SBMS - 7

30.3K 339 30
                                    

Warning:
Magulo dito sa Chapter na ito dahil may mga bagong karakter na galing mula sa Daddy na story. May koneksyon kasi sila dito kaya kasali sila dito sa story. A few chapters only, to solve some other loopholes po.

***

LEO
Ilang araw ang lumipas, pinatunayan talaga ni Thomas sa akin na gusto niya ako. Araw-araw lagi siyang nagtetext sa akin tapos gabi-gabi bago matulog, kinukulit ako nitong makipagvideocall hanggang sa makatulog na kami parehas na naka on ang videocall at data sa messenger.

"Leo!" Malakas na sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko sabay katok ng malakas na akala mo may sunog. Kaya nagkunwari akong natataranta at bumangon na Boxer lang ang suot.

"Bakit ma? Saan ang sunog? May magnanakaw ba? End of the world na ba? May mga Alliens? Saan? Ano ma? Sumagot ka?" Sunod-sunod na tanong ko kay mama pagkabukas ko ng pinto, yung akmang kakatukin pa niya ang pintuan ko pero binuksan ko na ito. Kaya ang kamay niya naiwan sa ere.

Nakita ko ang mukha nito na parang matatae na sa pagpipigil ng tawa mayamaya lamang ay naramdaman ko na lamang ang hawak nitong sandok na tumama sa noo.

"Ayan, kaka Wattpad mo yan," nagtaka ako sa sinabi ni Mama. Anong kinalaman ng wattpad sa sinabi ko? "Dahil sa wattpad kung anu-ano na pumapasok diyan sa kukute mo," nag-loloading parin ako sa pinagsasabi ni Mama.

Pero napabalik na lamang kami sa ulirat at napalingon sa lalaking malakas na natawa sa ibaba. Doon ko napagtanto na nakakahiya pala ang hitsura ko nang makita ko si Thomas at Riyo na hawak-hawak ang tiyan sa baba habang tumatawang nakatingin sa amin.

Nakita ko na lamang si Mama na napailing sabay napatawa, "magbihis kana, kanina pa sila nandito at hinihintay ka, mahal na prinsesa,"

"Prinsepi 'ma," pagtatama ko rito.

"Whatever," pagtataray nito sabay wagayway sa sandok at iniwan ako sa bungad ng pintuan.

"BAKLAAAA!! Katapusan na ng mundo, tutunganga kana lang diya?!" Malakas na sigaw ni Riyo na akala mo nasa kabilang brgy ang kausap. "Wala ka balak maligo? O baka gusto mo si Thomas pa magpapaligo saiyo?"

"Fuck you ten times," sigaw ko pabalik saka sinarado ang pinto.

"Fuck you bente sais otsentay trese!" Huh? Ano raw? Napailing na lang akong natatawang pumasok sa banyo habang rinig na rinig ko parin ang malakas ng tawa ni Thomas. Akala mo bahay nila ni Riyo tong bahay ko.

Nagtataka kayo siguro bakit parang komportable na si Thomas, kasi mula nung mag-usap kami sa English Park, lagi na niya ako sinusundo at pumupunta ng bahay. Minsan maraming pagkain na dala, tapos sinusulsulan pa si Mommy. Itong uto-uto kong mommy naman, nagpauto rin sa tukmol na ito. Akala mo naman gwapo like duh?! Sarap lang kaya niya, yung luluhod kana lang tlaga sa harap niya para samabahin siya kahit di niya sabahin like, oh my God! He is so fucking ho—wait erase, ano ba tong pinagsasabi ko? I mean, yeah. Hot siya at gwapo, pero.

"Fuck! Makaligo na nga."

Lumipas ang ilang minuto ay natapos narin ako, kunting check lang sa sarili sa salamin since late na ako, hindi ko na masyado inayos hitsura ko dahil alam kong marami na naman sasabihin ang baklang kanal kong kaibigan. I checked myself again for the last time at nagspray ng perfume, after that, lumabas narin ako.

"Finally! Natapos narin ang prinsesa," agad na bungad ni Riyo sa akin habang nakataas pa ang kilay, "ganyan na hitsura mo? Para kang ni-rape ng sampong (10) lalaki?"

Napatingin naman ako sa sarili ko at nagtaka, ok naman suot ko ah?

"Pangit ba?"

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon