VOCAL #3

217 5 0
                                    


"Matagal pa naman 'yung pasukan natin, diba?" tanong ko kay Jameah bago sumubo ng kinakain ko na burger.

Napagdesisyunan kasi muna namin na kumain muna kami dahil nagugutom na kami pareho. Dito kami kumain sa isang fast food chain kumain, malapit lang sa airport. Ang inorder namin ay dalawang spaghetti, dalawang cheese burger, and fries.

"Medyo matagal pa naman, bakit?" sagot naman ni Jameah habang kumakain ng fries.

"Pasyal mo kaya muna ako dito sa Manila?"

"O, namamasyal ka na nga ngayon, eh," pilosopong sagot nito. Napasimangot tuloy ako bigla dahil sa sinabi niya. Ayos talagang kausap 'tong kaibigan ko, kahit kumakain nice talking pa rin.

"Baliw! Ang ibig kong sabihin, ipasyal mo ako sa magagandang spot dito sa Manila, hindi ko sinabing ngayon," mataray kong sagot. Madalas talaga wala akong makukuhang matinong sagot sa kaibigan ko. Kumain na lang ako dito.

"Ay, sorry naman. Wala ka naman makikitang magandang spot dito sa Manila, ang marami dito; bar, club, bistro, at kung ano-ano pang pwedeng tamabayan, at hindi ko naman masasabing magandang spot 'yon." Ngumuso na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Ganoon ba?"

"Alam ko kasi dito sa Manila mas lamang ang polusyon dito, tapos maingay pa. Kailangan marunong kang sumayaw sa lahat ng tugtugin, kumbaga marunong kang makisama para hindi ka nila mauto.

Lastly, huwag kang tatanga-tanga, dahil maraming manloloko dito, isama mo na rin ang mga lalaking walang bayag dahil sa sobrang gago." Medyo mapait ang pagkakasabi nito.

"Grabe ka naman! Alam mong kakarating ko lang dito tapos sisiraan mo na agad sa akin 'yung Manila," singhal ko naman sa kaniya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, no. Well, hindi ko naman nilalahat ang mga lalaking walang bayag, ang ibig ko lang sabihin ay mas marami lang talaga ang mga manloloko. Kaya sundin mo ang bilin ni Tita Melissa, mag-iingat ka dito at huwag basta-basta magtitiwala." May bahid ng pananakot ang bilin niya.

"Oo na, alam ko naman 'yon! Hindi naman ako ignorante para magpaloko, no," saad pa nito, sabay inom nito sa binili namin na drinks.

"Hindi mo sure, sissy." Aba nagawa pang mang-asar nito.

"Nakailang boyfriend ka na ba dito sa Manila? Bakit ang dami mong alam tungkol dyan, Jameah?" kuryosidad na tanong ko.

"Well, isa pa lang naman, at matagal na kaming break! May red flag kasi, tapos kabilang din pala sa mga walang bayag." She rolled her eyes.

"Aba, dami namang ganap sa'yo noong freshmen ka! Kwento mo sa akin 'yan pag-uwi natin sa dorm."

Interesado ako sa chismis ng kaibigan ko, lalo na at matagal din kaming hindi nagkasama noon. Since, dito na ako mag-aaral marami na kaming oras magkasama.

PAGKATAPOS naming kumain ni Jameah sa isang fast food chain dumiretso uwi na agad kami sa dorm. Dalawa lang kami ni Jam sa inuupahan naming dorm, dahil malaki naman 'yung kwarto at kasya ang dalawang tao.

Nagulat nga ako na pang dalawang tao ang binabayad niya dito, dahilan niya ayaw niya raw ng ka dormmate na maingay. Tsk. Siya kaya 'tong maingay, kung magsalita akal mo tahimik na tao.

Nag-aaya pa nga mag mall si Jam, kaso tumanggi na 'ko dahil sobrang pagod ako sa flight ko. Parang tanga lang alam na may dala akong mga maleta at bagahe, mag-aaya pang magpunta sa mall.

Nang makaligo na ako at nakapag palit na rin ng damit, na kwento niya nga ang tungkol sa ex niya na may red flag daw at walang bayag.

Kaloka 'tong si Jameah ang daming naging experience dito sa Manila, hindi pa naman siya ganoon katagal dito pero nagulat ako sa mga kwento niya.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon