Chapter 2

3.7K 102 1
                                    

" Good afternoon, Tita Olga. Si Czesta po?"

Tanong niya sa tiyahin na nasa kusina at abala sa pag bake nang mga cup cakes.

" Nasa room niya, puntahan mo na lang."

"Salamat, Tita. Akyat na po ako."

Paalam niya at nagmamadali na pumunta sa kwarto nang dalaga.

Tuloy tuloy siya sa loob, at napatili naman ito nang bumukas ang pinto kaya agad niya itong isinara nang makapasok siya.

" Sean!"

Sabi nito na nanlalaki ang mga mata, pero tumuloy lang siya at umupo sa kama nito.

" Bakit ganyan ang hitsura mo?"

Tanong niya dahil lumabas ito nang banyo na nasa towel ang ulo panty ang suot at ang dalawang palad ay nakasapo sa dibdib.

" Duh! Obvious ba, katatapos ko lang maligo. Lumabas ka magbibihis ako!"

Taboy nito sa kanya, pero nahiga lang siya sa kama nito.

"Hindi ako titingin!"

Sabi niya dito at kinuha ang unan at itinakip sa mukha.

" Binata at dalaga na tayo, Sebastian. Hindi na tayo dapat tulad nang dati."

Sabi nito at hinila ang unan sa kanyang mukha. Ang tuwalya nitong nasa ulo ay nakapulupot na sa katawan.

" Kaya nagpapaligaw ka na?"

Umupo siya sa kama at tiningnan ito na nang aakusa.

" Me usapan tayo, Czesta."

Dugtong niya sa dalaga na nag iwas nang tingin.

" Di manligaw ka na din."

Sabi nito sa kanya. Tumayo siya sa kama at lumapit dito. Napaatras naman ito hanggang tumama ang likod sa dinding.

" Fine! Pero siguraduhin mo ang manliligaw mo mahal ka talaga. Hindi iyong gusto lang maka score sa iyo."

Namula ang mukha nito sa kanyang sinabi.

" Get dressed at ipapakita ko sa iyo ang ibig kong sabihin."

Tinalikuran ko siya at lumabas nang kanyang silid. Bumaba siya sa garden at doon nag hintay.

Me usapan sila ni Czesta noong high school pa sila at ngayon pareho na silang nasa huling taon sa kolehiyo at walang sumira sa usapan na iyon. Nasira lang nang dumating ang Fil Am na si JV.

Hindi din niya maipaliwanag sa sarili at wala naman siyang balak mag girlfriend. Sapat na ang sexcapade niya kasama si Aidan at Stan. Kuntento siya pag kasama si Czesta, at wala siyang makita na mas gaganda pa sa dalaga.

Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha.Nagagalit siya na meron itong manliligaw. Alam niya hindi dapat pero hindi niya maipaliwanag ang sariling nararamdaman.

" Ano na?"

Nakapameywang itong nakatayo sa harap niya.
She's tall, marahil nakuha nito sa lolo sa mother side na pure american. Her skin is white as snow at contrast sa maitim nitong buhok. She is his epitome of beauty. At habang nakatingala siya dito, alam niya he is under her spell.

" Let's go! Ipinag paalam na kita kay Tita Olga."

Tumayo na siya at hinawakan ito sa kamay. Dinala ito sa kanyang sports car at mabilis na nagmaneho.

" Where are we?"

Tanong nito at ginala ang paningin sa isang malawak na bahay.Hindi siya nagsalita at hinawakan lang ito sa kamay ay dinala hanggang sa likod bahay.

" Hindi mo sinabi it's a pool party! Nag dala sana ako nang swimsuit."

Sabi nito habang ginagala ang mga mata. Nagkalat ang mga naka two piece bikini na nga babae ay half naked na nga lalaki.

" Hindi tayo pumunta dito para maki party."

Sabi niya at nang makita ang pakay ay kinuha niya ang atensyon nito.

" Look! Gusto mo bang mapa bilang ka sa kanila?"

Tanong niya at itinuro ang manliligaw nito.
Nasa gilid nang pool habang nakipag make out sa isang babae.

Agad na naningkit ang mga mata nito. Ang natural na mapulang labi ay tumiim.

" Umalis na tayo!"

Sabi nito at nauna na itong lumabas nang bahay. Agad itong humalukipkip pag upo sa front seat.

Walang salita na nagmaneho siya at dinala ito sa isang garden cafe na paborito nilang puntahan.

" Czesta, wag kang agad maniwala sa mga lalaki. Dapat kilalanin mo muna. Ayaw kong masaktan ka, ayaw kung iiyak ka.At higit sa lahat ayaw kong maloloko ka."

Sa pagitan nang pagsimsim nang kape ay sabi ko sa kanya.Nagbuntong hininga ito at tumingin sa kanya. Dapat na sanay na ako sa tingin nang hazel brown nitong mga mata pero namamalikmata pa din siya.

" Sino ba gusto maloko? But I'm already at the right age to have a boyfriend. Sean, naman never pa akong nagka boyfriend. Mostly girl of my age me experience na. Ako kahit halik wala pa!"

Reklamo nito habang nanggigil na tinusok ang slice nang cheese cake na paborito nito.

" It's not the right age, Czesta. It's the right person! Kahit ang first kiss mo, give it to right person para wala kang pagsisihan."

Bumuntong hininga ito at tumitig sa kanya.

" You're always there for me Sean. And honestly, nahihirapan akong humanap nang lalaki na pwede na maka pantay nang pagtingin nang ginagawa mo."

" Concern ako sa iyo, pinsan kita at best friend pa."

Sabi niya at lumunok dahil sa bikig sa lalamunan.

" Sa hindi nakakakilala sa atin, napagkakamalan tayong mag boyfriend."

Napa labi ito sa sinabi. Dahil kadalasan kapag nasa labas sila nang bansa para magbakasyon hindi iisang beses na makarinig sila na "perfect couple" sila.

" And were stuck like this. Kahit ikaw hindi pa din nagkaka girlfriend."

" I can get one if I want too."

" Then get one, Sean. Parang hindi ako lang ang babae sa mundo. Simula pagkabata tayo na ang magkasama lagi."

" Nagsasawa ka na ba sa pagmumukha ko?"

Kunot noo niya itong tiningnan.Pero umiwas ito nang tingin.

" Masyado na akong naka depende sa iyo. Nasasanay sa presensiya mo. And I'm scared Sean."

Nagkalambong ang maganda nitong mukha. Hindi siya nagsalita.

" Talking about you having girlfriend. I can feel pain in here!"

Dinakot nito ang dibdib, ang mata nito ay merong namuo na luha.

" Hindi tama di ba?"

Parang nahihirapan nitong sabi. At nararamdaman niya ang bigat nang dibdib nito.

" You will not going to see me after graduation Czesta. I will study abroad for masteral.Magkakaroon na tayo nang magkaibang mundo."

Napalitan nang lungkot ang bumadha sa mukha nito. Inabot niya ang mukha nito at bahagyang pinisil ang pisngi.

" Ingatan mo ang sarili mo."

Bilin niya dito at malungkot na tumango ito.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon