Chapter 10 : Shangxin's Hurtful Past

21 7 13
                                    

Graciana's Pov

“Ma, ano bang ibig sabihin ni papa? ” tanong ko kay mama nakagigising lang.  Ginugulo pa rin ako ng mga pangyayari kanina. Hindi ako bobo para hindi ma gets na pinagbabantaan ni papa si papa. Sa kilos at pananalita pa lamang niya ay alam ko nang may mali.
Hindi umimik si papa at nakatingin sa wala saanman.

“She needs to wake up Graciana. If she can't what should I do? Paano ko sasagutin ang ama mo kung itatanong niya kung bakit nawala sa kaniya ang anak niya?” ani niya na hindi nakatingin sa 'kin. Pinagmasdan lamang niya ang kisame at hindi na mulinh nagsalita.

“Ma? Naguguluhan ako?  Anong—paano mo sasagutin si papa? Ma may hindi ba ako alam?” hinawakan ko pa ang kamay nito nguti hindi man lang ako magawang lingunin.

Anong ibig sabihin  ni mama?  Paanong magtatanong si papa nang tungkol kay Shangxin kung naroon nga siya kanina at kasama kami? Salubong ang kilay ko na ipinaling ang tingin kay mama. ‘May hindi ka ba sinasabi sa 'min mama?’

          —

Sa bawat oras, araw, gabi, linggo at buwan na lumilipas mas lalo akong kinakabahan sa  hindi mo paggising. Wala ring araw na wala sa peligro ang buhay mo.

“Tatapatin ko na kayo,  kung hindi niya kayang lumabas sa sariling ilusyon at mapait na memorya niya. I'm  sorry, Xinnie will die while she's  sleeping. ”

Napatakip si mama ng bibig niya sa narinig nito.  Posibleng  mamatay si Shangxin kahit natutulog lamang ito. Napapadalas na ang kakapusan ng paghinga niya at palagi na lamang siyang inililigtas sa bingit ng kamatayan. Palagi itong nagkokombulsyon at madalas na umiiyak.
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawala ang kapatid ko. Napaka aga pa para kunin siya. 

“Siya lang ang makakapagpagaling sa sarili niya. I suggest  to you that you should often talk to her. Tell her some happy story. Mas makakatulong sa kaniya 'yun.”

“Kausapin niyo siya at kwentuhan ng mga bagay na makakapag-pagising sa kaniya.”

“Estella, you need to be strong. Wag mong hayaang diktahan ka niya, don't  let your guard down. Kahit anong oras ay makakaya niyang kunin ang buhay ng anak mo.” saad nito at nagpaalam na aalis na.

Inalalayan ko si mama paupo sa gilid.  Nakita ko ang takot sa mga mata nito, tahimik itong lumuluha habang ang dalawang kamay nasa bibig niya.

“Masiyado na siyang pinahihirapan anong kasalanan ng kapatid mo para maranasan niya 'to.”

“Ito ba ang bunga nang ginawa kong kasalanan dati? Kung ito ang karma ko ay parang sobra naman ata,” sabi ni mama at walang humpay na umiyak.  Niyakap ko lang ito sa balikat.  Umiiyak na rin ako sa gilid ni mama. Mula pagkabata  ay saksi na ako sa paghihirap niya.

Flashback ~

“Papa, aalis ka na naman?” tanong nito kay papa na may dalang bag. Hindi siya sinagot ni papa at nilagpasan lang siya. Makikita sa mata ni Shangxin ang sakit ngunit nanatili lang itong tahimik. Hindi siya nangulit pa.

“Babalik pa ba si papa? Kasi kung hindi, ayos lang naman.” minsan niyang saad habang kumakain kami.  Nagkatinginan kami ni mama at tahimik na nagpatuloy  sa pagkain.

“Nakita ko si papa kasama ang anak niya.  I call him papa pero he just ignore me.” bungad nito habang papasok ng bahay. “Sabi niya hindi niya ako kilala at hindi niya raw ako anak. May kambal ba si papa at 'yung kambal niya ang natawag kong ama at hindi siya kaya indenial siya?” malamig na saad nito. Nakakatakot ang uri ng pananalita  ni Shangxin nong oras na 'yun.  Parang siya mismo sa sarili niya ikinakaila na hindi 'yun si papa.

Taboo Night's ( Editing)Where stories live. Discover now