SBMS - 35

4.5K 101 18
                                    

Third Person's POV

Napasalampak si Lorraine sa sofa ng sampalin siya ni Brock. Kitang-kita ang gulat at sakit na rumihistro sa mukha ng nito at lumukob sa buong pagkatao niya ang takot at pangamba sa anuman ang kakahinatnan nito.

"Brock?!" Gulat na sabi ni Lorraine. Napahawak ang isang kamay sa tiyan nito dahil nakaramdam ng sakit sa pagkakasalampak sa upuan nito. Malapit na itong manganak kaya medyo hirap narin ito. Ang isang kamay naman nito ay napahawak sa pisnging masakit dahil sa lakas ng sampal ni Brock dito.

"Nasaan si Leo?" Nakatiimbagang na sabi nito kasabay ng pagpisil nito sa pisngi ni Lorraine.

Nànginginig naman nakatangin si Lorraine kay brock at unti-unting lumalandas ang luha sa mga mata nito.

"Buntis ako Brock, nasasaktan ako." Subalit tila walang pakialam si Brock dito.

"Uulitin ko, nasaan si Leo?" Kitang-kita ni Lorraine ang galit sa mga mukha nito. Napasigaw si Lorraine ng sabunutan siya nito ng malakas nang hindi ito nagsalita.

"Hindi ko alam Brock," naluluhang sabi na nito saka napahawak na naman sa tiyan nitong sumasakit. "Hindi ko alam saan pumunta si Leo, itanong mo kay Daniel baka sila magkasama."

Agad itong binitawan ni Brock saka tinulak sa upuan at tumayo. Nanginginig ito sa galit at nakakuyom ang kamao na labis labis na ikinakatakot ni Lorraine baka suntukin siya nito.

"Once na malaman kong may kinalaman ka sa kinaroroonan ni Leo. I will kill you including your son and grandson." Sabi nito na ikinalaki ng mga mata ni Lorraine.

"Walang kinalaman si Jack at ang apo ko rito Brock. Wag mo silang idamay." Nanginginig na sabi ni Lorraine saka napayakap sa katawan nito. Simula ng magbuntis ito ay sobrang dali na lamang nitong masaktan at naging emotional na ito masyado dala ng kanyang pagbubuntis.

Haharap na sana si Brock kay Lorraine parq sampalin ito ng mapalingon sa taong dumating na tumawag sa kanya.

"Boss, I found Boss Daniel and Leo," napatigil sa taas ang kamay ni Brock saka napalingon dito.

"Where?"

"Before I will tell you Boss. May isa pa kayong importanteng balita na dapat malaman," sabi ng isa sa mga tauhan nito.

"Sabihin mo na bago kita barilin, wag mo akong binibitin." Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki saka sinabi agad ito.

"Nasa Paradise Island sila and Buhay si Zuriel, nasa pangangalaga ito ng pinsan mong si Arkian Alfarezeel at Marcus Zyn," nandilim ang paningin ni Brock sa narinig at agad na tinawagan si Jaime.

"Bantayan mo si Mathew at Thomas, buhay si Zuriel at alam kong hindi nila sinunod ang utos ko." Galit na sabi nito na kahit si Lorraine at ang isa mga tauhan ni Brock ay napaatras sa galit na ipinapakita ni Brock. "Pagbabayaran nila ang pagtraydor sa akin." Huling kataga nito bago iniwan si Lorraine na umiiyak at sumasakit ang tiyan.

Leo's POV

Nilampasan ko si Dan at naunang pumunta sa Cabin kung saan kami magstay. Kinakausap ako nito pero hindi ko ito sinasagot. When I saw the reaction of Zuriel at kung paano ito maging submissive kay Daniel, para akong sinampal ng katotohanan at mas lalong tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Marcus at Arki.

"Alipin lang din ba ang turing ni Daniel sa akin? Kaya ba niya ako dinala rito to show me the real him at gawin ng tuluyan alipin at submissive nito?" Mga tanong ko sa sarili ko na nagpapabaliw sa akin.

"Kailangan ko ng kasagutan." Pinal na sabi ko saka maglalakad na palabas ng cabin ng makasalubong ko si Dan na naka hawaiian short at walang suot na damit.

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon