SBMS - 14

15.1K 288 40
                                    

Leo

Lutang akong naglalakad habang papuntang department namin dahil sa sinabi ni Daniel kanina to submit my last requirements. Hindi ko kasi maintindihan ang lalaking yun kung anong nais niyang mangyari. Na-s-stress na ako sa kanya. Papasok na sana ako nang matanaw ko sa di kalayuan si Thomas sa harapan ng fountain sa Science Park. He looks so down and depress, para itong pumayat at walang maayos na tulog.

Ang gwapong Thomas na nakilala ko before ay parang biglang nagbago, ang masayahin at palabiro, maganda ang pangangatawan at maayos pumorma ay biglang naging pariwara. To be honest, nakakaramdam ako ng awa sa kanya. I dont know kung anong pinagdadaanan niya kasi everytime na nais niya akong kausapin, never ko siyang binigyan ng pagkakataon. Laging tumatawag at nagte-text ito pero dini-decline at nire-reject ko kasi ayoko na ng makarinig ng puro kasinungalingan.

I am done to this mess.

Hindi ko napansin na napatigil pala ako sa paglalakad at napatagal ang titig ko sakanya. Namalayan ko na lamang nang magsalita na ito sa harapan ko. Dun ko napansin ang totoong hitsura nito.

"Can we please talk, Leo?" Nakikiusap nitong sabi at bigla akong nahabag sa sobrang lungkot nito.

Ibang-iba ang Thomas na nasa harapan ko ngayon sa Thomas ngayon. Pumayat siya, halatang-halata ang eyebags niya, hindi ko alam pero pakiramdam ko parang may mabigat siyang pinagdadaanan at kailangan ko siyang samahan.

Hindi ako nagsalita sa halip tumango na lamang ako at nagpahila sa kanya sa kung saan niya ako dadalhin. Matagal ko ng napapansin itong pagbabago niya sa katawan, ang pag iwas niya sa mga tao at yung mga kaugalian na nakikita kong ginagawa niya simula nung birthday ko. I never see him kissing with other women. I never see him playing basketball even soccer na favorite niya.

He never bond also sa mga ka-fraternity nila and I didnt know the reason why.

We stop at the ponds here in Fisheries. Dito kasi sa Fisheries department ay may malawak ng Fish Pond at merun sa gitna nitong medyo kaliitan na kubo sa ilalim ng malaking puno ng Nara. Sobrang ganda ng view rito at malamig, nakaka-relax. Magkatabi lang kaming tinatanaw ang mga Tilapiang kumakain sa pagkaing tinatapon namin sa kanya.

Ayokong basagin ang payapang moment na ito, hinihintay ko lamang siyang magsalita. Akmang magtatapon na ulit ako ng pagkain ng isda ng mapansin ko itong pumikit at huminga ng malalim bago humarap sa akin at nagsalita.

"I miss you," unang katagang namutawi sa bibig niya. Sobrang lungkot ng pagkakasabi niya nun, para akong natulala ng makita ko ang lungkot at paghihirap sa mga mata niya.

"I have never felt this way before to someone, Leo," dugtong nito saka humarap ulit sa malawak na Pond. Nakapikit ulit siya, ngayon ko lang din napansin na medyo humaba na ang buhok niya, tumubo narin ng balbas at bigote niya. He looks so matured and masculine. "Pinilit kong lumayo saiyo, pinilit kong ibaling ang nararamdaman ko sa iba, nakipag sex sa babae, bumalik sa mga dating kong ginagawa nung mga panahon hindi pa kita kilala kasi baka nalilito lang ako sa sarili ko at ayaw kong gawin kang instrumento or ayokong gawin kang eksperimento sa gender crisis ko." Tumigil ito sa pagsasalita at huminga ulit ng malalim.

Sa pagkakataong ito, nakaharap na ulit siya sa akin at nakahawak sa dalawa kong kamay.

"Kaya pinilit ko lumayo dahil doon pero wala Leo e, ikaw at ikaw parin hinahanap ko. Napakatanga ko lang kasi nung mga panahon na akin kana, hinayaan ko pang mawala ka, hindi pa kasi ako sigurado sa pagkatao ko nun. Mahal kita sobra pero diko lang maintindihan pa kung ano talaga ako. Kaya nung dumating si Klarisse and first love ko, sinubukan ko siyang ligawan at naging kami, akala ko nangungulila lang ako sa pagmamahal at attention ng isang babae pero narealize ko after kita makita nung birthday mo, mahal pala talaga kita at hindi ko kaya mawala ka." Mahabang litanya ni Thomas na nagpatulala sa akin.

Slave By My Stepfather (M2M)(SPG18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon