Chapter 5

15.1K 514 227
                                    

"Apo naibigay mo na ba yong hinihingi ni Sir William sayo?"Muntik akong mabulunan sa tubig na iniinom ko dahil sa tanong ni Lola. 

Pagkatapos kong iwan si Sir William kanina nagtago muna ako saglit doon malapit sa bodega dahil hiningal ako sa pagtakbo pabalik dito sa hacienda.

Letseng lalaking yon, apaka bastos ng bunganga. Anong akala niya sa mani ko for sale? Excuse me lang! Bawal pa pitasin tong mani ko dahil bata pa ako. Kino-corrupt talaga nitong si Sir William ang innocent mind ko. Nakakainis!

"O ano Amethyst ba't di ka nakasagot dyan?" untag ni Lola sa aking dahil nanatili akong tahimik. Tumalikod ako kay Lola para hugasan ang basong pinag-inuman ko. Sa muli kong pagharap sa kanya halatang hinihintay niya ang aking sagot.

"A-ano ho daw bang hinihingi ni Sir William Lola?" balik tanong ko kasi hindi ko naman alam kung anong tinutukoy ni Lola. Isa pa paano nalaman ni Lola na si Sir William ang kasama ko kanina?

"Ha? Hindi mo ba alam? Ang sabi ni Cara sinamahan mo daw si Sir William kasi hinihingi ang mani mo?"

Loko loko din ito si Ate Cara, sa dinami dami ba ng rason mani pa ang naisip niya? Bigla tuloy nagflash back yong sinabi ni Sir William kaninang kakainin niya daw ang mani ko.

"Saan ka ba kasi galing? Bakit parang lutang ka? Nakuha niyo ba ang mani?"

"A-anong mani Lola?" medyo napataas pa ang aking boses. 

"Bakit anong mani ba Amethyst? Malamang yong maning binebenta mo. Bakit may ibang mani ka pa ba?"

"A-ah e, oo nga po Lola sabi ko nga yong maning benta ko po. Hehe." Feeling ko tuloy namumula ako ngayon. Anong mani ba kasi ang nasa isip ko? 

"Oh anong nangyayari sayo ba't namumula ka?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Lola kung bakit namumula ako.

"Ahm, ayaw na daw ni Sir William La, allergic na daw siya sa mani ngayon. Pulburon na lang daw La, pero wala akong dala... ayos sana yon para mabilaukan siya." mahinang kong dugtong sa huling sinabi ko.

"Anong allergic? Hindi kaya..." Natigilan ako dahil  biglang sumabat si Sir William.  " Lola Belinda, may favorite Lola, Kamusta po?" nagmano muna ito kay Lola bago binalingan si Nana "Nana Mildred, may favorite Nana of all times, payakap po." 

Ay sipsip! Magaling mambola ang Sir William niyo. Si Lola naman at Nana ay tuwang tuwa sa alaga nila. Niyakap pa silang dalawa ulit ni Sir William. May suot na itong puting t-shirt ngayon na hapit sa katawan niya. Siguro nahiya kina Lola at Nana, mabuti naman para di siya kabagin sa kakabalandra ng katawan niya.

Ang giliw niya kina Lola at Nana samantalang kanina sabi niya hindi siya pumapatol sa mga katulong. Kung banggitin niya pa ang salitang katulong parang diring diri siya eh. May pagka plastik din pala 'tong si Sir William e. 

"William hijo, sabi ni Amethyst ayaw mo na daw sa mani niya dahil may allergy ka daw?"

"Sinong may sabi na allergic ako sa mani Lola Beling?"

Oh shit! Hindi ko alam paano ko babawiin ang sinabi ko kay Lola. Andito pa naman si Nana Mildred, baka isipin niyang sinungaling ako. Bakit ba kasi biglang sumusulpot tong si Sir William dito sa kusina? Iniwan niya na naman siguro ang mga kaibigan niya doon sa may pool area.

Nakakaloko pa itong ngumiti sa akin tsaka may pakindat kindat pa. Hindi man lang ba siya nahiya sa Lola ko?

"Si Amy, itong apo ko sabi niya allergic ka daw sa mani niya."

Hala bakit 'mani' ko talaga? Ang sagwa naman pakinggan.

Bwesit kasi tong si Sir William eh. Dati wala lang naman sa akin sa tuwing nababanggit ang mani ko...I mean ang maning paninda ko, pero ngayon parang iba na tuloy ang dating nito sa akin.

TAINTED SERIES#3: THE BILLIONAIRE'S MISTAKE (William Anthony Guerrero) COMPLETEDWhere stories live. Discover now