Chapter 14

2.3K 66 7
                                    

" Hi, Czesta. Me lakad ka ba sa weekend?"

Tanong niya sa dalaga na nasa coffee shop na naman ni Darryl. Sabi nga nito mag boyfriend na sila kaya natural lang na dito ito mag lagi.

" Naka book na kami sa highland resort. Hindi pa kasi nakakapunta si Darryl doon so dalhin ko lang siya."

Nagpawala siya nang buntong hininga.

" I get it! I'm not your favorite man anymore."

Tinawanan lang siya nito.

" Hindi na din naman ako ang paborito mong babae ah. You have Dhanya now."

Sabi nito at sinamahan pa nang pagtaas nang kilay.

"Kung alam mo lang. You're not just my favorite girl. You're the only girl in my heart, Czesta."

Gusto niyang sabihin dito pero sinarili na lang niya. Malungkot na lang niya itong sinulyapan.

" So, kayo na pala ni Darryl?"

Tanong niya dito, dahil iyon ang pakilala nito kay Dhanya nang magkita sila sa isang restaurant.

Tumango lang ito sa kanya. Tapos siya naman ang tinanong.

" Si Dhanya ba girlfriend mo?"

" Yeah"

Matipid lang niyang sagot at tumango tango ito.

" She looks familiar, is she a model or beauty queen?"

" She's a model. Under Lavin's talent agency."

Sagot niya dito, tiningnan siya nito sa mga mata.

" Mahal ka ba niya or she's using you to become more famous?"

Tanong nito na nagkibit balikat lang siya.

" It doesn't matter Czesta."

Kumunot ang noo nito sa kanyang sagot.

" Do you love her that much? Kaya wala kang pakialam kung mahal ka ba niya o ginagamit ka lang?"

" Let's not talk about love, Czesta. My heart is weak with that topic."

Pag iwas niya dito. Dahil pag nabuksan ang salitang iyon, isa lang ang ending non. Ang kaharap niya. Dahil si Czesta ang definition niya nang pag ibig.

Hindi niya inaasahan ang pag gagap nito sa kanyang mga palad.

" Sean, masasaktan ako kung masasaktan ka. Wag mong hayaan na gamitin ka. Ayaw kong masaktan ka sa bandang huli."

Hindi siya nakapag salita dahil hindi niya alam ang isasagot.

" I want you to be happy, Sean."

Dugtong nito habang nasa mga kamay pa din niya ang kamay nito.

" You're the only one who can make me happy, Czesta. Ikaw lang."

Sabi niya, agad naman nitong binitiwan ang kanyang kamay. She looked at him with an unreadable face. Napakadami nitong emosyon na hindi niyang kayang isa isahin.

" Sweetheart, here's your cupcake."

Tinig ni Darryl at inilapag ang platito nang cupcake sa harap nito.

" Oh! Thank you, babe."

Eksaherado nitong sabi at inalis ang tingin sa kanya.Tumingin ito kay Darryl na malaki ang ngiti sa labi.

Agad naman siyang tumayo at walang paalam na tinalikuran ang mga ito.

Hindi na niya nakita ang paglandas nang mga luha sa mga ni Czesta habang nakatingin sa papalayo niyang bulto.

Boss Series 8: The boss hidden desireWo Geschichten leben. Entdecke jetzt