SBMS - 24

10.3K 247 46
                                    

LEO

Pagkarating namin sa bahay nakita ko si Mom na gising pa. Napatingin ako sa orasan at bagtaka bakit gising pa ito, nasa 3am na ng madaling araw. Agad ko itong pinuntahan at nagtaka bakit gising parin ito at bukas ang ilaw sa loob.

"Mom, bakit gising kapa?" Agad kong tanong rito ng makita ko ito. Agad naman ako nitong niyakap ng mahigpit saka tumingin sa likuran at dinala ako sa loob.

May nararamdaman akong kakaiba pero diko pa matukoy, kaya napatingin ako kay Mom ng makita ko itong may sakit sa mga mata habang nakatitig kay Dan. Nagtaka rin ako bakit nandito mga magulang ni Dan sa bahay.

Nakita ko sa sala sila Kuya Mathias, Tito Tobias, Lizzy, Kuya Jack at Ate Kristine pati mga magulang nila.

Agad tumayo si Kuya at sinalubong ako nito ng yakap pati si Ate Kristine. Hindi ko maintindihan ano nangyayari, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Napalingon ako kay Lizzy na seryosong nakatingin sa akin pati si Mathias. May kakaiba sa mga tinginan nila. Agad naman nagsalita Mommy nila nang dumating na si Dan at umupo sa tabi ni Mom at ako sa tabi ni Kuya Jack sa pagitan nila ni Ate Kristine.

"Leo?" Napatingin ako kay Tito Bernardo ang Tatay ni Dan. Seryoso itong nakatingin sa amin habang pinagmamasdan ako.

"Po?"

"We are planning to take you to our home para doon mag aral at sasamahan mo si Lizzy." Napatingin ako kay Dan ng tumayo ito saka nagsalita ng marinig ang sinabi ng ama.

Hindi lang pala ako ang napatingin, lahat sila ay napatingin at nabigla sa reaction nito. Napahawak si Mom sa kanya kaya nagkatinginan ang Mag asawang Monrow.

"Hindi pweding umalis ang inaanak ko rito sa bahay Dad. Siya na lang natitirang kasama ni Lorraine dito kapag nasa work ako," matigas na sabi nito pero agad ko itong tinutulan.

"Kailan po ba iyon, Lolo?" Napangiti si Lola Beth at Lolo Bernardo sa sinabi ko pati si Lizzy.

"Isasama ka namin pag uwi," sabi nito saka tumingin si Lizzy sa akin.

Agad narin silang umalis at bumalik sa kanilang bahay. Naiwan na lang kami ngayon kasama si Kuya Jack, Ate Kristine, Mom at Dan sa sala. Walang umiimik sa kanila dahil halata parin ang galit sa mukha ni Dan. Mayamaya pa lang ay narinig ko si Mom na nagsalita.

"Whats wrong, Hon? Bakit ayaw mong payagan si Leo? Kasama naman kita, kaya ko naman sarili ko saka dito muna titira sila Jack at Kristine habang buntis pa ako o di kaya ay kumuha tayo ng Yaya para may kasama ako rito kung talagang yun iniisip mo," mahabang litanya ni Mama na ikilingon ni Daniel dito.

Hindi ito nagsalita at tumingin lang kay Mama saka tumayo at tinungo ang kusina. Nagkatinginan kami ni Kuya kaya napayuko ako. Agad ako nitong tinapik at kinausap.

"Sunod ko sa kwarto ko," seryosong sabi nito at pinisil ang balikat ko, "we need to talk."

Agad naman akong tumayo at sumumod sa kanya, bago pa ako makaakyat sa hagdan, nakita ko si Daniel na nakatingin sa akin ng masama, kung siguro nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakahandusay sa sahig.

Subalit napaiwas ito ng tíngin ng lapitan siya ni Mom at niyakap. Alam ko may alam na si Mama kasi nararamdaman ko at kita ko ang lungkot at pagdududa sa mga tingin nito.

"What did he do to you?" Agad na tanong ni Kuya sa akin pagkapasok ko sa kwarto niya. Napakunot ako ng noo ng marinig ko ang taning niya at nalilito.

"Who's he Kuya?"

"Daniel, anong ginagawa niya saiyo? I saw a video inside the car at the twitter. Trending ito ngayon, alam kong ikaw yun kasi kita ang mukha mo at alam kong si Daniel ang lalaking kasama mo roon sa kotse dahil sa relo at tatto niya sa braso. I also saw a video of you two intimately dancing at the club pati sa party kanina. Anong ibig sabihin nito Leo?"

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon