MPMMN C38

685 69 2
                                    

Frances Pov

Monday na naman ngayon at one week na ngang absent si Amy at pati si coleen.

Mag isa lang akong naglalakad sa hallway dahil hindi ko nga kasabay ngayon si nile dahil mukhang nalate na naman siya nang gising.

Nagiguilty naman ako dahil sa mga sinabi ko tungkol kay coleen I didn't meant it but narinig na niya at mas mabuti nalang siguro na ganun na magalit siya sa akin.

So I can stop my feelings for her kasi alam kong hindi ko dapat maramdaman to at sobrang mali.

Nakarating na ako sa may classroom at nakita kong nandito na rin yung half of my classmates pati si ella at brei din nandito na.

Hinahanap naman ng mata ko si coleen pero mukhang absent parin siya hanggang ngayon at napasalpak nalang ako ng earphones sa tenga ko at nagbasa nalang ng notes.

Maya maya ay dumating na si nile at kasunod din nito na dumating yung professor namin ngayong araw at nag aatendance na siya ngayon.

"Same parin ang absent si Miss Isidto at Miss Trinidad. Ano na kayang nangyayari dun sa dalawa ah? Wala pa ding update mula sa kanilang mga magulang" bigla namang may bumungad sa harap ng pinto at Ito nga ay si Amanda hawak hawak ang kamay ni coleen ngayon.

Medyo matagal akong napatingin sa mga kamay nila na magkahawak parin hanggang ngayon at nakakaramdam ako ng kirot dahil doon pero wala naman akong karapatan na magselos dahil hindi ko naman pag aari si coleen.

"Good morning sir I'm sorry we're late , medyo na traffic lang po." hingal na hingal na sambit ni amanda at napangiti nalang ito na tumingin kay coleen.

"Oh glad you're not absent now miss president! Dahil kailangan ka na sa student council at tsaka oh miss trinidad Ikaw na ba yan? Napakaganda mo!" Sambit ni professor dahil nagulat din siya ngayon nang makita si coleen.

Sobrang ganda niya at wala na siyang pimples sa kanyang mukha pati mga freckles at lalo na hindi siya nakasuot ng salamin.

"Hello po sir , Magandang Umaga hu." nahihiyang tugon nito pinagtitinginan naman siya dito sa classroom, napadako naman yung tingin niya sa akin pero agad din niya itong inalis.

Nalungkot ako dahil doon pero inalis ko nalang yung tingin ko sa kanila dahil baka maluha na naman ako.

"You may sit now into your respective chairs" nagtungo na nga sila sa kanilang upuan and as usual katabi ko si amy.

Nginitian niya lang ako at ngumiti din ako pabalik sa kanya at nagpokus na sa klase.

"Hoy amy! Bakit Isang linggo kang absent? Nagkasakit ka ba ah? Ni isang tawag wala ka man lang ginawa ah? Oh di kaya update" Takang tanong ni nile kay amy at ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

"Love sick I guess haha joke may inasikaso lang ako nile" natatawang saad nito kay nile habang ako nagtataka na talaga.

Feeling ko magkasama sila ni coleen at mukhang siya ang tumulong dito na mag pa skin treatment dahil isa sa pinaka sikat na dermatologist yung tita niya.

Meanwhile

"Hoy coleen! Bakit di mo kami inupdate ah akala namin may nangyari na sayo na masama" nag aalalang saad ni brei kay coleen at niyakap niya nga ito ng mahigpit.

Miss Popular Meet Miss Nobody (COCES)Where stories live. Discover now