Chapter 2

12.1K 496 123
                                    

"Amethyst!" dumagundong ang boses ni Miss Cruz sa buong hallway. Nakakatakot ang mukha nito at mukhang handa na akong pingutin anumang oras.

Mabilis kong tinago ang  mani sa aking likuran. Nahuli na niya kasi akong nagtitinda noon at pinagbawalan niya na pero hindi parin ako tumigil. Malaking tulong kasi sa amin ni lola  kinikita ko sa pagbebenta nito kaya kahit napagalitan na ako ni Miss Cruz pasekreto pa rin akong nagtitinda.

"Anong kalokohan na naman ba ito Miss Dimaculangan?" halos lumabas na ang litid niya sa pagkasigaw sa akin. Tila wala itong pakialam kong kaharap niya ba ang bisita namin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang kahihiyan. Ang ibang studyanteng nasa room nila ay nakasilip na rin. Tumahimik din lahat ng mga studyante sa hall. Tanging ang mga tunog ng takong ni Miss Cruz ang maririnig habang naglalakad ito palapit sa amin.

"Look at what you did? Dinumihan mo ang damit ng bisita natin? Wala ka na ngang maiambag dito sa paaralan perwisyo ka pa!" para akong sinampal sa sakit ng mga salitang lumabas sa bibig ni Miss Cruz. Totoong wala akong naimabag sa paaralan pero hindi ko naman sinasadyang madumihan ang damit ng bisita. 

"Stupida! Nakakahiya ka talaga!" kulang na lang ay pingutin ako nito. Siguro pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil nasa harap ito ng bisita namin. Kilalang maldita si Miss Madeline Cruz dito sa school namin. Palibhasa kasi anak mayaman, siya ang pinakabata sa lahat ng mga guro pero kung pagsalitaan niya ang mga ito para itong mga hampaslupa sa paningin niya. Minsan nagtatanong nga ako, bakit kaya ito nagtitiis sa trabaho niya gayong halos araw-araw naman iritado ito.

"Ano tutunganga ka lang dyan?"

Nanatili lamang akong nakayuko. Hindi ko kayang iangat ang tingin ko sa mapanghusgang mga mata ng mga studyante sa aking paligid. Alam kong maraming nakatingin sa amin ngayon, pati siguro ang ibang mga guro, pero ni isa walang may lakas na loob na lumaban kay Miss Cruz.

 Hindi ko napigilang mapahikbi sa sobrang kahihiyan. Nakikita ko pa ang mga luha kong nahuhulog sa sahig. Wala na man akong ginawang masama, gusto ko lang naman maghanap buhay para sa amin ng lola ko, pero bakit kailangan kong pagdaanan 'to.

"Pulutin mo lahat ng yan. Nakakahiya ka!" sigaw nito sabay hablot sa akin sa lalaking may hawak sa braso ko. Napaigik pa ako dahil halos bumaon ang kuko ni Miss Cruz sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Dito sa school namin si Miss Cruz ang batas dahil siya ang principal namin. Pampubliko ang paaralang ito, walang pumapalag sa kanya dahil halos lahat ng studyante dito anak ng mga mahihirap. Mabilang lang ang mga nakakaangat sa buhay pero hindi rin namam umiimik.

"Ano pang tinutunganga mo gaga? Linisan mo na!" sabi nito sabay tulak sa akin. Muntik pa akong masubsob sa harapan ng bisita dahil hindi ko napaghandaan ang pagtulak niya. Mabuti at nasalo ako nito. 

"Paumanhin po, Sir." hinging paumanhin ko sa kanya ng hindi pa rin nakatingin. Nangangatal pa ang labi ko dahil natatakot akong baka pati siya ay pagalitan ako. Nanlalabo ang aking paningin dahil punong-puno ng luha ang aking mga mata. Gusto ko nang malinisan ang kalat ko para makauwi na ako.

Dahan-dahan kong kinalas ang mga kamay niyang nakahawak sa akin pero humigpit ang pagkakahawak niya dito. Napaangat ang tingin ko sa kanya at kahit nanunubig ang aking mga mata ay kita ko ang awa sa mga tingin niya sa akin. Nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang mga panga.

" We're very sorry Mr. Guerrero." hinging paumanhin ni Miss Cruz sa bisita pero hindi siya nito binalingan ng tingin. Bigla ring nagbago ang boses nito na tila napakaamo.

"Is this how you treat your students here in school, Miss Cruz?" puno ng awtoridad na tanong ng bisita sa kanya.

"What do you mean Mr. Guerrero?" kinakabahang sagot ni Miss Cruz sa kanya.  Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin para makita ang mukha ng bisita.

TAINTED SERIES#3: THE BILLIONAIRE'S MISTAKE (William Anthony Guerrero) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora