MPMMN C43

668 67 6
                                    

Coleen's Pov

Nakabalik na ako ng classroom pero hindi ko nakita si Frances ngayon dito sa loob, napatingin naman ako kay Amy na nakayuko ngayon sa may table niya.

Pumasok na yung professor namin pero napansin ko na di parin niya inaangat yung ulo niya.

Hindi ko nga nasagot yung tawag niya kanina dahil medyo nacoconfused na ako sa nararamdaman ko.

Gusto ko ba si Amy or si Frances pa rin? Hays ewan sumasakit na ulo ko sa kakaisip about doon.

Naloloka na ako sa puso ko kasi pati siya nililito ako kung ano nga ba itong nararamdaman ko.

"Ms. Casitas? Pakigising si Ms. Isidto dahil magsisimula na yung klase natin at yung pre exams." agad naman yun ginawa ni nile pero napahawak nalang ito sa ulo niya pagkatapos niya yun gawin.

"Shit! Ang init mo Amy!" Medyo malakas na sambit ni Nile at napaayos nalang yung upo ni Amy.

Namumula yung pisnge niya ngayon at halatang halata na mukhang hindi nga maganda yung pakiramdam niya ngayon.

"Magpahinga kana lang muna sa infirmirary, Ms. Isidto. Hindi mo din kakayaning kuhanin itong exams since hindi maganda ang lagay mo" sambit ng professor namin pero umiling naman si Amy dahil doon.

"Hindi na po sir okay lang po ako, pasensya na po mukhang nakaabala ako sa klase ipagpatuloy niyo na po" magalang na saad ni amy at kumuha na siya ng notebook at ballpen niya.

Hindi naman matanggal yung tingin ko sa kanya dahil medyo nag aalala ako sa kalagayan niya ngayon.

"Uy coleen! Di ka pa ba kukuha ng notebook mo? Nagsusulat na si sir ng mahahalagang details para sa gaganaping exams maya maya oh?!" siniko ako ni brei at napatingin nalang ako sa kanya.

Kumuha nalang ako ng notebook ko at ballpen para magsulat pero kay Amy lang ako nakatingin ngayon.

"Bakit ba kasi ayaw niyang pumunta ng infirmirary ah? Tsskk!" Medyo malakas na pagkakasabi ko, nahinto naman sa pagsusulat yung professor ko at lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa akin.

Napayuko nalang ako sa sobrang hiya, nako coleen bakit ko kasi nasabi yung nilalaman ng utak mo? Argh tumingin tuloy si Amy sa akin at napansin ko na ngumiti siya ng unti.

"May problema ka ba? Ms. Trinidad? Kung concern ka kay Ms. Isidto pakisamahan nalang siya ngayon din sa infirmirary hindi yung gagambalain mo pa yung klase ko" napalunok nalang ako ng laway dahil sa sinabi nito, siniko naman ako ni brei at napatingin nalang ako sa kanya.

"Ikaw huh! May tinatago kang pagtingin dyan kay Ms. President. Well good choice ah?!" pangangantyaw niya pa sa akin inirapan ko nalang siya dahil doon.

"Pasensya na po sir, hindi na po mauulit." tumayo na muna ako para manghingi ng formal na pasensya kay professor.

"Oh sige na magtungo na kayo ni Ms. Isidto sa infirmirary at ieexcuse ko nalang kayong dalawa sa mga susunod na subject" kinuha ko nalang yung bag ko at ipinasok na yung notebook ko doon.

Miss Popular Meet Miss Nobody (COCES)Where stories live. Discover now