RS #15

13 3 0
                                    

Pumunta na ako sa classroom namin at naabutan si Golden na may ginagawa sa notebook niya.

Parang calligraphy ata 'yon.

"Ginagawgaw mo?" Tanong ko habang binababa ang gamit ko sa may upuan ko.

"Calligraphy." Simpleng sagot niya at nagpatuloy na sa pag-ca-calligraphy niya.

"Kaninong pangalan?" Biglang tanong ko.

She shrugged. "Maybe my future kids' name?" Tsaka niya ako nilingon.

"Magkaka-anak ka ba?" Seryosong tanong ko pero inirapan niya lang. "Joke lang. Sorry naman. Akala ko, wala kang balak, eh."

Maling akala lang naman, eh.

Tiningnan niya ulit ako. Isang masamang tingin naman ngayon. "HA-HA-HA. You're so funny, noh? Like wtf pakamatay ka na."

Natawa nalang ako out of nowhere. "Patingin nga ako tapos bati na tayo," Tsaka ko pa siya kinalabit.

"Alam mo? Pasalamat ka, kaibigan kita, kung hindi, kanina ka pa nakahandusay sa sahig!"

Tsaka niya padabog na ipinakita sa akin 'yung notebook na pinagsusulatan niya.

Gervase Gershon

"Eh, ano nickname niya? Gege?" Natatawa kong tanong.

"May masama ba du'n?" Seryosong tanong niya bago inilipat sa isa pang page na may pangalan din na naka-calligraphy.

Gowrie Gozde

"Gogo pa nga HAHA. Saan mo galing mga pangalan nila?" Tsaka ko siya nilingon.

"Uhm, nagmumuni-muni ako and I am mixing some names kaya ayan." Tsaka niya pa ulit inilipat sa isa pang pahina ng notebook.

Gianna Gaetana

"Giga... Loader ka na din?" Pagkatanong ko nu'n ay bigla niya akong hinampas.

"Nagtatanong ako ng maayos, Gago." Tsaka ko pa ulit nilipat ang isa pang pahina.

Gayle Gatha

"Ay, Gaga!" Biglang bulaslas ko dahil may biglang nahulog.

Napatingin ako sa harapan at nakita sina Ronald na nagpupulot ng libro. Tumayo na din si Golden para tulungan sila.

Tumatango-tango si Ronald at Jackson kay Golden bago sila tumayo't lumabas ng classroom.

Tumingin pa si Golden sa kanila hanggang sa makaalis na sila.

Are they going to cut classes? Hindi naman nila gawain 'yon, eh. Baka hindi naman cutting?

Napabalik ako sa huwisyo nu'ng magsalita si Golden.

"Tangina nu'ng mga nandi-discriminate sa mga kasama sa LGBT Community. Sarap manakal at pumatay. Tangina."

Tsaka pa siya padabog na umupo sa upuan niya na parang wala siyang katabi.

"Edi manakal ka tas pumatay ka. Basic." Walang gana kong sabi sa kanya.

Tiningnan niya ako. "Gusto mo mauna?"

Umiling ako. "Ayaw ko malamang. Nga pala, wala ka bang Gigi diyaan?"

"Gigi? As in 'yung isa? O pangalan? Kung pangalan, meron ako. Pero 'yung isa, wala."

Bakit parang ikaw pa lalaki sa ating dalawa? HA-HA.

Inilipat niya sa isa pang pahina.

Rainbow SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon