4 - Scandal

224 37 0
                                    


“Pakibaba na lang ako dyan sa kanto.” Mahina at nahihiya kong wika sa katabi.

Nilinga nito ang paligid at kita ko sa mata ng lalake ang awa. Marahil naiintindihan nya na nakatira lang ako sa isang iskwater.

“What’s your name again?” Naibaba ko agad ang tingin ko nung luminga ‘to sa aking direksyon.

“Toinette.”

“Full name.”

“Antoinette Aviel Tejero.”

Matapos yung sagot ko ay hinawakan ko ang isang bagay na nakapigil sa aking katawan pero di ko alam kung pano tatanggalin. Ngayon pa lang ako nakasakay sa kotse, oo.

Kaya yung pagtanggal nung sinasabi nyang seatbelt na sinuot din nya kanina ay di ko rin alam.

Ganun kami kaignorante ng kapatid ko sa mga gantong bagay dahil kahit kailan ay di naman kami nagkaroon ng pagkakataon na makasakay sa ganito kaengrandeng kotse.

Tricycle, jeep at madalas ay lakad ang nagsisilbi naming transportasyon.

Napataas ang isa kong balikat nung may kamay na umagaw ng hawak ko at tinanggal yun.

“Nice meeting you.” Bulong nito saka kinuha yung mga supot na pinamili nya kanina at ibinigay sa ‘kin.

Nagulat ako dahil akala ko’y para sa kanya yun.

“Para sa kapatid mo.”

Nag-init ang gilid ng mata ko dahil sa tuwa pero kailangan kong pigilan dahil nakakahiya naman.

“Salamat . . .” Nakayuko ko yung inabot saka ipinatong sa dalawa kong hita.

Ramdam ko pa ang init ng ilang pagkain na tumutulong para mabawasan ang nanlalamig kong katawan.

“Bukas ko ibibigay yung cheke. Give me your phone number.”

Napalunok ako sa sinabi nito. Seryoso sya dun? Five hundred thousand pesos?

“Wala akong cellphone.”

“What? May nakita ako sayo kanina.” Nahalata ko ang medyo pagkairita sa boses nito.

“Hindi sa ‘kin yun.”

“Bank account?” Umiling din ako.

“Fuck.” Malalim ‘tong bumuntong hininga.

Five hundred thousand? Ganun lang sila kadaling magbigay ng five hundred thousand? Ganoon ba sila kayaman na kahit ang ganun kalaking halaga ay parang barya lang sa kanila?

“San kita pwedeng puntahan? Bukod sa bar. . . san pa?”

“Sa Golden Seafood and Steak House. Nagtatrabaho ako dun sa araw. . .”

Napabuga ‘to ng hangin. Ramdam ko ang bigat sa ginawa nito sa di ko malamang dahilan.

“Sige, puntahan kita dun.”

Tumango na lang ako saka ko kinapa ang pinto ng kotse. Wala namang pwedeng maging bukasan yun, tingin ko’y yun lang.

Nakahinga ako ng maluwag nung bumukas yun saka ako nagmamadaling naglakad palayo.

Nadatnan ko si Liam na nag-aantay sa labas ng bahay nila manang Bebang habang hinahampas ang sarili para patayin ang mga lamok.

“Ateeeee.” Napatakbo ito bigla payakap sa ‘kin.

“Sssssh. Wag kang maingay, Liam. Baka makagalitan tayo ng kapit-bahay.” Hinaplos ko ang likod ng kapatid ko habang mahigpit na nakayakap sa ‘king bewang.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon