195

285 4 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE
-ALASTAIR's CAR-

The ride is silent. Paminsan-minsan, si Luna yung magiinitiate ng topic tapos isang tanong, isang sagot. Ang pinakkatahimik naman ay si Eya. Kapag in general ang tanong ni Luna, hindi sya sumasagot.

"Can you open that for me? Nagugutom na ako e." utos ni Alas kay Eya at inginuso ang mga chips na nasa harapan nila.

"Paano ka kakain e nagddrive ka?" tanong ni Eya.

Pinapanood lang sila nung tatlo. Mas alerto si Luna sa kilos ng dalawa dahil una sa lahat, ship niya yan. Pangalawa, titingnan niya kung paano dumamoves ang pinsan niya. At pangatlo, para mang-asar.

"Subuan mo ko."

"Subuan?? Ano ka, baby?" napangisi si Alas at saglit na nilingon si Eya.

"Baby mo." malambing na sabi nito. Hindi nalang umimik si Eya at binuksan ang chips.

"Ehem! Label."biglang sabi ni Luna. Natawa naman si Ara dito.

"Anong label?" tanong ni Alas kay Luna.

"Ha? Ah yung label nung chips. Hehe, Lays pala." palusot ni Luna.

Nagbukas din ng chips yung tatlo sa backseat habang si Eya naman ay sinusubuan si Alas. Hati na din sila sa isang balot ng chips.

Nang maubos ni Alas at Eya yung chips, nakaramdam ng antok si Eya.

"Sleepy?" he asked.

"Here." inabot ni Ethan ang neck pillow na dala niya. Napatingin naman si Alas kay Eya at inaantay kung tatanggapin ba nito ang unan.

"Thank you!" nakangiting sabi ni Eya at kinuha ang unang kay Ethan. Napangisi si Alas.

"Rupok." bulong nito.

"Hala, eh inaantok ka din Ethan diba?" sabi ni Luna.

"He can sleep on my shoulder." sagot ni Ara.

"Ay! Sana all! Bagay kayo." napaubo si Alas. Pasimple nitong nilingon si Eya ngunit parang wala naman itong pake sa sinabi ng pinsan niya.

"Luna, kung ako sayo matutulog din ako. Nagsusuka ka pa naman sa biyahe pag sobrang daldal mo."

"Hayop ka talaga, Alas!"

"Kadiri ka naman."

"Letse! Ayaw mo lang makita ko na lumalandi ka e." pang-aasar nito.

"Kelan ako lumandi?"

"Kanina! Wag kang tatangi. Kurutin kita sa singit e." Natawa silang lahat na nasa loob ng sasakyan maliban kay Alas.

"Tawa ka dyan." puna ni Alas kay Eya na iiling-iling pa.

"Pake mo. Luna, I suggest na kurutin mo sya gamit ang nail cutter."

"Ay pwede! Nice idea!"

"Funny."

Nang matapos ang tawanan nila ay ipinikit na ni Eya ang mga mata niya pero parang hindi yata sya maakatulog dahil sanay siyang may niyayakap kapag natutulog. Imimulat niya ang mga mata niya at nagsalubong ang kilay niya.

Gusto niya na talaga matulog.

"Oh? Pikit ka na kanina ah."

"Hindi ako makatulog e." aksidente syang napalingon sa rear mirror at nakitang nakasandal ang ulo ni Ethan kay Ara at mahimbing na natutulog. Ganun din naman si Ara. Si Luna naman ay abala sa cellphone niya.

Naalis lang ang paningin niya kay Ara at Ethan nang maramdaman niyang hinawakan ni Alas ang kamay niya.

"Wag mo nang tingnan." bulong nito at siniguradong si Eya lang ang makakarinig.

"Bitaw na. Nagddrive ka." mahinahong sabi ni Eya.

Hindi niya alam pero ang bilis niya lumambot sa taong 'to.

"I can drive using only one hand. Automatic naman tong kotse ko. You can sleep na. Naituro mo na naman sakin ang daanan e." nakangiting sabi ni Alas.

"Thank you." mahinang sabi niya. Mas lumawak ang ngiti ni Alas.

Eya closed her eyes and somehow, she felt comfortable because for her, his hand feels like comfort.

PUBLIC vs. PRIVATEWhere stories live. Discover now