CHAPTER 4

12.6K 503 243
                                    

"Sir..." tawag ko kay Sir William dahil medyo malayo na ang nalakad naming dalawa. Nag-alala  ako baka hanapin ako ni Lola sa loob. 

Isa pa natatakot ako sa anyo niya dahil parang galit ito, hindi ko lang kung sa akin ba o sa mga kaibigan niya. Pero malamang sa akin, siguro nainis ito dahil nagfeeling-close ako sa mga kaibigan niya kanina. Si Ate Cara naman kasi e.

Kanina niya pa hawak ang kamay ko at hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad kaya napapasunod ako sa kanya. Dinig ko pa ang malakas niyang paghinga habang naglalakad kami. Naiilang din ako dahil wala siyang suot na t-shirt at nakikita ko ang buong likod niya. 

"Sir saan niyo po ako dadalhin?" tanong ko pero hindi man lang ito sumagot kaya nagsimula na akong kabahan. Ito pa naman ang unang bebes na nakalapit ako sa lalaking walang suot na damit pang-itaas. Tsaka nakakatakot ang tattoo niya sa likod parang galit yong ibon na nakatingin sa akin, baka bigla na lang ito magkaroon ng buhay at tukain ako. Uy! Wag naman sana.

"Sir William ang layo na po natin. Saan ba tayo pupunta?"

"Sa langit." masungit niyang sagot sa akin kaya lalo akong kinabahan. Gusto ko pang mabuhay, paano na lang si Lola kung dadalhin niya na ako sa langit? 

"Sir naman oh...hindi pa po ako handa." talagang natatakot na ako kay Sir William dahil hindi pa rin ito tumutigil sa paglalakad.

Kinakabahan na ako dahil nasa malayong parte na kami ng hacienda. Nakakatakot din  ang ugat sa kamay niya dahil parang may sariling buhay ang mga ito, gumagalaw habang hila hila niya ang aking kamay. Dinagdagan pa ng tatoo sa buong braso niya. Ang laki din ng mga muscles niya sa likod at siguradong madudurog ako kung gugustuhin niya talaga. 

"Sir William...ang kamay ko po." muli kong tawag sa kanya saka pa ito huminto. Akala ko bibitawan niya ang kamay ko ngunit nanatili lamang ang pagkakahawak niya dito. Sinubukan ko kunin pero muling humigpit ang pagkakahawak niya kahit nakatalikod pa rin siya sa akin.

Ilang segudo pa itong nanatiling nakatalikod sa akin na tila pinapakalma ang kanyang sarili saka dahan-dahang humarap. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya dahil naiilang akong tumingin sa dibdib niyang walang damit. 

"I'm sorry..." saad niya sa mababang boses.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakaiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko din naman kasi alam kung para saan ang paghingi niya ng sorry. Mas miigi sigurong doon siya humingi ng sorry kay Sir Knight dahil wala naman itong ginawang masama sa kanya. Siya lang naman tong biglang naging iritado sa kaibigan niya.

"Your name is Amethyst right?" tumango ako pero iwas pa rin ang tingin.

"Amethyst Louisse Dimaculangan po ang buong pangalan ko, Sir. Apo po ako ni Lola Belinda at ako po ang papalit sa kanya dito sa hacienda niyo." magalang kong sagot sa kanya. Kailangan ko ang trabahong ito kaya kailangan maging maayos ako sa pagsagot kay Sir William.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Kung gagawan ako nang masama ni Sir William siguro walang makakarinig sa amin dahil malayo na kami. Malalaki pa naman ang mga puno dito tsaka ang daming pananim. 

"Please look at me." hinawakan niya pa ang panga ko tsaka pinaharap ako sa kanya. Ayoko man dahil naiilang ako ngunit napilitan akong tumingin sa mukha niya. Ang kaninang galit nitong anyo ngayon ay naging maamo na. Ang kaninang masungit nitong mga mata ay malamlam nang nakatingin sa akin.

Anong nangyari? Ang bilis naman magbago ng emosyon  ni Sir William.

"Look, Louisse, I'm sorry..." naging masuyo din ang boses niya hindi gaya kanina nung sininghalan niya si Sir Knight.

"Po?" kunot noong tanong ko sa kanya. Tsaka bakit Louisse ang tawag niya sa akin? Siya lang ang tanging tumatawag sa akin sa second name ko.

"I said I'm sorry..."hinuli niya ang mga mata ko kaya wala akong nagawa kundi ang makipagtitigan sa kanya. Marahas niya pang sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang isang kamay tsaka muling bumaling sa akin.

TAINTED SERIES#3: THE BILLIONAIRE'S MISTAKE (William Anthony Guerrero) COMPLETEDWhere stories live. Discover now