Chapter 3

3.1K 90 0
                                    

" Goodluck on your MBA, Sebastian."

Bati sa kanya ni Finn. Niyaya siya nito na mag pa despidida sa isa sa mga farm nito na hindi niya tinanggihan.

" Thank you."

Alam niya pagkatapos nitong mag aral kailangan din nitong mag masteral.

" Yow!Sebastian!"

Tinig sa balkonahe ng cabin house kaya lumingon siya.

" They're here?"

Natatawa niyang sabi nang lingunin ang iba pang mga kaibigan.

" Hindi sila pumayag na hindi ka lasingin. Pabaon daw sa iyo."

Sabi ni Finn at kumaway sa mga nasa cabin. Andito kasi sila sa floating platform naka pwesto habang umiinom nang beer.

Bumaba naman ang mga kalalakihan at bumati sa kanya. Bawat isa tumapik sa balikat niya.

" Dude, goodluck."

Sabi ni Stan sa kanya.

" Thank you."

Sabi niya, katatapos lang ni Stan mag masteral. At magsimula na itong umupo sa pwesto na nakalaan para dito.

" Goodluck din sa iyo, Stan. The real battle will begin."

Tumawa lang ito habang umiinom nang beer.

" I'm ready."

Natigil ang kanilang kwentuhan at tawanan nang muling magka ingay sa cabin house.

" Girls came."

Sabi ni Finn at tumingin siya sa porch. Isa isang pumwesto ang mga ito sa rattan na upuan. Huling umakyat si Czesta at natuon ang pansin niya dito.

Nasa huling taon na sila sa college nang magsimula nilang i wean ang kanilang mga sarili sa isa't isa. And he missed her, pero ayaw niyang palalimin pa ang nararamdaman na hindi kayang tanggapin ng kanyang utak.

At ayaw niyang guluhin at paliwigin din ang nararamdaman nang pinsan sa kanya.Kaya mas ginusto niya mag full time MBA para makalayo at hamigin ang sarili.

Nakita nila ang pagkakagulo nang mga ito nang dumating ang bunsong kapatid ni Finn na si Csezah na may dalang mga alak.

Agad naman na tumayo si Finn. At pumunta sa mga ito. Nakita na lang nila na kina kausap nito ang kapatid.

" Dalaga na siya huh?"

Sabi ni Stan na nakatingin kay Csezah na nakikipag diskusyon sa kuya nito.

" Yeah, parang kelan lang.How's Dia, dalaga na din?"

Tanong ni Aidan kay Stan, wala kasi ang dalaga kasi sa UK ito nag patuloy nang pag aaral.

" She's great. Malapit na siyang umuwi."

Sabi ni Stan at hindi na nag salita si Aidan Nahulog lang ito sa malalim na pag iisip at napapailing.

" Mahirap siguro talaga makalimutan kapag na basted ka."

Sabi niya na tatawa tawa. Bumaling naman si Aidan.

" Paano ko makakalimutan, pag nakikita ko si Stan si Dia ang nakikita ko ."

Depensa nito,pero tinawanan lang nila. Kasi saksi sila sa unang broken heart nito. Hindi man lang ito naka first base, kaya iyon ang una nilang pagka lasing kahit mga high school pa lang sila.

" Ang kulit ni Ezah, parang marunong uminom."

Sabi ni Finn nang makabalik sa kanilang pwesto.

" Let her be, Finn. Hindi naman iba ang kasama niya."

Sabi niya at muling nilingon ang mga kababaihan. Nakatingin si Czesta at itinaas nito ang palad at ngumiti.Tinanguan niya ito.

" Meron ba kayong conflict ni Czesta? We rarely seeing you together lately."

Tanong ni Aidan sa kanya, pero umiling siya.

"It's good decision, Sebastian. Hindi ka magkaka girlfriend if your always together at ganun din siya. Sino manliligaw sa kanya, makita ka palang ma insecure sila sa kagwapuhan mo. They will think they are not good enough for Czesta?"

Tinawanan na lang niya si Finn.

" Iyan ang gusto ko sa iyo Finn, eh.You always know what to say."

Tinapik pa niya ito sa balikat. And somehow he's true. He can't find sweeter and prettier than Czesta if she's always beside her.

" Guys! Lunch is ready!"

Sigaw ni Lavin at kumaway sa kanila. Isa isa silang tumayo at pumunta sa porch kung saan nakahanda ang mga iba ibang klase nang pagkain.

" Ezah, tigilan mo nga iyan!"

Saway ni Finn sa kapatid habang merong mini mixed na inumin.

" Tsked, Kuya. I'm just trying this baka hindi ako malasing dito."

At sumilay ang ngiti ng makita si Stan sa likod ng kapatid.

" You came back? Pa welcome ko sa iyo."

Sabi nito at inabot ang baso na madaming ice at kulay kape na inumin.

" What's this?"

Sipat ni Stan sa baso bago inumin.

" It's cream liquor with vodka."

Sabi nito at naghihintay nang reaksiyon nang binata.

" Well, it's good. It taste good."

Mukha namang honest na sabi ni Stan. Na ikinangiti ni Csezah.

" Can i try?"

Sabi ni Czesta at agad inabutan ni Csezah nang baso nang alak.

" Yeah, it's really good."

Sinulyapan niya ito at ngumiti naman sa kanya.

" Mag iinom ka na ngayon?"

Tanong niya dito habang kumukuha siya nang pagkain.

" Occasional lang."

Sabi nito na napaka kaswal katulad nang ibang pagkakataon na hindi maiwasan na makita ito sa pamilyang pagtitipon.

" If you want to drink, you should eat first."

Sabi niya at inabutan ito nang plato.

" Thank you, Sean."

Matapos kumuha nang pagkain, lumapit siya sa mga kalalakihan. At tinapos niya nang mabilis ang pagkain at muling bumalik sa platform upang ituloy nila ang pag inom.Naiwan ang mga babae na ipinagpatuloy din ang pag inom sa mixed na inumin na ginawa ni Csezah.

" C'mon, I dare you to jump in the lake."

Narinig nilang sabi ni Ava, kasunod ang mga kantiyawan.

" No! Try another dare."

Sabi ni Csezah na tumatawa.

"What the?! Ang hirap mo talaga i dare!"

Reklamo ni Ava dito.

" Ubusin mo iyan!"

Utos nito at inabutan nang inumin.

" Ava as usual."

Sabi ni Aidan na iiling iling. Hindi na nila pinansin ang mga ito, hanggang bumaba ang mga ito at pumunta sa pwesto nila.

" Dance with me, Kuya Stan."

Sabi ni Csezah at hinawakan ito sa mga kamay.
Sumulyap muna si Stan kay Finn na tumango na lang.

" Isayaw mo na at hindi ka titigilan."

Tumayo na lang din si Stan, habang malaki ang ngiti ni Csezah na nakatingala sa binata.

" Give me that Lavin."

Inagaw niya ang acoustic guitar sa kapatid at nagsimula tumipa. Si Lavin naman ay nagsimula na kumanta.

Lumipad ang tingin niya kay Czesta na nakatingin din sa kanya. At hindi niya namalayan na hanggang matapos ang pagtugtog niya nakatingin lang sila sa isa't isa.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon