Eight

2 0 0
                                    


Jealous

" Sandali naman! Baka akala mo calamansi lang 'tong nasa tiyan ko! "

Inalalayan ko si ate sa paglalakad. Sobrang laki ng tiyan niya, bilog na bilog iyon at parang tatlong pinagsama-samang pakwan ang sukat non.

Ang cute lang.

Ang cute ng tiyan, huh? Hindi 'yong ate ko.

It's a sunday today and I decided to have a little time to jog. Wala na rin akong proper exercise kahit jogging man lang so since I woke earlier that the usual time I wake up, I decided to jog but my sister wants to walk daw so sinama ko siya.

Imbes na jogging ay naging alay-lakad ang atake namin dito. Iyong mga naka sabay naming mag jogging papunta ay pabalik na ngayon, kami andito pa rin.

" I'm not doing a jogging, you know? Walking na lang 'tong ginagawa ko, eh." reklamo ko.

" Wala ka talagang sweetness sa katawan noh? Napaka reklmador mo! Ganap na ganap ka sa larong jogging-jogging-an, ah? "

" Duh! If I don't care then I should have walked away and left but I don't. So see? I cared for my dearest sister! " sarkastiko na ang pagkakasabi ko non.

She sarcastically pinch my nose, too." Ang cute talaga ng baby sis ko, ang sarap mong sakalin."

" Nasaan ba kasi ang boyfriend mo? Dapat gawain niya 'to, eh. "

" Nag-aasikaso ng business 'yon para sa future namin ng pamangkin mo, huwag ka nang kumontra palibhasa wala ka non! "

I dramatically held my chest." Grabe naman 'yong balik. Emotional damage. "

Natatawa na rin ito at napapa iling, nag lakad-lakas na rin siya at kung ano-anong ikinukuwento at wala naman akong ibang ginawa kung hindi makinig lang dito.

Isasama sana namin si mommy pero may yoga class daw sila kasama sina tita Alice pati sina tita Maricris, iyong mommy ni Crayon.

" Isusunod ko sa pangalan mo ang baby ko."

Napa lingon ako kay ate, gulat. " Huh? Bakit? "

She rolled her eyes. I swear, her daughter will have my fucking face. Ever since she got pregnant, she's always this grumpy whenever she's with me or even when she just see me.

" Ewan ko nga, eh. Naiinis ako sa mukha mo pero gusto kitang nakikita."

" Pinaglilihian mo ako, eh." sagot ko.

" Kaya nga, eh. Malas."

Mabilis akong humarap dito. " Ang sama mo! Ikaw pa lang ang nag sabing malas ka sa akin."

She raised her left brow. When she's doing that, she really looks like me. Hindi maipagkakailang magkapatid talaga kami, she looks more healthy lang ngayon since she's craving for different kinds of foods.

" Bakit? Iyong mga boys mo ba laging sinasabi na they are lucky because they have you? "

" And why do you know? Siguro sa ganiyan ka nakuha ni kuya Niko, noh? "

Mayabang itong ngumisi. " Secret."

I softly pulled her hair. " Ang landi mo, te! Tapos ngayon nagtataka ka pa kung saan ako nag mana? "

" Hoy! First boyfriend ko ang kuya Niko mo, I'm not like you. "

" NBSB pa ako. " maikli kong sagot.

She looks at me with full of questions. Parang buong pagkatao ko ang hinusgahan niya, eh. " Nag jo-joke ka na naman diyan, ang funny, ah? "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing the FireWhere stories live. Discover now