RS #20

4 3 0
                                    

May tumikhim sa likuran namin kaya napabitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Galaxy, hinahanap ka na daw sa loob," tinig ni John ang narinig ko.

Tumango si Golden bago ako tiningnan at nginitian at tsaka na siya bumalik sa loob.

"Uhm, Gab," pagpigil ni John sa paghakbang ko para sundan si Golden.

Nilingon ko siya. "Ano 'yun?"

Nagkamot muna siya ng batok bago direktang tumingin sa mga mata ko. "Sa tingin ko kasi... Hindi ko na itutuloy 'yung panliligaw sa'yo..."

Tumango ako. "Good to hear that." Tsaka ko na sana siya lalagpasan pero hinawakan niya 'yung braso ko.

"But can I have a favor?"

Taas-kilay ko siyang tiningnan. "About what?"

"C-can you help me with Ja-Jackson?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya bago ko hinigit ang braso ko na hawak-hawak niya.

"Baka mamaya, paiyakin mo si Jackson?" Medyo inis na tanong ko na inilingan naman niya.

"I surely like him. Kaya please?" Halos mag-pout pa siya sa harapan ko.

"Isa kang malaking scam, John."

Umiling siya. "Totoo ang sinasabi ko. Kaya pakisusap," nag-pout na talaga siya. He look so gay. "Help me with him. Please."

"I treasure my friends pero sige. Isang beses kitang tutulungan pero kapag sinaktan mo ang kaibigan ko, bali ang leeg mo sa akin." Tsaka na ako umalis doon para hindi na kumulo ang dugo ko.

UMUWI kami bandang alas-kuwatro ng hapon. Doon muna ako sa kanila hanggang sa Sunday.

Para na din akong lumayas sa amin pero alam ng mga magulang ko kung nasaan ako.

"May party pa po ba mamaya, Mom?" Tanong niya pagkaupo namin sa sofa nila sa sala.

Tumango si Tita Malou. "Yes, sweetheart, there is. Pero close family friends and relatives lang ang kasama."

Tumango-tango si Golden. "Okay. I'll just take a nap. Just wake me up after thirty minutes." Tsaka na siya humiga.

Umalis ako sa pagakakupo sa sofa para maayos ang pagkakahiga niya at hindi siya mahirapang makatulog.

Pumunta ako sa kusina nila at naabutan si Natd na umiinom ng tubig.

"Want water, Kuya Elle?" He asks as I shook my head.

"Pagod na pagod ka ata?" Medyo natatawang tanong ko na inilingan naman niya.

"I am just thirsty."

Tumango-tango ako. "By the way."

Liningon niya ako habang naka-hawak pa din sa baso.

"Ano'ng susuotin ng Ate mo mamaya sa party niya?"

"Probably she'll wear a gown or a dress. But with those rubber shoes she's wearing right now." Sagot niya bago binitawan ang baso sa may lamesa ng kitchen nila.

"Uhm, Kuya Elle, can you help me wrap my gift for Ate Gala?" Tanong niya na tinanguan ko naman.

"Sure. No problem."

Pagkasabi ko no'n ay nagtatalon siya at tsaka na ako hinila papunta sa kuwarto niya na hindi naman niya ginagamit.

May kinalkal pa siya doon at bago ako nilapitan. "Here." Tsaka siya may iniabot na shoe box.

Rainbow SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon