Chapter Eight

31 5 4
                                    

"Ma, aalis na 'ko," paalam ko pagkababa ko ng hagdan mula sa sariling kwarto. Pumanhik muna ako sa kusina upang makita ito.

"Hmm? Ikaw lang? Si Arkie?" pagtatanong nito habang nasa harap ng kalan. May niluluto kasi itong pagkain upang dalhin sa ospital.

Ngumiti ako. "Mamaya pa usapan namin pero kasi may kailangan akong tingnan kaya mauuna na ako. Nasabihan ko naman na ito."

"Ganoon ba? Dadaan ka ba sa ate mo mamaya?"

"Hmm! Mabilis lang naman kami kaya dadaan ako kapag natapos." pagpapaalam ko. "Una na 'ko, Ma!"

"Ingat!"

Patakbo akong lumabas ng bahay at patakbo ding tinahak ang daan tungo sa bus station. Hindi pa ako pinaligtas ng mga kapit-bahay namin na bumabati kapag nakakasalubong ako. Some was even asking why am I alone. Or, where is my friend, Arkie.

When I told you that we were never apart, I meant it literally. Kapag aalis siya sa kanila at magpupunta sa malapit na mall, lagi ako nitong dinadaanan sa bahay. Knowing that I'm always alone since my mother is at the hospital most of the time.

Kapag ako naman ang nagpupunta roon o kahit sa malapit lang na supermarket, lagi ko din iyong kasama. Well, he insisted that I call him when I need to go shopping. He says that it's better if he's with me to as not mess up, nor forget anything.

But, whatever his reasons is, I was just glad that he was there to help me with anything.

Nang makarating ako sa pinakamalapit na mall ay kaagad akong nagtungo sa bookstore. Rummaging through the supplies on the shelf, grabbing anything that I need. I made sure to be quick on what I'm doing before Arkie comes. That idiot hates the bookstore so much.

Nang matapos at masigurong nakuha ko na lahat ng kailangan ko, pumila na ako sa counter. Mahaba-haba din ang pila at marami-rami din ang tao. I still have around 30 minutes kaya hindi naman siguro ako maabutan ng lalaking iyon.

Inilabas ko ang cellphone ko nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Ikinataka ko pa nang makitang tumatawag ang loko.

Sinagot ko ito.

"Hey," bungad ko pagkasagot ko rito.

Nakadinig naman ako ng kaluskos sa kabilang linya. "Where are you?"

"Bookstore."

"Figured." napabungisngis naman ako sa tinuran niya pero ito'y nagbuntonghininga lamang.

"Ikaw? Malapit ka na ba?"

"Oh, that. . ." siya naman itong bumungisngis sa kabilang linya. "I actually just woke up."

"Huh, what? We've just talked like two hours ago?" nagugulumihang tanong ko rito.

Siya nga 'tong biglang tumawag kaninang umaga para mag-yaya. Nagpapasama dahil bibili daw siya ng bagong sapatos. He also said he'll get her sister a new earring as a congratulatory gift for her engagement. So, why?

"I fell asleep," natatawa pa niyang wika. "Sorry."

"Idiot."

"I'm sorry, alright? Just wait for me, I'll get you a frapp."

"Deal."

"K. Bye."

Napasimangot ako nang babaan ako nito. Padabog ko pang isinilid sa bag ko ang cellphone at sinipat ang harapan. Isa nalang at ako na ang susunod. Ah, I just hope he gets here real quick. I don't want to wait for long.

"Ah, Feiya!"

Gulat at nagtataka akong bumaling sa gilid ko dahil sa pagtawag na iyon. At nang makita ko ang may-ari ng tinig na iyon ay kaagad akong napangiti. Lalo ding nagliwang ang mukha niya saka ako nilapitan.

Corrupted Lungs (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon