13: CLASS PICTURE

78 42 12
                                    

HELLA POV
Pagtapos namin makitulog kila Anghelo kahapon ay nakitulog naman sila ngayon sa amin. Para na kaming tress marias ang kaso babae ako, half babae si Jhian, at purong lalaki si Anghelo.

Hapon na ngayong araw at eto nanonood kami ng palabas sa TV. Walang ginawa ang dalawa kundi manood ng basketball.

"Ay nako!... puro nalang basketball hindi ba kayo nagsasawa?!." Inis na sabi ko kay Anghelo... nakahilata ito sa banig na para bang bahay nya talaga ito. Si Jhian naman ayun palihim na chinachansingan si Anghelo.

"Alam mo Sis ang KJ mo!." Inirapan ko ang dalawa habang nagbabalat ako ng mangga. Sinawsaw ko sa asin na may sili ang mangga bago ito sinubo. Sobrang asim!.

Napaayos ako ng upo ng biglang napalitan yung pinapanood namin. Napaupo din sila Anghelo at tumingin sa akin. Pare-parehas kaming nagulat at kinakabahan sa palabas sa TV ngayon.

"Si Xyra." Mahinang saad ko ng makita si Xyra sa TV. Napalunok ako dahil sa pinapalabas ito sa TV at siguradong maaalarma ang lahat ng tao. Lalo na ang mga magulang na may mga maliliit na anak.

Nasa loob ng makapal at malaking glass si Xyra. Mukhang nakakahinga pa sya dahil sa malaking butas sa bunganga ng malaking glass... parang isang malaking garapon ang kinalalagyan nya. Kitang-kita ng dalawang mata namin kung paano kinakampag at pinag susuntok ni Xyra ang glass pero hindi ito nababasag.

"Just read the script!... Kung gusto mo pang mabuhay!." Mahina ngunit klaro na sabi ng kung sinong nasa likod ng video. Halatang edited ang boses nung nasa likod ng video dahil sa sobrang lalim ng boses na para bang umahon ito sa hukay.

Parang voice changer.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

DETECTIVE PRINCEZ is calling....

Sinagot ko agad ang tawag habang tutok na tutok sa TV namin. Napalunok ako... don't tell me...

"Nahanap na si Xyra." Pabungad nyang sabi na syang dahilan ng pagkasandal ko sa pader.

"Pinapalabas ngayon si Xyra sa TV." Sagot ko naman sa kanya. Mukhang recorded na itong video dahil sa madaming cut ang video. Dinig kong napabugtong hininga si Detective Princez sa kabilang linya.

"Ako si Xyra Vi... Simulan na natin?...." Sabi ni Xyra doon sa video. Pilit nyang pinipigilan ang sarili nyang umiyak. Alam kong pinapalakas ni Xyra ang loob nya sa mga oras na iyan.

We're not too close but we're friends.

"Sa pag ka wala ko... ay may mga susunod." Napalunok ako ng wala sa oras. Parehas sila ng sinabi ni Honeylyn sa video nung namatay ito. Siguradong iisa lang ang may kagagawan nito.

"Natagpuan ang katawan ni Xyra sa isang budega ng mga kape." Saad ni Princez sa kabilang linya. Hindi ma process ng utak ko yung sinabi ni Princez at ng napapanood ko ngayon.

'P-parang nagsisimula na ulit silang kumilos. '

"Kaya mag handa kana." Duktong ni Xyra bago ito napatigil. Bumubuhos na ang luha nya at pinipilit ang sariling tapusin ang script na binabasa nya.

Siguradong magiging viral ang video na yan.

"Baka ikaw na ang susunod." Sabi pa ni Xyra habang nanginginig ang boses. Tahimik lang kaming tatlo dito habang nakatitig sa TV at hindi makapaniwala. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Xyra sa video kaya sure akong may mangyayaring hindi maganda.

"Hey! hey!... paalisin nyo na ako dito binasa ko na yung script!." Sigaw ni Xyra at pilit na binabasag yung glass pero hindi ito mabasag-basag.

"Patayin na natin ang TV." -Anghelo
"Wag." -Ako

ROOM 411Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon