I K A-LABING-DALAWA (Paglalakbay patungo sa Sagradong lugar)

414 86 2
                                    

Dahil sa sumang-ayon na nga ang buong angkan ng Silverwood sa mangyayaring pagsasanay ng tatlong kabataan kasama si Ginoong Argothem, agad na ring nagmungkahi ang Ginoo na kung maaari ay simulan na nila ang pagsasanay upang makabalik sa takdang araw bago ang pagtungo sa akademya.

Madali lamang nakumbinsi ni Reion ang dalawang kaibigan, pumayag agad ang dalawa ng binanggit nya na magsasanay sila sa labas ng teritoryo.

Ramdam mo ang pagkasabik sa muka ng tatlong kabataan.

Habang naghahanda ng mga gamit na kakailanganin nila ay nag-uusap din ang magkakaibigan.

"Maraming salamat Reion, dahil sayo ay maaari pa akong lumakas," sabi ni Deacon.

"Walang anuman Deacon, tsaka wag kayo sa akin magpasalamat, kay Ginoong Argothem tayo magkakaroon ng utang na loob pag nagkataon", sagot ni Reion.

"Sabagay tama ka, subalit kundi dahil sayo hindi naman sya pupunta dito, kaya utang na loob din namin ito sayo", sabi naman ni Adlar.

"Tama, tsaka kailangan din nating galingan sa pagsasanay upang hindi masayang ang pagkakataong ibinigay sa atin ni Ginoong Argothem, sang-ayon ni Deacon.

Napangiti na lamang si Reion sa tinuran ng mga kaibigan, subalit sa isip nya ay sumang ayon din sya sa huling sinabi ni Deacon.

Maya maya ay narinig nyang tinawag sya ng kanyang ina, agad naman syang lumapit dito, ngunit bago nito sabihin ang nais ay inutusan sya nitong tawagin din ang kanyang dalawang kababata.
Agad naman nyang tinawag ang mga ito, at lumapit sila sa kanyang ina.

"Mag-iingat sana kayong palagi anak, at kayong dalawa din, paghusayan nyo sana sa inyong pagsasasanay, huwag nyong bibigyan ng sakit ng ulo si Ginoong Argothem ",

"Opo ina, sagot ni Reion.

Sina Adlar at Deacon naman ay kasalukuyang nagkukulitan.
Ngunit nangako din naman sila sa kanilang tiyahin na paghuhusayan nila ang pagsasanay.

Lumabas na din sa silid pagpupulong sina family head Rupert at si Ginoong Argothem.
Nagsabi na din ang Ginoo na kailangan na nilang umalis patungo sa Sacred forest.

Namangha naman si Reion at ang dalawa nyang kababata sa narinig sapagkat ngayon lamang nila narinig ang tungkol sa Sacred Forest.

Ipinaliwanag naman ni Ginoong Argothem na ang lugar na iyon ay hindi basta basta makikita o mapapasok ng karaniwang adventurer, sapagkat ito ay isang sagradong lugar sa lahi ng Ginoo, subalit pwedeng magsanay ang mga kabataang kasama ng kahit na sinong nilalang na miyembro ng lahing iyon.

Si Ginoong Argothem ay kabilang sa lahi ng mga Dragon, subalit hindi lamang sya basta isang dragon sapagkat sya ay isang Elemental Dragon.
Sya lamang sa kanilang lahi ang nagtataglay ng ganoong titulo at kapangyarihan.

At walang sinuman sa lahi ng mga tao ang nakakaalam noon.

Maya maya ay lumabas din sina Elder Rigor at Elder Elias mula sa kanilang mga tahanan upang makapag-paalam din sa kanilang mga anak.
At paalalahanan na seryosohin ang pagsasanay.

Nangako naman ang mga ito na hindi nila sasayangin ang pagkakataong ibinigay ni Ginoong Argothem.

Matapos ang mahaba-habang paalaman ay nag-aya na ngang umalis ang Ginoo, kumaway naman ang tatlong kabataan sa kanilang mga mahal sa buhay, halos lahat ng miyembro ng angkang Silverwood ay naroroon, kunaway din ang mga ito at halos parang iisang taong sumigaw ng,
"Magiingat kayo, at magpalakas para sa ating angkan",

Napangiti na lamang ang tatlong kabataan ganoon din si Ginoong Argothem, kumaway din sya sa mga taong naroroon bago tumalikod at nagsimula ng maglakbay patungo sa hollow forest.

Ang tatlong kabataan naman ay sumunod na rin sa Ginoo.
Naglalakad lamang sila sa pagtungo doon.
Katahimikan ang namayani sa kanila habang naglalakbay.

Hindi nakatiis si Reion at nagsimula syang magtanong sa Ginoo tungkol sa lugar na kanilang pupuntahan.

"Ginoong Argothem, maaari po ba naming malaman kung papanong pagsasanay po ang aming gagawin ?

"Malalaman nyo din kapag nandoon na tayo.
Ngunit isa ang pagninilay sa gagawin ninyo sapagkat ito ang isa sa pinakamahalagang parte ng pagsasanay at pagpapataas ng antas.
Iisang antas pa lamang ang itinaas ninyong tatlo simula noong magsimula kayong magsanay.

Si Reion ay kasalukuyang nasa 8th level Iron rank, habang 6th level Iron rank naman si Deacon, at nasa 5th level Iron rank naman si Adlar.

"Subalit sa lugar na pagsasanayan ninyo siguradong mabilis tataas ang inyong antas dahil sa napakayamang natural na enerhiya doon.

Lalo namang nanabik ang tatlong kabataan sa narinig, at naipangako sa sarili na hindi nila sasayangin ang pagkakataong ito.

"Napakaganda po pala sa lugar na iyon, Guro", wika naman ni Adlar.
Guro na lamang po ang aming itatawag sa inyo Ginoong Argothem, kung inyo pong mamarapatin ?

"Guro ? Hahahaha. Napakatagal na panahon na din mula noong may tumawag sa akin ng ganyan, isa din sa aking mga naging estudyante noon at isa na din syang malakas na adventurer sa kasalukuyan.
Siguradong makikilala nyo sya kapag andoon na kayo sa akademya",

"Talaga po ? Nananabik napo kaming makilala sya.
Sagot ni Reion.

"Hindi malabong mangyari iyon kung kaya't galingan ninyo sa inyong pagsasanay",

Hindi na nagawang makasagot ng tatlo dahil sa biglaang paggalaw ng lupang kanilang inaapakan.
Dahil sa lakas ay natumba pa ang mga ito.

Napapangiti na lang ng palihim si Argothem sa nangyari, pihado syang isa na naman ito sa kanyang makukulit na alaga.
Nais din talaga ng mga ito na nagsasanay ng mga baguhang adventurer.

Maya maya nga ay lumabas na sa kanyang pinagkukublihan ang isang barbaric beast, ang awra nito ay maihahalintulad na sa isang adventurer na nasa 6th Level Gold Rank.

Ang anyo nito ay parang isang akladan, subalit may muka at katawan ito ng isang tao.

Nagulat man ang tatlong bata sa nakita ay hindi naman sila nawalan ng pagasa.
Agad hinanda ni Adlar ang kanyang shuriken, ito ay gamit din ng kanyang ama noon at ipinamana lamang sa kanya.

Si Deacon naman ay isang punyal din ang kanyang sandata, katulad ni Reion.
Subalit magaling naman syang makipaglaban sapagkat pisikal na lakas ng katawan ang kanyang sinasanay.

Maya maya nga ay sinugod na sila ng taong alakdan.
Una nitong pinuntirya si Adlar, binigyan sya nito ng isang suntok sa kanyang muka, dahil sa lakas ay sumadsad ang binatilyo sa damuhan.
At dahil din sa lakas ng pagkakabagsak ay napuruhan din ang tagiliran nito ng tumama sa nakatumbang puno.

Natigilan naman ang dalawang binatilyo, ngunit hindi naman sila pinanghinaan ng loob, bagkus ay parang lalo pa silang naging pursigidong matalo ang taong alakdan.
Agad pinalabas ni Reion ang kanyang awra, maging sa kanyang mga kamay, naglalabas ito ng parang kidlat at tumakbo patungo sa taong alakdan.

Ganoon din ang ginawa ni Deacon. Sabay nilang sinugod ang alakdan.

REION: The Immortal AdventurerWhere stories live. Discover now