247

239 2 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Nakasubsob lang si Alas sa desk habang si Baste naman ay tatawa-tawang pinagmamasdan ang kaibigan niya.

"Hoy, umayos ka na. Pabalik na si Tita Kim oh."

"Manahimik ka na nga. tch"

Nagulat naman sila nang biglang may kumatok. Agad na napaangat ng mukha si Alas.

"Open the door." utos niya kay Baste.

"Tangina naman. Isinama mo lang yata ako dito para maging utusan e." reklamo nito at saka sinunod ang utos.

Pagbukas ni Baste ng pinto ay handa na siyang bumating ng 'Hello, Tita Kim' pero nagulat siya dahil hindi si Tita Kim ang kumatok.

"Eya.."

Nagpantig ang tenga ni Alas at agad na napatayo at lumapit sa pintuan.

"Eya? What are you doing here? Gabi na ah. Tsaka akala ko kasama mo si Vin?" sunod-sunod na tanong niya. Ngumiti naman si Eya.

"Baka namimiss mo na ako e." hindi naman nakaimik si Alas at tila gulat pa rin.

Aminado naman siya sa sarili niya na masaya siya. Masayang-masaya.

"Hay salamat, makakuwi na din. Oh, may kasama ka na dito ah! Alis na ako! Enjoy, lovebirds!" paalam ni Baste at lumabas na ng office at naiwan si Alas at Eya.

"Ang awkward mo naman." puna ni Eya at nilagpasan si Alas saka umupo sa kaninang pwesto ni Baste.

Bumalik sa upuan si Alas at tiningnan lang si Eya na lumalaban din ng tingin.

"I saw Baste's tweet. Naisip ko na baka nagseselos ka kaya pinuntahan kita." biro ni Eya at ngumisi.

Umirap naman si Alas sa kaniya.

"Kapal."

Natawa si Eya sa reaction niya. Tumayo si Eya at yumuko sa harap ni Alas kaya naman napaatras si Alas.

"A-Ano bang ginagawa mo?"

"Maalam ka magluto diba?"

"Tsh. Kung si Calvin lang din ang lulutuan mo, hindi kita tuturuan. Asa ka."

Natawa si Eya at saka bumalik sa upuan niya.

"Lantaran ka na magselos ah."

"Shut up."

"Maalam na magluto si Vin. Kaya na niya sarili niya. Gusto ko matuto magluto para sa sarili ko. Willing ka bang turuan ako?" hindi muna sumagot si Alas.

"Huy?"

Tumayo si Alas at hinila si Eya palabas ng office ng Mommy niya. Dinala niya si Eya sa kitchen.

Nagulat pa yung mga chefs na nandon.

"Sir Ace, goodevening po." bati nila. Nginitian sila ni Alas.

"Pwede bang sa amin muna yung pwesto dun sa dulo?? Gusto kasi matuto magluto ng girlfriend ko."

And with that, Eya's heart starts racing again.

Baka nga tama si Vin at Kuya Rio niya.

Maybe she really likes Alas. The guy who used to be her enemy.

PUBLIC vs. PRIVATEWhere stories live. Discover now