VOCAL #25

140 4 0
                                    


"Do you have class ba later, Israh?" Primrose asked.

Nagpasama siya sa main library para mag-aral para sa nalalapit nilang final exams. I shook my head. "Wala, why?" 

Habang ako naman ay gumagawa ng presentation namin sa isang minor subject.

"Let's go shopping! I'm so stress na sa acads," she said. Sobrang cute talaga nitong si Primrose, kapag nagpapasama sa akin or kay Jam laging naka pout.

Medyo maluwag naman ang sched ko ngayon since lahat ng requirements na kailangan kong ipasa ay napasa ko na ng maaga. Nag paala rin ako sa store na one-week akong hindi papasok.

Last time kasi ay sobrang fully sched ako at ang hectic, halos hindi na ako makapunta sa gig ng Algo. Kaya next week paulit ang balik ko sa trabaho.

"Wait, check ko. Baka kasi ihatid ako ni Raizle pauwi sa condo."

Kapag walang shooting or gig si Raizle madalas niya ako ihatid-sundo. Irregular student na rin kasi siya, kaya hawak na niya ang oras niya. Madalas ay mas busy siya sa pagbabanda.

"Oh My God! I almost forgot na you have boyfriend na, Israh," mahinang tili niya, since nasa library kami.

Nangiti na lang ako kay Primrose, hindi pa rin kasi ako sanay marinig mula sa kaniya na may boyfriend na ako, ewan ko pero nahihiya talaga ako na i-claim iyon. Shy type 'yan?

Naalala ko bago ko pa sabihin kay Primrose na boyfriend ko na si Raizle, ay alam na niya agad. Sinabi raw sa kaniya ni Jam. Marites era na yata ni Jameah ngayon.

Nahiya talaga ako kay Primrose nun, pero sabi naman niya, masaya naman daw siya para sa akin. Nagulat lang daw talaga siya noong una, hindi niya raw akalain na magiging kami na agad.

Ikaw ba naman budulin ng isang Raizle Wallace Briones eh, baka gustuhin mo na palaging magpa-budol sa kaniya.

Almost three months na rin kami ni Raizle. Minsan hindi pa rin talaga ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Tuwing gigising ako sa umaga, iyon lagi ang naalala ko. Tila ako nananaginip ng gising.

"Baka may makarinig sa atin," sabi ko.

Patago pa rin kasi ang relasyon namin. Ang alam ng mga fans niya ay single pa rin siya. Ang nakakaalam lang ng relasyon namin ay ang buong member ng Algorithm, Jam at Prim.

Kumalumbaba siya sa harap ko. "Inggit ako sa'yo... You have perfect boyfriend, Israh." Natawa naman ako nang sabihin iyon ni Primrose. Ang cute naman niya mainggit.

Perfect boyfriend?

Maybe? Hindi ko pa masabi dahil bago pa lang kami.

Sa buong tatlong buwan na relasyon namin ni Raizle, masasabi kong sweet talaga siya at gentleman. Ibang-iba na talaga siya sa unang Raizle na nakilala ko.

Pag may sinabi siya sa akin, gagawin niya talaga. He always keeps his promises. Kapag naman busy siya sa gig o sa ibang trabaho niya, bumabawi naman siya kaagad.

Legit 'yung sinasabi niya na, He keeps his word. He would constantly pursue me, telling me that I am the most beautiful woman on earth. Every time we saw each other, he'd kiss and hug me. Ipaparamdam niya talaga na mahal ka niya.

He treats me very well and goes above and beyond my expectations.

He would date me kahit simple lang at hindi bongga. His efforts really matter actually, wala naman akong pakialam kahit saan kami mag date.

Minsan tinutulungan ko siya sa schoolworks niya kapag wala na siyang time para gawin. Ayaw niya na ginagawa ko iyon pero ako na mismo ang nag i-insist na gawin.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon