RS #27

3 1 0
                                    

"May pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ko kay Gala nang papunta na kami sa parking lot ng school.

Umiling siya. "Wala naman na. Tapos na 'yung meeting ko sa board ng hospital and also to my company." Sabi niya habang nagbibilang sa kamay niya. "I'm free tonight."

Tumango naman ako do'n. "That's good." Tsaka na siya pinagbuksan ng pintuan ng kotse.

"Bakit?"

Ipinilig ko ang ulo pakaliwa at sinabing, "Just ride in. May pupuntahan tayo."

Nagkibit balikat siya bago sana sasakay pero humarap muna siya sa akin. "Libre mo ba?"

"Naman! Ako nag-aya, 'di ba?" Sabi ko pa na tinanguan naman niya bago siya sumakay sa shotgun seat at tsaka ko na isinara ang pintuan bago umikot at pumasok na sa driver's seat.
Inilagay ko naman ang mga gamit ko sa likurang bahagi ng kotse bago siya tiningnan. "Seatbelt, please."

Ipinaikot niya ang mga mata niya bago inayos ang seatbelt niya.

"Saan naman tayo pupunta? Hindi ako nag-paalam kayna Mama."

I immediately get my phone and dialed the number of her mother that she also picked up after one ring.

"Hello po, Tita! Itatakas ko na po si Gala."

"Magtatanan na kayo?" Hindi makapaniwalang sabi niya kaya bahagya akong napatawa.

"Hindi po, Tita. May pupuntahan lang po."

"Sigurado ka bang hindi kayo magtatanan?" Parang dismayado pa 'yung boses niya pagkasabi niya no'n kaya napa-himas ako sa batok ko.

"Iuuwi ko po siya mamaya. Anong oras po 'yung curfew niya?"

"Honey, anong oras daw curfew ni Xie?"

"She should go home now, Mommy! I want Ate Gala! Now!"

"Sige po, Tita. Uuwi ko na po." Sabi ko at tsaka na muna nagpaalam bago ibaba ang call at tumingin kay Gala.

"Was it Nate?" She asked and I nodded. "He's having tantrums again."

"So, next time nalang tayo pumunta sa pupuntahan natin." Sabi ko na tinanguan naman niya kaagad.

"Daan nalamg tayo sa KFC. I'll buy him hotshots and mashed potatoes."

"Okay." Sabi ko naman at tsaka na nagdirve palabas ng school.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko na sinayang 'yung chance na 'yon para magtanong.

Hot seat ka sa akin ngayon dahil hindi ka pumasok.

"Anong pinag-usapan niyo?" I opened the topic.

"Ako raw maghahandle nu'ng hospital pero, paano? I am not a graduate of medicine nor a student." Iiling-iling na sabi niya.

"Mag-aral ka ng med." Simpleng sabi ko naman.

"Ikaw mag-aral ng labin-limang taon, sige." Sabi niya na halatang naiinis na.

"What about the meeting with your own company?"

"Na-stress ako ng slight." Tsaka niya inakto 'yon sa kamay niya bago tumawa. "Pero ayon, nag-discuss din ako ng mga gusto ko para sa mga writers du'n sa app. Excited na nga ako kasi may mapa-pub ulit na book under my company."

"Hindi halatang masaya but, support lang."

"Thanks, Elle. Sayang talaga, hindi ako nakapasok ngayon." Napatingin ako sa kanya at sobrang lungkot na naman ng mga mata niya bago siya makahulugang tumingin sa akin na sinabayan pa ng pagtaas-baba ng kilay niya. "Pahiram ng notes."

Rainbow SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon