IKA-LABING ANIM (Tatlo laban sa tatlo)

325 90 9
                                    

Napakabait, malakas at mapagkumbaba, yan ang tingin ng dalawang kabataan kay Reion, kung kaya't naipangako nila sa kanilang mga sarili na hindi na sila maninibugho pa sa binatilyo kung binibigyan man ito ng espesyal na atensyon ng kanilang angkan lalo na ng kanilang Family head.

Naipangako din nilang gagawin din nila ang kanilang makakaya upang maging malakas at maging kapaki-pakinabang sa hinaharap.

"Ang unang araw ng pagsasanay ay natapos na, sa ngayon maaari kayong magpahinga o magnilay kung inyong nais, bukas ng umaga muli natin sisimulan ang inyong pagsasanay", anunsyo ni Ginoong Argothem.

Sumang-ayon naman ang lahat, lalo na ang tatlong kabataan dahil sa katunayan ay naubos talaga ang kanilang mga enerhiya, bukod sa napinsala pa sila ng husto.

Nais din muna nilang magpahinga at magnilay upang kahit papaano ay bumalik ang kanilang nawalang lakas.

Ang mga barbaric beast naman ay nagtungo din sa kani-kanilang pahingahan upang magpahinga at magmuni-muni.

Ang tatlong binatilyo naman ay napiling magpahinga sa lilim ng isang malaki at napakayabong na puno.

Matapos magpahinga ay sinubukan ng tatlong kabataan na magpataas ng antas kahit na tingin nila ay mukang imposible.

Sa kinaroroonan naman ng kristal na lawa ay may hindi pangkaraniwang pangyayari.

Bigla na lamang naglabusaw ang tubig kahit na walang taong nandoroon, sapagkat ang sirenang si Malena ay nasa kanya mismong teritoryo na ipinasadya pa sa kanya ni Ginoong Argothem.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang nagkahugis ang tubig, ito ay naging isang lalaki. Bagamat muka, leeg at kamay lamang ang tanging makikita sa kanya, dahil ang kanyang katawan ay nababalutan ng isang mahabang kimono, Hindi pa rin maipagkakailang ito ay isang kaakit-akit na nilalang.

Ito ay may mahabang kulay niyebeng buhok, matangos na ilong, mapupungay na kulay niyebe ring mga mata, manipis na labi at matipunong dibdib.

Napagmasdan nya ang tatlong kabataan sa kanyang kinatatayuan, wari bang pinag-aaralan ang itsura ng mga ito.

Maya-maya ay bigla na lamang itong napangiti dahil sa naramdamang kakaibang pakiramdam at pamilyar na enerhiya sa isa sa mga kabataan.

Ilang saglit pa ay bigla na lang naglaho ang katawan ng mahiwagang lalaki ng maramdaman nya ang presensya ng tagabantay na si Argothem.
Maging ito ay walang kamalay-malay sa estranghero na naninirahan sa kristal na lawa.

Naisaisip nyang sa susunod na lamang nya bibigyan ng munting regalo ang tatlong kabataan.

Si Argothem naman ay nagtungo sa kinaroroonan ng tatlo upang ipaalam sa mga ito na ilang sandali na lamang ay sisimulan na ang muli nilang pagsasanay.

Ang tatlong barbaric beast na magsasanay sa kanila ay ang mga nag-gagandahan at nagseseksihang mga kalahating-tao na sina Akurra, Vanara at Malena.

Sinikap muna ng tatlong kabataan ang muling pagkokonsentrasyon sa paghigop ng natural at mayamang enerhiya na nagmumula sa Kristal na lawa.

Makalipas nga ang ilang sandali ay narinig na nilang tatlo ang muling pagtaas ng kanilang mga antas.

You've level up

You've level up

You've level up

You've level up

You've level up

You've level up

You've level up

Si Reion ay isa ng ganap na 5th level bronze rank, triple ang itinaas ng kanyang kasalukuyang antas, dahil sa mabilis na paghigop ng kanyang katawan sa mayamang enerhiya sa paligid.

REION: The Immortal AdventurerWhere stories live. Discover now