Seven

3 0 0
                                    


View

" Ano? Walang date? "

Umiling ako. Tangina maisisingit ko pa bang lumandi kung bukas na ang midterm? Mula lunes ay halos dasalanan ko na lahat ng libro ko. Pakiramdam ko nga mababaliw na ako sa sobrang dami kong kinakabisado.

Hindi ko na nga magawang maka nood ng paborito kong kdrama. Nag-aya rin sina Hazel kagabi mag party, birthday ng isa naming friend pero kami nila Shiela ay pare-parehong tumanggi. Wala, eh, midterm na  'to.

" Masisingit ko pa ba makipag date eh ang dami kaya nitong kinakabisado natin. Pakiramdam ko nga mabubutas na ang utak ko kasi punong-puno na ako."

" True. Punong-puno na rin ako. Punong-puno na sa sem na 'to." sagot ni Alexa. Natawa kami roon pero hindi na rin nag usap-usap at kaniya-kaniyang review.

Two major subject ang iti-take namin bukas at iyon ang pinagkaka abalahan ko ngayon. Madalas kasing situational ang mga tanong ng prof namin sa major subs na 'yon kaya hindi sapat na nag me-memorize lang kami.

Dapat talaga naintindihan namin ang buong lesson para kahit situational ay kaya naming masagutan.

" Ang hirap-hirap ng pa exam ni Sir Padilla pero hindi ko nga siya nakita ngayong sem." reklamo ni Alexa, si punong-puno na sa sem na 'to.

" Nakita naman natin, te." sagot ni Shiela. " Kaso sa faculty, never sa room." saka kami nagtawanan. Ako ay napa iling na lang.

May mga ganoong prof pala talaga sa college. Iyong hindi mo makikitang papasok at magtuturo pero pang demonyo kung gumawa ng examination.

Pero wala kang magagawa kasi kapag nag reklamo ka, ibabagsak ka pa. Buti na lang at naawa ito, nag bigay pa ng pointers to review.

" Sina Carl ba hindi pa nila midterm? " tanong ni Sarah.

" Midterm na pero last day nila today. Noong monday pa sila nagsimula."

" Hindi kayo magkikita?"

Inaya ako ni Carl lumabas kahapon pero hindi ako pumayag dahil ayaw ko namang maistorbo sa pag re-review. Ayaw ko rin kasi iyong nangungulelat sa klase. Kahit ganito ay nasa puso ko pa rin ang pagiging academic achiever.

Actually never ako prinessure ng parents ko. Si ate Hezy rin naman ay grumaduate ng cum laude pero gaya ko hindi rin naman ito prinessure nila mommy. Ayos na sakanila iyong makapag tapos kami, kami lang talaga itong gusto maging academic achiever.

Isa pa, hindi ko na rin masiyadong naaasikaso si Carl ngayon dahil napapansin ko nang iba na ang pakiki tungo nito sa akin.

Natatakot akong makumpirmang tama nga ang hinala dahil kahit paano ay nakaka tuwa naman itong kasama at kung nagugustuhan niya na nga ako, mapipilitan akong putulin na ang kung anong namamagitan sa aming dalawa.

Carl:

Still busy reviewing?

Ako:

Yup. Nakaka tamad na nga eh huhu.

Carl :

Nakaka tamad pero mape-perfect ang exam.

Ngumisi ako. Mag dilang anghel sana itong si Carl at magkatotoo ang sinabi niya.

Me:

Manifesting 🤞

Carl:

You don't have to manifest. I know you can do it.

Ayan. Iyang mga ganiyan niya ang nagsasabi sa aking kumpirmado ngang gusto niya na ako. Hindi naman sa pagiging assuming pero sa rami ng mga naka fling ko noon na nagustuhan din ako ay hindi malabong ganoon nga ang ipinapakita niya ngayon.

Embracing the FireWhere stories live. Discover now