Epilogue

276 18 0
                                    


Note: Halaaa. Huhu. Nakatapos na pala ako ng isang story and will be my first story to finish. Ang saya naman. Pasensya na po sa maling grammar at typo error. Isang engineer na ang natapos, huhu. Mamimiss ko sila Avs at Gregg. Anyways, pakisuportahan naman po ang story ko. I'm an amateur author here in wattpad. And I'm characteristically not so vocal to promote my story but I'll do my best to communicate as well. Again, pakisuportahan po at salamat sa sumusuporta na. Another Del Prado is on his way.


I'm still grasping her hand despite the need to unhitch me. . .

"Mahal . . ."

"Huy Gregg Yzmael! Wag ka ngang maarte dyan! Kung gusto mong makayakap, magpractice ka dyan! Ke arte arte nitong unggoy na 'to!"

"Wag ka ngang epal dyan! Makayakap. Gusto mo lang kamong makasal." Saka ko ibinato yung piraso nung apple sa kapatid kong walang ginawa kundi sigawan ako habang nagpapractice ng paglakad. . . sa pitong buwan na nakaconfine kasi ako ay para akong nalumpo.

I take a glance at the pretty face of a woman whose smiling while staring my feet off just the same pace of almost crawling. . . I pouted when she never ever glanced back at my face.

"Oh!" Nataranta 'to nung muntik na akong matumba kaya nung makapitan ko 'to ay diretso kong hinalikan sa labi. . .

"G-Gregg . . ."

Then she glanced at the people around while blushing. Ang naroon lang naman ay si Alex ni Lelaine at Carlo ni Yzrah, na pinagpapractice na 'kong maglakad para makasal na sila. Mga gagu.

Hindi pa rin ako makapaniwalang naaamoy ko na ulit ang mabango nitong buhok at leeg.

"Ano? Magpapractice ka pa ba o susubsob ka na lang dyan sa leeg ni Avs?" Si Alex na nakangisi sa 'kin dahil sa pag-amoy amoy ko sa leeg ng girlfriend ko. Ambango talaga. . .

"Ito na nga. . . mga atat makasal." Reklamo ko sa mata nung dalawang lalake na kung wala ang mga girlfriend ay baka natadyakan na ako roon.

"May pa-side dish pa kasi. Kung gusto mong maka main menu, bilisan mo na dyan!" Sigaw ni Carlo na nagpangisi sa 'kin dahil alam ko ang tinutukoy nya.

"Gagu!"

But it heated my body at its extreme. . .

After a week of almost toughened up my numb legs, we have been preparing for Carlo's proposal.

Ang tanga ni Carlo. . . nauna pang magplano nang kasal kesa sa engagement. Palibhasa kasi nauna na rin si baby Carnia bago ang kasal kaya paatras ang mga tanga.

"Ba't ba kasi may engagement pa? Pumayag na ngang magpakasal di ba? Ba't ka pa magpopropose?" Initsa ko yung pampalobo ng balloon dahil hindi na umaabante pa yun tsaka kumuha ng bago.

Nangangalay na ang balikat ko dahil sa dami ng hinayupak na balloons na kelangan kong palobohin. Kung ba't ba kasi sa dinami rami ng pwedeng maging paborito ni Yzrah, balloons pa. Ayan tuloy, maagang nagpalobo ng tiyan.

"Gusto ko lang 'tol maranasan ni Yzrah na ma-engage. . . kahit pabalik kami, at least once in her life. She became my fiancé."

Bahagya naman akong nakonsensiya sa sinabi ko kanina kaya ang girlfriend kong nakatayo sa bangko para magkabit ng mga bulaklak na ginawa nya ay matalim na nakatingin sa 'kin.

Na dinilaan ko para mapalis ang pagkapahiya sa mga pinagsasabi ko kanina, na inirapan lang nito.

"Thank you 'tol for taking care of my sister and baby Carnia . . . thank you for loving her unconditionally." I seriously said while pushing up again the manual balloon air pump.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Where stories live. Discover now