24: The Last Cry

58 34 12
                                    

HELLA POV
Mahigpit kong hinawakan ang damit at kamay ni Anghelo ng makitang galit na galit si Zandrey. Natatakot na ako dahil na din sa itsura ng aking mga kaklase ngayon. Hinanap ng mata ko si Jhian nag babakasaling wala sya dito ngunit nanlumo ako nung makitang may isang taong puno ng hiwa sa katawan habang may plastic ng basuraan ang kanyang ulo.

Ang damit at porma nya...

Ang mga alahas nya...

Si Jhian na Jhian.

Nag aalala ako... Kasi ako yung nag ayang mag simba sa kanya kahit ayaw nya dahil galit sya sa simbahan... Ang sabi kasi ng mga tao sa kanya hindi daw sya tanggap sa langit dahil sa kasarian nya.

"Kamusta ang pag solo sa pagmamay ari ko? Na inagaw mo?." Sambit ni Zandrey kay Anghelo na may panunuya. Wala akong idea sa sinasabi nya at hindi rin ako makapaniwala na isa sya sa mga papatay sa amin. Samantalang pinag katiwalaan ko sya ng 100 percent na hindi sya kabilang sa kanila.

Pero nag kamali ako...

"Anong pagmamay ari mo kung hindi mo naman sya pagmamay ari? At anong inagaw kung walang maagaw mula sayo?." Hindi ko maintindihan  ang mga sinasabi nilang dalawa.

"Hindi ko maintindihan."

"Manahimik ka!!." Napakagat agad ako ng labi ng sabay sumigaw ng ganon si Anghelo at Zandrey. Inagaw ko ang kamay ko mula kay Anghelo.

Galit na galit si Zandrey na may hawak na dyaryo bago nya pinag pupunit yun. Lumapit ito sa mesa at maangas na dinampot ang isang baril. Nanginginig ako. Inaamin ko malakas ako pero kapag actual na bigla akong nanginginig. Duwag na kung duwag pero hindi lahat ng tapang ay laging papairalin lalo na sa ganitong sitwasyon.

"E kung simulan na natin ang kasiyahan?." Saad nito at tinutok ang baril sa ulo ni Jared. Agad nanlaki ang mata ko sa pag tutok nya ng baril kay Jared.

Hindi ako makapag salita kahit isang lettra..

"Itigil mo na to Zandrey... Dahil ititigil na namin ito." Saad ni Anghelo na kalamado. Hindi ko alam ang gagawin.

"Bakit naman ititigil ang sinimulan!?." Sigaw ni Zandrey na parang baliw sabay tumawa. Ngumiti sa akin ito kaya napalunok ako. Napatili nalang ako ng bigla nyang kinalabit ang gatilyo... Parang bumagal ang mundo ko ng makitang dahan-dahang bumagsak ang ulo ni Jared habang dilat na dilat na nakatingin sa akin. Tumagas ang madaming dugo mula sa ulo nito at unti-unting gumagapang ang dugo nya pababa hanggang sa sahig ng bahay.

"Letter C... down." Saad nya pa sabay ngumisi ng nakakatakot. Hindi ko maintindihan kung bakit letter C ang tawag nya kay Jared. Nanginginig akong dahan-dahan lumapit sa bangkay ni Jared. Wala akong pake kung ano man ang gawin ni Zandrey sa akin pero ayaw ko ulit na may mamatay sa amin.

Mas nanlumo ako ng makitang may saksak pa ito ng kutsilyo sa hita nya. Napaupo nalang ako sa sahig na may bahid ng dugo nya. Agad kong hinugot ang kutsilyo sa hita nito para gamitin itong pang putol sa makapal na lubid na nakagapos sa kanya.

"The Hell!!!. HELLA!." Dinig kong sigaw sa akin ni Anghelo dahil sa ginagawa ko. Naiiyak nanaman ako habang sinusubukang putulin ang makapal na lubid. Alam kong nasa akin ang mga tingin nila lalo na si Anghelo na hindi makagalaw sa pwesto ng maramdaman kong tinutok ni Zandrey sa ulo ko ang hawak nyang baril pero tuloy padin ako sa ginagawa ko. Hanggang sa maputol ko ang lubid kaya't natumba sa akin ang katawan ni Jared. Agad kong inalis ang nakatakip sa bibig nito habang umiiyak.

Kahit medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ko ay kitang-kita ko padin ang mukha ni Jared na naka dilat. Namuo yung galit sa loob ko dahil wala man lang akong nagawa.

"MASAYA KA NA HA!?." Sigaw ko kay Zandrey na halatang nagulat din.

"Nag tiwala ako sayo!!!... Pero sinira mo ZANDREY!!." Sigaw ko sa kanya at masama syang tinignan. Hindi ko alam kung bakit sya nanigas sa pwesto nya.

ROOM 411Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon