6 - Dahil Sa 'Kin?

192 28 0
                                    

“Salamat.”

Nahihiya kong wika kay Miyu nung makababa na kami sa sasakyan nito.

“Walang anuman.”

Nananatili akong nakayuko at di makatingin ng tuwid sa lalake.

Bukod sa nakakailang nitong titig ay ayoko lang ng pakiramdam ko kapag nasa paligid ito.

Hindi ko sya maipaliwanag. Kung ilang ba o kaswal lang na pagkadisgusto yun. Basta ayoko.

“Pwede ba kitang sunduin bukas pagtapos ng trabaho mo?” Nagulat ako sa tanong nito at napaatras ng konti.

Sinalubong ko ang tingin ni Liam na nag-aantay rin ng isasagot ko.

“Ate tinatanong ka ni kuya Miyu.” Nakanguso nitong wika habang bahagyang hinihila ang kamay kong kinakapitan nya.

“H-Hindi . . . . hindi na siguro Miyu kc malapit lang naman. Kaya naman naming lakarin ni Liam. . .”

“I have flight. . . I will be leaving for two weeks, kaya gusto ko sana kayong makasama in my last day dito sa baba. . .”

“Ate gusto ko ring maging kagaya ni kuya Miyu. . . gusto ko ring maging pilot tapos papaliparin ko yung eroplano . . . .”

Napangiti ako ng konti sa sinabi ni Liam . . . nagulat din ng guluhin na naman ni Miyu ang buhok ng kapatid ko at pantayan ang mukha nito.

“In one of my flights, isasama kita. . . “

Nanlalaki ang mata ni Liam sa narinig kaya napabitaw ‘to sa kamay ko at niyakap si Miyu sa bahaging leeg.

Isang kurba na naman ng labi ko ang nabuo nung marahang hinaplos ni Miyu ang payat na braso ni Liam. . .

“Talaga kuya Miyu? Isasama nyo po ako?” Pagkabitaw nung kapatid ko.

Sunod sunod na tango ang naging sagot ni Miyu.

“Kuya Miyu . . . . .” Napabigla ang pagkakayakap ulit ni Liam sa leeg ni Miyu dahil marahil sa saya.

“Liam . . .” Saway ko.

Inaabot ko ang balikat ni Liam dahil nakakahiya. Mukang bahagya ding nasaktan ang lalake pero ngumiti din kapagdaka ganun pa man ay kahit na.

“Liam . . .”

“It’s okay.” Napaigtad ako ng hawakan ni Miyu ang kamay ko para ibaba. Kaya umatras na lang ako.

“It’s okay.” Dagdag pa.

Maya-maya pa’y kumalas na din si Liam.

“Ambango nyo kuya Miyu . . . ang sarap nyo yakapin.”

Hinagilap ko ang kamay ni Liam at nilayo na ‘to sa lalake. Masyado ng nakakahiya. .

Napataas ang dalawa kong kilay ng may binulong ‘to kay Liam.

Tumango tango naman ang kapatid ko saka sabay na napatingala sa ‘kin.

Sinalubong ko yung tingin nung dalawa sa nagtatakang mata. . .

Anong pinagbulungan nila?

“Ate . . .” Hinihila ni Liam ang braso ko habang nakanguso.

Dun palang alam ko na kung ano yun.

“Pumayag ka na. . . susunduin tayo ni kuya Miyu bukas.”

Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa kapatid ko. Alam kong gustong gusto nya si Miyu kaya mabilis lang ‘tong napapapayag ng lalake.

Sea Of Hope (ENGINEER'S LEAGUE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon