VOCAL #2

257 6 1
                                    

Naging abala ako sa pag-aasikaso ko ng mga requirements ko para sa nalalapit kong enrollment sa Southdale University. I called papa already, actually kahapon ko lang siya nasabihan.

And good thing pumayag naman siya agad dahil sabi niya wala naman daw siyang magagawa. Kung saan daw ako kumportable at masaya, suportado lang daw siya sa lahat ng mga desisyon ko, basta sa desisyon na ikabubuti ko.

Totoo naman ang sinabi ni papa, kung pipigilan niya pa 'ko, edi wala na akong naging kakampi. Ano naman aasahan ko kay Marcus, eh batang isip pa 'yon, hind inga marunong maglaba at magsaing eh.

Kaya favorite ko talaga si papa. He's one of my favorite people aside kay Jameah, kahit madalas niya akong inaaway at inaasar.

About naman kay mama, wala pa rin akong balita kung nasabi na ba ni tita. I wanted to ask Tita Melissa pero inuunahan ako ng kaba, at baka makulitan pa siya lalo sa akin kapag pinaalala ko pa sa kaniya.

"Jameah, I am fucking excited! But I'm not really sure kung papayagan ba talaga nila ako," I said to my best friend on the call.

Kasalukuyan ay nag-aayos ako ng mga gamit ko at ibang mga damit na hindi ko na nagagamit masyado, inipit ko sa pagitan ng kaliwang balikat ko at tainga ko ang phone ko. Kung titignan para tuloy ako may epilepsy.

"I already told you, don't be too excited at baka hindi ka payagan. Such a dummy kid," mataray nitong sabi. Siguro kung nakikita ko lang itsura niya baka ginagaya ko na siya ngayon. Pasalamat talaga siya at mahal ko siya, at pwede niya ako taray-tarayan dyan.

"Tsk, ang sungit mo, alam mo 'yun? Kita mong may dilemma pa rin ako, tapos ang attitude mo pa masyado! Sarap mong kalmutin sa totoo lang!" singhal ko naman sa kaniya.

"Talagang masungit ako hangga't hindi pa sigurado 'yung pagluwas mo sa Manila. At malakas talaga pakiramdam ko na parang may aberyang magaganap bago ka payagan," she said it like she was really sure sa mga hinala niya.

"Ang nega mo naman! You should cheer me on, hindi 'yung parang sinasabi sa tono ng boses mo na hindi ako matutuloy mag-aral doon." I frowned.

Inayos ko pa ang ibang gamit ko sa studying table ko dahil ang kalat talaga dahil nga naglinis ako ng kwarto at ng mga damitan ko.

"Don't me. You can fool everyone, but not me. I know na excited kang mag-aral sa Southdale para makita mo na finally si Raizle, hindi ba?" Here we go again. Jameah ang mapang-asar na kaibigan. Tinigil ko muna ang pag-aayos ng gamit ko para mahawak ko maigi ang phone ko.

"You're making an issue! Duh, malaki talaga ang tendency na magkita kami dahil same kami ng course, at lalong same university pa kami nag-aaral." Again. I really need to defend myself from my manipulative best friend.

"Duh, edi lumabas din dyan sa mismong bibig mo, na kaya ka mag-aaral sa Manila at kung bakit ka rin nag shift, is because of Raizle!" she shouted. Kinailangan ko pang lumayo sa phone ko dahil ang tinis ng boses ni Jam.

"Idiot, jameah. Wala akong sinasabi, so stop accusing me, okay" I coldly said na may kasamang irap sa hangin. Dumiretso ako sa closet ko para isampay 'yung mga ibang damit ko na nakakalat sa kama ko.

"Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na 'follow your heart' because proven and tested sa'yo, my friend. Literal na sumunod ka sa mga tinatahak na landas ni Raizle. But don't worry I'll make sure naman na makakasunod ka sa klase, and I will totally help you to study, at pwede rin kitang matulungan sa pag hunting kay Raizle."

Nakaramdam siguro 'to na malapit na siyang bumingo sa akin kaya may pampalubag loob.

Kaso okay na sana, eh, hanggang sa dulo may kasama pa ring pang-aasar. Hindi ko talaga maintindihan sa babaeng 'to.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon