26 - Hindi Ko Na Kaya Pa

163 17 0
                                    



Malakas ang kantiyawan at kwentuhan sa palibot ng isang pahabang lamesa. . katatapos lang magpropose ni Alex kay Lelaine at masayang magkahawak kamay ang bagong engage.

Habang nakangiti ay pinagmamasdan ko lang ang mga nasa palibot.

Sa loob pala ng dalawang taon na yun. Ang dami nang nagbago.

Si Chris ni Gauri at Prez ni Anthony ay sabay na ikinasal. Si Veronne ni Riyu at si Alex ni Lelaine naman ay mga engage sa barkadahan nila. . .

Si Timothy at Miyu ay naka in-relationship status. Si Jeko, Axl, Carlo at Alonzo ay mukang mga sawi sa pag-ibig. Si Anton naman may girlfriend din kaya napatingin ako sa babaeng nakayuko lang habang kumakain ng barbecue.

Sa bestfriend ni Anton na paminsan minsang sumusulyap sa dalawang taong halos maghalikan na sa lapit ng mga mukha. Malamig ang tingin nito pero aninag ko ang maliit na kirot dun.

At ang huling lalakeng pinagmasdan ko, ang lalakeng nagpapakalunod sa alak. Katabi ni Timothy at paminsan minsang pinipigilan ng pinsan.

“Gregg—”

“Shut up!” Si Gregg na hindi pa nga natatapos ang sasabihin ni Timothy ay binara na nito.

Suot ang matalim na titig habang nakatingin sa ‘kin ay nilagok nito ang malaking basong hawak na halos umapaw na ang beer.

Kaya ang mga kaibigan kanina na may sari sariling mundo ay napalingon na rin sa lalake. Pasulyap sa ‘kin at babalik sa kaibigan.

Napayuko ako sa ginagawa ni Gregg. Nanginginig ang tuhod at ramdam ko ang pawis ng katawan kahit sa mahangin at malamig sa bahaging yun ng dalampasigan ng Boracay.

Hindi ko magawang makipagtitigan sa mata nitong kulang na lang ay patayin na ‘ko halos.

Nag-iinit ang mata ko pero pinipigil ko yun. Hindi ko napigil ang luha ko kanina kahit na pinangako ko sa sarili kong hindi ko na kailan man iiyakan pa si Gregg.

“Gregg . . . tara na. Lasing ka na.” Si Alex na nilapitan na ang kaibigan pero hindi ko pa rin sila magawang tingnan. . 

“Hayop!” Si Gregg.

May lambot man sa pagkakasabi noon ay may halo yung galit. . .

“Tangina!”

“GREGG!” Sa malakas na pagbanggit ni Alex sa pangalan ng lalake ay napatingin na rin ako dahil naalarma ang paa ni Jeko at Gauri na nasa tabi ko lang.

Pag-angat ng mata ko ay hawak ni Gregg ang baso ng beer.

Dagdag ang lalong madilim na mukha habang nakatingin sa ‘kin ay tuluyan nang nabasag ang baso sa kamay nya.

Kaya ang bubog nun ang naging dahilan para magkaron ng saganang agos ng dugo sa kamay ng lalake.

“G-Gregg. . .” Mahinang banggit ko. Awang ang labi ay nanlalambot ako.

Di ko magawang ilakas ang sistema ko. Lahat yun ay parang nawalan ng lakas. Epekto ng masamang titig ni Gregg. Titig na punong puno ng galit na di ko alam kung san nanggagaling. Gayung ako ang mas may karapatan, hindi ba? O ako nga ba?

Ako nga kaya?

Kinagat nito ang sariling labi at napayuko ang lalake. Nasa likod nito si Carlo at Axl habang nakabantay sa gilid si Alex.

“Tara na.” Si Alex na hinawakan na sa balikat ang kaibigan pero inihagis lang nito sa hangin.

Dahil sa tensiyon ay ang kanina pa hawak na beer ay nainom ko na rin. Hindi ako umiinom, pero para sa lakas na idudulot ng alak ay iinumin ko yun.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Where stories live. Discover now