Chapter 1

18.2K 552 106
                                    

"Lola sa palagay mo po ba masaya si Mama at Papa ngayon doon sa langit?"

Malungkot kong tanong kay Lola. Hindi ko na kasi nakita ng mukha ni Mama. Namatay siya ng pinanganak ako. Sumunod na man si Papa sa kanya dahil hindi nito nakayanan ang nangyari kay Mama kaya naiwan ako kay Lola.

Sabi ni Lola kung gusto kong makita si Mama at Papa tumingala lamang ako dahil andun sila, isa sa mga bituin na nakatingin sa amin.

Simula maliit pa ako ganito ang ginagawa namin ni Lola sa tuwing nalulungkot ako. Sinasamahan niya akong manood sa mga bituin. Kahit papano pakiramdam ko abot kamay ko lang ang mga magulang ko. Naiibsan ang pananabik ko sa kanila. 

"Oo apo. Sigurado akong masaya ang mama at papa mo dahil mabait kang bata. Lumaki kang may paggalang at pagmamahal sa kapwa."

Hinaplos haplos ni Lola ang buhok ko. Paano kaya kami ngayon kung hindi namatay si Mama? Siguro sobrang saya ko. Pero sa tuwing iniisip ko naman na andyan si Lola nawawala din naman ang lungkot ko. 

Ni minsan hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya pinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Nakakalungkot nga lang na medyo sakitin na si Lola ngayon. Halata na rin ang kulubot sa kanyang mga balat pero nagtatrabaho pa rin ito. 

Katulong si Lola sa mansion ng mga Guerrero. Doon na ito nagtatrabaho simula maliit pa ako. Gusto ko na nga sana siyang pagpahingahin sa pagtatrabaho dahil sa Marso  magtatapos na ako ng high school. Isang buwan na lang mula ngayon.

Hindi muna ako magko-kolehiyo, sa susunod na lang kapag nakapag-ipon na ako. Maghahanap ako ng trabaho para makapagpahinga na si Lola, naawa na rin kasi ako sa kanya,

Minsan natatakot akong sa tuwing inaatake si Lola ng hika niya dahil natatakot akong baka...baka pati siya iiwan ako. Natatakot akong mag-isa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Si Lola  na lang ang tanging nagbibigay lakas sa akin kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung darating ang panahon na iiwan niya na ako.

"Lola kapag nakatapos ako ng pag-aaral, ipapasyal ko po kayo sa buong mundo. Lilibutin ko ito Lola at syempre gusto ko kasama kita kaya dapat palagi kang malakas ha."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Lola at nakita kong naiiyak ito. Ganito ka emosyonal si Lola sa tuwing sinasabi ko sa kanya ang aking mga pangarap.

Si Lola ang tanging best friend ko. Hindi ako nahihiya magsabi sa kanya kahit pa tungkol sa mga crush kong artista. Alam niya ang lahat tungkol sa akin.

Alam niya kapag nalulungkot ako. Kapag nasasaktan ako o kung may umaway sa akin. Wala akong sekreto sa kanya. Kaya talagang nalulungkot sa isiping tumatanda na talaga si Lola.

"Tara na apo, gabing-gabi na baka mahamugan ka pa."

Inayos ko ang balabal ni Lola tsaka inalalayan siyang tumayo. Nakahawak siya sa braso ko habang naglalakad kami papasok ng kubo kung saan kami nakatira. 

Itong kubo lang ang tangin naiwan ni papa sa amin kaya simula bata pa ako kailangan ko ng tumulong kay Lola sa paghahanap buhay. Luma na din ito at sira-sira na pero wala na man kaming ibang mapuntahan ni Lola. 

Mahirap ang buhay kung mahirap ka, pero pilit naming kinakaya ni Lola. Wala din naman kasi kaming maasahan sa mga kamag-anak namin. Ngayong malaki na ako narealize kong kapag pala mahirap ka walang gustong magpakilalang kamag-anak. Parang lahat sila diring-diring mapalapit sa amin. 

Para kaming may sakit ni Lola na kung ayawan nila ganun na lang. Nung isang beses nga inatake si Lola at walang -wala kami sinubukan kong lumapit sa mga kamag-anak niya pero ni isa walang nagbigay ng tulong. Mas mabuti pa yong hindi namin kamag-anak nag-abot pa ng tulong. 

TAINTED SERIES#3: THE BILLIONAIRE'S MISTAKE (William Anthony Guerrero) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin