14

38 0 0
                                    

"Hoy Gabring! Umuwi na tayo." 

AGAD akong napalingon sa gilid ko nang marinig ang boses ni Adrian. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench na nasa ilalim ng malaking punong-kahoy at kaharap ng malaking gusali ng eskwelahan namin.

Pasado alas kuwatro na ng hapon ngayon at nagsisimula nang magsi-uwian ang mga estudyante sa kanya-kanyang mga tahanan. 

"Let's go na, sis! Sa inyo ako sasabay ngayon." Sulpot ng boses ni Mira.


"Bakit? Wala ka bang sundo?" Lingon ko sa kanya.

"Well, meron sana kaso hindi ko na pinatuloy sa pagpunta dito dahil nga sasabay ako sa inyo sa pag-uwi." Nakangiting saad niya.

"Bakit? Anong meron at sa amin ka pa sasabay, Mira?" Rinig kong tanong pa ni Adrian sa kanya.


"Wala naman, Adrian. Gusto ko lang sumabay sa inyo pauwi. Wala naman sigurong problema 'di ba?" Pabalik niyang tanong.

"Wala nama-----

 "Meron. You're not allowed to go with us."

Pareho kaming napalingon sa likuran namin nang marinig ang pagsulpot ng boses ni Dada. Bitbit niya sa kaliwang bahagi ang bisikleta niya habang seryusong naglalakad patungo sa kinaroroonan namin.

"H-huh? B-bakit naman hindi pwede?" Nauutal na tanong ni Mira sa kanya.

"Kasi hindi pwede. That's it. No further explanation." Walang emosyong sagot ni Dada bago inaayos ang bisikleta niya.

"P-pero wala na akong m-masasakyan mamaya kapag iniwan niyo pa ako dito." Pagsasalita pa ni Mira.


"Then it's not our problem already. Maghanap ka ng masasakyan mo pauwi." Sarkastikong sabi naman ni Dada bago sumakay na sa bisikleta niya. "Umuwi na tayo, Gab."


"H-uh?! P-paano naman ako?" Kinakabahang tanong pa ni Mira bago ako nilingon.


"Hay naku, hayaan mo na si Mira, Reez. Masyado ka namang harsh sa kanya." Boses ni Xia 'yon habang naglalakad patungo kay Adrian.


Napakunot naman agad ang noo ng pinsan ko dahil sa biglaang pagsulpot ng presensya ni Xia sa gilid niya.

"Anong ginagawa mo dito, Nana?" Tanong pa ng pinsan ko at mapaghahalataan sa boses ang pagkayamot.

Ano na naman ang issue ng dalawang 'to?!

"Ano pa ba sa tingin mo? E di sasama sayo pauwi. Nakakahiya naman sa tumatayong tatay ko dito." Sarkastikong sagot naman ni Xia sa kanya bago umupo sa likuran ng bisikleta nito. "Ayusin mo nga 'yang kulubot sa noo mo, Instik! Ang pangit mo tignan e." Dagdag niya pa bago inilabas mula sa bulsa ang isang bubblegum at nginuya ito.


"Tss! Akala ko ba may importanteng date pa kayo ng Jimenez na 'yon?" Taas-kilay na tanong naman ni Adrian.

"Hayaan na! May mas importante pa sa kanya at ikaw 'yon, Instik. Oy…kilig na yern! Hahaha." Pagbibiro naman ni Xia sa pinsan ko.

Napairap nalang ako sa loko kong pinsan nang makita kung paano nawala na parang bula ang inis niya sa mukha at bigla nalang namula. Masyadong marupok ang putcha! Tsk!


"Oy, sis! Paano na ako? Talaga bang hindi pwede?" Untag pa sa'kin ni Mira habang mababakas sa itsura ang pagmamakaawa.


"Hmm, huwag mong pansinin si Dada. Pinaglihi lang talaga sa ampalaya 'yang ugali niya. Hahah." Pagbibiro ko nalang.


Probinsyana Series #01:Taming my Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon