Two

86 25 24
                                    

Past

" Nag paalam ka ba kila Mommy? " masungit na naka hilig ang ate ko sa pinto ng aking kuwarto.

Alam ko namang buntis siya pero ako ba ang pinaglilihian niya? Well, good for my niece. For sure she will grow beautiful and will have a lot of suitors.

" Ate, do I need to ask for their permission pa ba? Kasama ko naman ang mga friends ko, never din ako umuwi na sobrang lasing. Isa pa, papayag naman iyon for sure."

" Hindi na talaga ako magtataka kung makaka sabay kitang mag buntis ngayong taon, talandi ka! "

Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap ang lipstick kong padala ni Mommy. Dark red iyon na babagay sa red dress na binili ko, iyong black ang ginawa kong gift para kay Hazel. I forgot to buy a gift for her, kakabili ko pa lang naman nung dress and nasa paper bag pa nga.

" Basta umuwi ka before 12, huh?"

" What? Ano, Cinderella lang ang peg? That's too early, Ate. I'll probably be home around 2 or 3 am. Wala namang pasok tom eh."

"Hoy tumigil ka! By 1 am you should be here in your room. Wala kang magagawa kung hindi ako ang susugod doon sa'yo."

Para akong batang pumadyak padyak. " Ate naman! Ang tagal ko kayang hindi pumarty, malapit na ang midterm namin that's why I'm partying na habang puwede pa. "

"  1 am. "

" Ate!  "

Namaywang pa siya. " Last month nasa five times kang pumarty, eksaherada ka! Next Saturday ka bumawi, birthday ni Zion 'yon. Ayon kahit buong gabi at madaling araw kang lumaklak at sumayaw wala akong pakialam. "

Next Saturday would be kuya Zion's birthday party. It will be an intimate family dinner between the Cordovez but knowing us? Siguradong my party iyon sa club, si Aya na rin naman ang nagsabi.

Pero.. naiisip ko pa lang kung sino-sino ang makikita ko roon parang ayaw ko na lang sumama.

" 2 am last call? " I used my cutest voice to my sister but she rolled her eyes, nawawalan na ng pag-asa sa akin.

" Bahala ka! Dati naman kasi hindi ka ganiyan, basta umuwi ka na lang kung kailan mo gusto at huwag kang magpapa buntis please lang."

I was too stunned to speak. Naka alis na ito nang mahanap ko ang joke na sasabihin. Ano, siya lang puwede magpa buntis? Buti hindi ko sinabi, for sure she'll turn into a preggy beast.

Our family is every open when we party. Kahit sino naman kasi sa mga pinsan ko lalo ang mga lalaki ay talagang party goer. They're good with it as long as we know our limitations as well as our priorities.

Kahit sina Mommy ay hinahayaan ako dahil consistent naman ako sa DL. Si Ate lang talaga ang never iyon natanggap. She'd accepted it naman but still not totally. She's conservative unlike me, tamang edad na rin nang mabuntis kaya wala talaga akong masabi.

And the thing that she said. Hindi naman ako dating ganito.

Hindi naman talaga. I can see myself to Elysian when I was in junior high to senior high. My best friend is my book, I am the nerdy chick who loves studying. I am also simple and conservative.

Isang pangyayari at... tao lang naman ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Though I'm not blaming that person because I love my life now. I am happy when I am with my friends, dancing and jamming to the loud music inside the club.

I'm happy that a lot of guys were looking and appreciating my beauty. This is my life now and I am embracing it.

" Akala ko hindi ka na pupunta kasi nakita ko ang IG story ng Thomasian mo. Akala ko nagka label na eh."

Embracing the FireWhere stories live. Discover now