Chapter 15: Scars

406 48 2
                                    

??? POV

"Ate ito po kainin nyo, siguro mas okay na to kesa sa wala." hinarap ko ang bata na kakarating lang galing sa baba. May inilapag itong plato sa harap ko, at ang laman nun ay isang hilaw na karne.

No, don't tell me he want me to eat those kind of things.

Am I really not human anymore?

Umiling-iling ako ng marahas sa bata, nagpapahiwatig na hindi ako sang-ayon sa plano nyang ipakain sa akin ang hilaw na karne. Napabuntong hininga lang ito sa inaasta ko.

"Ate, kelangan nyo po kumain kung ayaw nyo maging katulad nung nasa labas na kumakain ng buhay na tao. Hindi nyo po makakayang kontrolin yung pagkagutom nyo kung hindi kayo kakain." mahabang paliwanag nito sa akin.

Ughh, Do I really have to?. Tinuro ko sya tapos tinuro ko rin yung hilaw na karne. Kumakain ka din ba nito bata? Umiiling ito sa tanong ko. So that means hindi sya kumakain ng hilaw na karne. Then ano ang kinakain nya? Akala ko ba magkatulad na kami.

Tiningnan ko uli sya at alam kung nababasa nya ako gamit lang ang mga tingin ko, dahil sumagot agad ito sa akin.

"Makakakain pa po ako ng kahit anong pagkain ate, hindi naman po kasi ako complete eh." sabi nito at umupo sa tabi ko. Nasa lamesa kami ngayon nakaupo at nakaharap pa rin ako sa hilaw na karne.

Isn't that a bit unfair? Kung magkatulad kami then why can't I be just like him who can still taste and eat normal foods. Besides, what does he mean hindi complete? Is that a transformation thingy?

Marami akong tanong, maraming hindi alam. I'm so confused as hell.

Pero hindi ko alam san ba ako magsisimula sa mga katanungan ko, sa sobrang rami ng gusto kung itanong hindi ko na alam kung ano bang mas importante malaman.

"Pa..liwa...nag" medyo malinaw pero paputol-putol ko na sabi. Yung boses ko ganun parin ka lalim pero hindi na ito masakit. Ngumiti sa akin yung bata at nagsimula ng magpaliwanag.

"Ano po ba ang gusto nyo ipaliwanag ko ate?"

"Tung...kol....sa...yo...sa...atin... "

"Siguro sa simula ko muna ipaliwanag yung sitwasyon ko ate. Alam nyo po ba na isang linggo na ang lumipas simula ng mahulog yung mga bato sa langit?" patanong nitong sabi sa akin. Bato sa langit, meteor, yun ba yung bato na nakita ko sa gitna ng syudad? Pinilit ko namang alalahanin ang nangyari bago pa ako magising pero sakit sa ulo lang ang dumating sa akin.

Wala akong maalala kaya umiling ako sa tanong nya. Tumango lang ito ng mahina at nagpatuloy nang magpaliwanag.

"Ilang linggo na ang nakalipas simula ng magkagulo po yung syudad. Valentines po nung naganap iyon, kaya gagala sana kami nila mama at papa sa central plaza, ng bigla nalang kaming naabutan ng traffic dahil sa aksidenteng naganap malapit sa amin, may nagkabanggaan daw yun ang alam ko. Doon nagsimula ang lahat." huminto ito saglit at huminga ng malalim, para bang pinapatatag ang sarili bago pa magsalita muli.

"Nung nahulog po yung bato sa langit, hindi po kami nun nakaalis sa pwesto namin kaya nasama kami sa mga natamaan. Yun din ang sanhi ng pagkamatay nila mama at papa, dahil prinotektahan nila ako." napagat nalang sya sa labi habang pinipigilan ang maluha sa mga kinuwento nya sa akin. Ayoko sya malungkot kaya hinawakan ko ang kamay nya at tiningnan sya ng nagaalala.

Ayoko na sana ipagpatuloy nya ang mga sinasabi pero umiling lang ito at nagpatuloy sa kwento nya.

"Nahimatay po ako saglit nung natamaan kami ng maliliit na bato, at paggising ko po. Wala na sila mama at papa. N-naging katulad na po sila nung ibang namatay din. Nakatakas po ako dun at hanggang ngayon pagala gala lang po ako dito sa loob ng city." huminto sya saglit sa pagsasalita at hinarap ako. Seryoso na ang expression nya at nawala na ang cute at nalulungkot na tingin nito.

WORLD Z: The Monster WithinWhere stories live. Discover now