15:Grades

67 34 13
                                    

HELLA POV
Nakatunganga ako dito sa kulungan... mag gagabi na at wala padin ang parents ni Anghelo. Hayyys hindi ko naman pwedeng sabihin kila Father na nakulong ako... baka paluhurin ako sa munggo o kaya mangumpisal ako ng 24 hours.

Napatingin na lang ako kay Jhian nag-rereklamo na sya kasi raw amoy putok na sya.

"Uyyy ano baaa hinahanap na ako sa aminnn." Inis na sigaw pa ni Jhian natawa nalang ako sa kanya lalo na kay Anghelo. Tinitirintasan kasi ni Jhian si Anghelo at halata namang naiirita si Anghelo.

"Wag kang mag-pagod dyan bakla." Sabi ko nalang kaya nakasimangot tong pumunta sa akin at tinirintas ang buhok ko.

Ano kaya ang nang yari kay Syren?.
Bakit ang tagal naman nila Princez amp?.

"Naiinis na ako." Bulong ni Anghelo. Hindi naman ako umimik baka masapok ako ng wala sa oras. Halata kasing bad trip na sya.

Ito pala ang feeling ng napag-bintangan... yung walang kasalanan pero patuloy na pinag-didiinan na ikaw ang may kasalanan.

Lumipas ang oras ay dumating na rin sila  Princez. Tumayo agad ako at lumapit sa gawi nila.

"Anong nangyari kay Syren?." Sabi ko agad at humawak pa sa rehas dito. Tinignan ako nila Princez na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba nila or hindi.

"Napigilan namin sya sa pag-papakamatay nya." Sabi ni Princez at napabugtong hiningang umupo sa kanyang upuan sabay hinilot ang sintido nya.

Hay nako ang toxic na babeng yun pero bakit hindi pa sya ang naunang namatay eh noh?... Ng mabawasan mga toxic sa mundo amp. Char lang hahahaha. Ang sama ko naman sa part na yan.

"Pakawalan nyo na sila." Sabi ni Princez kay nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Sorry sa abala mister may nakulong po bang tatlong kabataan dito?. Yung isa ay babae na hanggang kile-kile lang yung taas nung isang lalaki... tapos yung isa bakla." Napahampas ako sa noo ko ng makita ang parents ni Anghelo na mukhang kanina pang naliligaw. Pambihira naman itong si Anghelo hindi ata sinabi ang tamang lokasyon namin.

"Mommy!. Daddy!." Napatayo agad si Anghelo at napahawak na rin sa rehas kagaya ko. Para kaming aping-api... naki Mommy na nga rin si Jhian para lang masama sya sa paglaya.

Kinakabahan tuloy ako mamaya. Anong sasabihin ko kila father nito?. Nagusap-usap muna mga magulang ni Anghelo at yung mga pulis. Aba abugado ang Daddy ni Anghelo at isang kilalang tao. Kilalang tao rin ang Mommy ni Anghelo kaya kahit anong gawing katarantaduhan ni Anghelo ay nakakatakas sya.

Sino ba namang magulang ang gustong makulong ang kanilang anak diba?.

"Ihahatid na namin kayo sa inyo." Sabi ng tatay ni Anghelo sa amin. Napayuko nalang ako ng wala sa oras. Nakakahiya!.

"Don't worry iha hindi namin ito sasabihin kila Father... napagbintangan lang naman kayo." Sabi ng Daddy ni Anghelo sa akin at tinapik ang balikat ko ng madaming beses. Gumaan ang pakiramdam ko kahit pa-paano kaya inangat ko na ang ulo ko. Lumabas na kami doon sa himpilan at sumakay sa kotse ng Daddy ni Anghelo. Tahimik lang ang lahat habang nag-mamaneho ang Daddy ni Anghelo. Tapos ako eto nag-iisip ng idadahilan kila Father.

"Don't worry iha and iho kami na mag papaliwanag sa mga guardians nyo." Sabi ng Mommy ni Anghelo. Mabait ang parents ni Anghelo kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Iha din po ako".Magalang pero may pag ka maarte sa boses ni Jhian ng sinabi nya iyon.Natawa nalang ang parents ni Jhian.

Una akong hinatid sa simbahan.Nag sign of the cross pa ako ng makita ko sila father na naka cross arms na nakatayo sa labas ng malaking gate halatang hinihintay nila ako.

"Kami na kakausap".Sabi ng parents ni Anghelo bago ko inabot ang kamay nila father at inilapat sa aking noo bilang pag galang.

Agad agad akong pumunta sa kusina para kumain.Nag sandok agad ako ng pagkain ko at kumain ng kumain ng napatingin ako sa mga taong pumasok dito sa kusina.

Sila Father.

"Hella alam naming kababata mo si Anghelo pero grabe naman ang oras ng uwi nyo....tandaan mo babae ka at hindi ito ang oras ng uwi ng isang kagaya mong babae".Sabi ni Father Nike sa akin napayuko nalang ako at nilunok ang pagkain na nasa bibig ko.

"Sorry po".Sabi ko nalang.

"Pinapayagan ka naman namin sa lahat ng gusto mo Hella pero gagawa ng project? Tapos ganitong oras uuwi? Mas magandang dito nalang sa simbahan kayo gumawa ng project nyo".Sabi naman ni Father Niel.

Ahhh project pala yung pinag lusot ng mga parents ni Anghelo.

"Bilisan mo kumain dyan at bukas ay may pasok ka pa".Sabi pa nila tumango tango ako at agad nilapa yung litchon manok sa mesa.Nadinig kong natawa sila bago umalis.

SIR RANDEL POV (bago sya mamatay)
Umalis ang asawa ko para pumuntang palengke at eto nanonood ng tv.

Mag lalaro sana ako ng ML ng may nag doorbell kaya sinilip ko kung sino ba yun.Pinag buksan ko ng pintuan ang mga isyudyante ko at pinapasok sa bahay.

Pinaupo ko sila sa sofa at sinabing feel at home.

"Nandito po kasi Sir Randel para ayusin yung grades namin".Sabi nilang tatlo.Ngumiti lang ako sa kanila.

"Magiging unfair sa iba kung ipapasa ko kayo samantalang hindi naman kayo gumagawa ng mga pinapagawa ko".Sabi ko naman agad nanlaki ang mata ko ng lumuhod silang tatlo sa harapan ko at ito ang himala.

"Pls. Sir kahit yung 65 namin palitan mong 90".Sabi nila kaya natawa ako sa sinabi nila.65 tapos napunta sa 90? Wow magic hahaha.

"Mag titimpla muna ako ng juice".Sabi ko at pumuntang kusina.

C POV
Ay putang*na talaga ni Sir ayaw gawing 90 ang grades namin?... Pero okay lang kung buburahin na namin sya sa mundong ito.

Nag sosoot na kami ng gloves para sa gagawin naming kasiyahan. Hawak-hawak ko ngayon ang lubid na tatapos sa buhay nya. Magiging kwintas nya ito buong araw hahahaha.

Dahan-dahan kaming pumunta ng kusina at nakita naming nag-titimpla ng juice si Sir habang napapailing nalang. I know na nag-rarant na yan sa utak nya kung bakit nya babaguhin ang grades namin kung hindi kami karapatdapat doon.

"Mga kabataan nga naman." Nainis ako kaya tinulak ko ang isang kasama ko at sinenyasan itong patulugin na si Sir Randel. Napasimangot na lang sya sa akin bago lumapit kay Sir Randel.

"Sir!. Gusto ko ng Mango Juice!."

Pagdedemand ng kasama ko na syang ikinatingin ni Sir Randel sa gilid nya. Ngiting-ngiti ang kasama ko bago gumanti ng ngiti si Sir Randel at ng kukuha ito ng isa pang pitchel para gawin ang request ng kasama ko ay pinagtulungan namin si Sir Randel para mapatulog ito. Tinakpan namin ang bibig at ilong nya ng isang panyo na may halong nakakaantok na amoy.

pinulupot ko sa leeg nya ang lubid na hawak ko at inilayo namin sya doon sa kusina.

Mas diniinan ko ang pag hatak ng lubid sa mag kabilaan ng pumipiglas si Sir.Isinabit naman nila A yung lubid.Napangiti ako ng huminto na sa pag piglas si Sir dahil naubusan na ito ng hangin.

Nag tulong tulong kami para ibigti sya at tinumba namin ang upuan na ginawang tungtungan.Nag iwan din kami ng pamamaalam letter ni Sir para hindi halatang murder ang nangyari.

Nilinis namin ang lahat ng ebedensya na maaring makita at nag iwan ng isang gamit ni Hella.Ang relo nya na matagal nya nang hinahanap.

Dapat lang yan kay sir masyado syang mahigpit pag dating sa grades.Parang grades lang ang damot damot tsk ayan tuloy tegok ka hahaha.

Hmmm nasaan nanaman ba si B? Lagi nalang lumalande eh tsk.

----itutuloy

ROOM 411Where stories live. Discover now