205

241 2 0
                                    

PUBLIC vs. PRIVATE

Nang matapos ang laro ay hinila ni Han ai Celeste palayo sa pinagpwestuhan nila kanina.

"Tsk! San mo ba ako dadalhin?!" inis na tanong ni Celeste sa kanya.

Huminto sila sa may tapat ng puno at agad na hinarap ni Han si Celeste.

"Bakit ka ba galit sa akin?"mahinahong tanong ni Han dito. Napairap naman si Celeste sa kanya.

"Tinatanong pa ba yan?"

"Cel, I left because I have no choice---"

"Alam ko! Alam ko naman yun, Hanniel. Hindi ako dun galit. Ang nakakagalit don eh yung umalis ka ng walang paalam. Han, ikaw lang ang kaibigan ko noon. Ikaw yung sandalan ko tuwing mag-aaway yung parents ko pero puta! Para akong naiwan sa dilim nang mag-isa mula nung umalis ka." Biglang bumagsak ang luha ni Celeste.

"Lumaki ako nang walang naging sandigan na kahit sino tuwing nadadamay ako sa away ng mga magulang ko. Not until I met them." pahinang sabi nito.

"Sana man lang, kahit simpleng "goodbye" nagsabi ka sa akin. Kasi ilang buwan din akong nagmukhang tanga at nagpabalik-balik sa tapat ng bahay nyo, umaasa na baka isang araw ikaw na ulit yung bubungad sakin." dagdag pa niya.

Hindi na napigilan pa ni Han na yakapin ang kababata. Ramdam niya na yumakap pabalik si Celeste sa kaniya.

"I'm sorry. I'm so sorry, Cel."

Humigpit ang yakap sa kanya ni Celeste at dinig na dinig ang paghikbi nito.

"I missed you so much, Niel."

"I missed you too. Sobra-sobra."

Masaya silang pareho nung gabing iyon. Pero sa loob-loob ni Celeste, may kulang pa. May mga bagay pa na hindi niya kayang sabihin sa kababata niya.

Tama muna siguro na itago ko panandalian ang nararamdaman ko. Hindi pa ngayon..

PUBLIC vs. PRIVATEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu