Chapter 18: Going Together

381 48 12
                                    

First I dedicate this chapter to @thegirlwithoutname  thank you po talaga sa paghihintay at pagsuporta sa story ko. I hope you enjoy more of my future chapters to come ^_^. 

_______________________________

"So san nyo ba kami balak dalhin? Baka kayo ang masamang tao dito ah, tapos may mga kasama pala kayong iba. Pagsasamantalahan nyo kami pagkatapos papatayin at ipapakain sa mga changers na yun." 

I rolled my eyes nung marinig ko ang exaggerated na boses ni sadako. Daig mo pa nasa pelikula, ang layo ng narating ng imahinasyon.

"Trust me po kung gusto namin kayo patayin eh kanina pa kayo wala ng ulo." Kai replied with his cheerful voice. Nastiff naman din si sadako sa kinatatayuan nya at narealize ang nangyari sa kanya kanina. 

Bitbit ang container ng gas, kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta sa bahay ni Kai. Hindi naman kasi masyado malayo galing sa mall ang bahay nila. Famous for rich families kasi ang subdivision na tinitirhan nitong bubwit kaya siguro malapit lang to sa mall. Alam na, rich people more money, more money more income for the mall. 

"Bat parang wala ata tayong masyadong nakikitang changers sa subdivision na to?" tanong nung Chris. I just ignored him at nagpatuloy parin maglakad sa unahan nila. 

Kai chuckled. "Wala na po masyado gumagala ditong zombies uncle, pinapatay kasi agad ni ate para walang sagabal." 

"Huh so ibig ba sabihin safe kayo dito?" tanong nung Sam ata yun.

"Safe is a big word po, wala naman po atang ligtas na lugar ngayon. It's still 2 weeks simula ng nangyari ang lahat kaya gusto lang namin na makapagrelax dito sa bahay namin that's why we cleaned the surrounding." explain ni Kai. Medyo nagulat naman yung Sam sa sinabi ni bubwit at hindi agad ito nakaimik. Nakita ko pang umusod sya sa gilid nung binatang lalaki at bumulong. 

"Bata ba to kausap ko? Bat parang feel ko mas matanda pa to sakin?" they thought I couldn't hear what she said pero rinig na rinig ito ng tenga ko. 

Sharp senses. I love it. 

Pero totoo talaga yung sinabi nung Sam agree ako sa kanya. 

Kai is a special case, I'm glad that we are wearing contact lenses kasi kung hindi baka mas lalaki pa problema pagnalaman nilang isa din sa halimaw ang sinusundan nila. 

Well I would love to see the look on their faces if they found out though. 

"We're here." deklara ni Kai. Hindi nako naghintay sa iba pa at pumasok nalang ako diretso sa loob. "Pasok po kayo." huling narinig ko bago ko pa narating ang kusina. 

Nilapag ko sa gilid ang container ng gas at nagdiretso nang umakyat sa kwarto namin ni Kai. Iisa lang kasi kami ng kwarto at magkatabi matulog, ayaw nya daw mag-isa kaya nagpresenta nalang ako na tabi kami. Looking back at that kid's face asking me if we could sleep together, gosh ang cute, pulang-pula ang mukha at kunti nalang ilibing nito ang pagmumukha sa lupa dahil sa hiya. Kung magkasing edad lang kami nito naku baka pinatulan ko na to. 

I softly chuckled nung maalala ko yun. 

Pumasok ako sa loob ng banyo bitbit ang bagong pamalit at naligo. Andami kasing dugong tumalsik sakin kanina sa pakikipaglaban, ayoko pa naman ng dumi. Water was still accessible dito sa syudad kasi mas madami namang resources para dun at hindi naman kailangan ng tao para magoperate sa water bank ng syudad, as long as meron pang laman ang water bank may tubig pa. The electricity was the problem dahil kelangan nito ng tao para mapanatili, so it was the first human resources na nawala.

"This house is huge. Kaninong bahay to? Don't tell me, you guys are trespassing?" rinig ko sa baba ang boses nila, pati na rin ang boses nung sadako. 

WORLD Z: The Monster WithinWhere stories live. Discover now