Tanda

4 1 0
                                    

"Hard pass," pagputol ko sa pagsasalita ng matalik kong kaibigan.

Agad naningkit ang kanyang mga mata at saka mariing itinikom ang bibig.

"Girl, hindi mo pa nga nasusubukan. Isang beses at saglit mo pa lang nakakausap nang ipinakilala kita last night, bakit hard pass ka naman agad riyan?" maktol ng kaibigan kong sumusubok na namang ireto ako sa kung sino, sa katrabaho niya naman ngayong nakasalubong namin sa bar kagabi.

"Exactly. Alam ko agad na ayaw ko," kibit balikat ko bago sinubong muli ang kutsaritang may icecream, buong atensyon ay nasa tv sa harapan kung saan nakasalang ang adaptation ng isa sa mga paborito kong libro.

"Ayaw mo sa baby boy? Nagyoyosi nga 'yon pero hindi naman umiinom, nakita mo naman kagabi. Bago nga lang sa department namin, pero ilang taon siya ro'n sa pinanggalingan niya. Tsaka bet ka nga raw!"

Sumandok ako nang malaking tipak ng icecream at saka sinubo sa bunganga ng katabi. Itong isang 'to, kapag hindi mo sinagot, mas lalong mangungulit.

"Baby boy? Totoo, since masyado siyang dependent sa mga kapatid. Kung patulan ko 'yon, ako lagi mag-iinitiate. Ako sasalo ng buong mental load sa relasyon, gano'n siyang klase ng lalake," pagbigay ko sa kagustuhan niyang explanation kung bakit ayaw ko sa manok niya, kahit wala naman dapat akong obligasyong magpaliwanag. "Base rin sa saglit na pag-uusap namin, siya 'yong tipo na wala nang planong magpayabong, mayabang na siya sa kung nasaan siya ngayon. Parang tumanda na walang pinagkatandaan, girl. I can waste my time without the help of boys like him, thank you very much!"

Matagal niya akong tinitigan bago bumaling na rin sa tv, pero hindi nakatakas sa 'kin ang lungkot na dumaan sa mga mata niya.

She figured it out.

"Nakikita mo siya sa kanya?" mahina niyang saad maya-maya. "Lahat ba ng lalakeng makikilala mo't may kahit kaunting pagkakahawig sa kanya, aayawan mo?"

Bumuntong hininga lang ako at hindi na siya sinagot pa. This time, hindi na rin niya pinilit pa ang pagreto. Alam niyang mas mabuti nang hindi ako kulitin pagdating sa ganitong usapin.

Lahat ba ng lalakeng makikilala kong may pagkakahawig sa kung sino ka, aayawan ko?

Oo. Bakit ko gugustuhin at pipiliing pumulot ng batong ipupukpok ko lang din sa ulo ko, kung pwede ko namang sipain lahat 'yon palayo?

Hindi naging mahirap ang pag-alis mo, dahil mas nahirapan ako sa pananatili mo. Kaya bakit ako tatanggap sa buhay ko nang katulad mo?

Tandang-tanda ko pa ang mga itinanim ko noon sa sariling isipan kalakip ang malalim na sugat na iyong iniwan.

Tandaan mo... hindi ka gagaya sa kanila. Hindi ka papatol sa tulad niya. Hindi mauuwi sa nakaraan ang hinaharap mo. Tandaan mo.

RIGHT IN THE FEELS (a compilation)Where stories live. Discover now