Chapter 1 : Amber

105 10 5
                                    

"Shangxin."

Alaskwatro pa lamang ng umaga ay ginigising na ako ni mama upang buksan ang tindahan namin sa gilid ng kalsada. Naiinis kong itinabon ang unan sa tainga at sinubukan muling matulog. Rinig ko ang pagtatatalak ni mama sa baba ng bahay dahil ayoko pa ring bumangon.

"Ang tatamad niyo. Ako na lang ba palagi ang mag-aasikikasong mag-isa ha!" Pagpaparinig nito para marindi ako at tuluyang bumangon.

"Ma! Sabing maaga pa nga!" galit kong wika. Itinalukbong ko ang kumot ko, nagbabakasakaling mabawasan ang volume ng boses ni mama sa tainga ko.

"E, anong gusto mo? Ang araw  pa ang mag adjust sayo? Ang sasakit niyo sa ulo."

"Shangxin! Bumangon ka na d'yan. Hindi na ako natutuwa!"

"Five minutes pa ma!" sigaw ko at mariing ipinikit ang aking mga mata. Sa inaantok pa nga kasi ako. Anong oras na rin akong natulog sa kakascroll ng news feed  ko sa facebook.

"Iyang 5 minutes mo!  Susundan  pa ng sandali! Saglit lang! Hanggang sa nabuksan ko na ang tindahan at hindi ka pa rin bumabangon!"

Wala na akong nagawa at nayayamot ma'y bumangon na ako. Lumabas ako ng silid ko, naghimalos, pumasok ng banyo para buksan ang gripo. Inilublob ko lang ang kamay ko sa balde at nakipagtitigan sa tubig. Parang gusto ko na lang ulit matulog kay sa makipaglaban sa lamig ng tubig na ito.

"Maligo ka na! Puro na nga utang ang tindahan! Puro pa kayo katamaran! Gigibain na ang tindahan na'tin sa susunod na linggo. Baka nakalilimutan mo Shangxin? Ikaw lang naman itong malakas kumain," saad pa ni mama. Napairap na lang ako sa loob ng cr.  Ako na naman ang ginawang isang halimbawa.

"Okay, tubig. Behave. Alam kong malamig ka, mamadaliin lang natin ito ng very very light!"

Narinig ko ang mahinang tawa ni mama sabay sabing, "kailangan na yata nating  bumili ng kadena para sa kapatid mo, Graciana!"

Hindi ko na sinagot pa si mama sa pang-aasar nito sa'kin. Kumuha lang ako ng kunting tubig sa tabo at binasa ang sabon. Hinubad ko muna lahat ng suot ko at nagsimulang magsabon.

Nang masigurong nasabunan ko na lahat parte ng katawan ko'y diretsyo banlaw na, nagmamadaling ibinuhos  ko na lahat ng laman ng balde.

"Dalhin mo  na lang 'yung box ha!" bilin ni mama sa'kin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto hudyat na lumabas na ito. Nang makapagbihis ako ay isinuot ko na ang mask ko at inilugay ang dehydrated 'kong buhok. Sana all silky straight hair!

Binuhat ko na ang karton palabas ng bahay at nakasimangot na naglakad. Hindi naman nila makikita na nakasimangot ako dahil may mask. Habang naglalakad ay hindi ko  maiwasang mapairap sa mga construction worker na sitsit nang sitsit! Namamaos sana kayo.

Ipahabol ko kayo sa aso ko!

Kung hindi lang talaga gigibain ang tindahan ay noon kang na lalabas ako para Lumabas ng bahay. Sakop na kasi ng gobyerno ang kinatatayuan ng aming tindahan kaya wala kaming magagawa kundi ang umalis at magpatayo ng panibago.

Pero, dahil madalian ang isasagawang paglipat, medyo nahihirapan kami sa budget. Si mama  kasi gusto na agad magpagawa para wala na raw naiisipin pa.

Hindi naman kami minamadali ng mga gumagawa, nor ng mga Engineers. Si mama lang talaga ang advance mag-isip. Alasyete na ng umaga nang matapos kami sa pag-aayos.Nakahelera na rin  ang mga sasakyan ng mga magsusukat sa kalsada. Napahikab pa nga ako dahil sa antok.

Pero, naputol ang pagbuka ng bibig ko sa pagdaan ng matangkad na lalaki. Nakaputi itong T-shirt, naka white hard hat. Napaka perfect nitong tignan.

Taboo Night's ( Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon