ibibigay ko muna siguro sa kanya si Chase. Oo siguro ganon. Pero. Paano naman ako. Hindi. Tangang Alejandra, inisip mo pa talaga yung sarili mo eh may cancer nga yung tao. Siguro pag aalis si Chase para bisitahin si Bianca papayag nalang ako. Tama. Kailangan mong pumayag Alejandra. It's okay. Hindi naman siya babalik kay Bianca. Wag kang matakot. Magtiwala ka kay Chase self okay?" Bumuntong hininga naman si Alejandra kaya napasulyap naman si Chase sa kanya.
Miller's Mind. "Bibisitahin ko paba si Bianca araw araw? Hmmm, Siguro hindi na. I have a family. And im not her boyfriend to visit her everyday. I will focus my self to Andra and Crimsyn. Alam kong gagaling si Bianca, kaya pag gumaling siya. I will make that we will have a closure"
Tumitig si Chase sa napaka gandang babaeng kilala niya, at walang ibang babae yon kundi si Alejandra. Nang mapansin ni Alejandra na nakatitig sa kanya si Miller ay agad niya itong tinitigan agad naman itong umiwas nang tingin at namula ang mga pisngi na para bang bata.
"HAHAHAHAHAHAHA gaga ano ka bata? May papula kapa ng pisngi tarantado HAHAHAHAHA"
Ngumuso naman si Chase kaya lalong tumawa si Alejandra.
"Potek ka! HAHAHAHAHAHAHA. Ano ako may boyfriend na 15 years old? HAHAHAHAHA. Taray shana all bata pa HAHAHAHAHA" tawang tawa si Alejandra sa pinapakita ni Chase at tawang tawa din siya sa sinasabi niya.
Kaya naman nakauwi si Chase at Alejandra na may ngiti sa labi.
---
_HATDOG_
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...