Three

24 8 10
                                    

I am doomed.

It's been a week and yet Real didn't still know how to go back to the painting where he came from. Mabuti nalang at nitong mga nakaraang araw ay napapadalas na wala si lola sa bahay dahil sumasama siya sa mga bago niyang kaibigan na kasing-edad niya. Hindi pa niya ulit binibisita ang kwarto kung nasaan ang malaking painting kaya hindi niya pa nalalaman na nawawala ang susi.

I want to tell her about Real but i'm still afraid to what will her reaction would be.

"What are you thinking?"

Napabaling ako sa lalaking nagsalita at tinaasan siya ng isang kilay.

"And you care because?" I rolled my eyes on him and brought my attention back on my phone. I even heard his delicious chuckle but I only ignore it.

Napatigil ako sa pag-i-scroll nang makita ang post ng nanay ko weeks ago from now. It was a picture of her with my dad and my older brother, with a caption, "Congratulations son!"

Ni minsan hindi sila nag-post ng picture sa facebook kasama ako. Sabagay, wala rin naman silang maipagmamalaki sa'kin kumpara kay kuya. My brother just graduated from senior high school with high honors, that's why mom is very proud of him.

If there's one person who I envied the most, that's my older brother. He got all the affection of our parents. Madalas akong ikumpara sa kaniya ni mommy dahil magkalayong-magkalayo kami ng kakayanang dalawa. He's the good child for them while I am the black sheep of the family. I am a big disappointment for my parents especially for my mom.

"Even if you're crying, you still manage to be beautiful."

Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Real. I forgot than he was still here! Nagawa ko pang magdrama sa harap niya.

"Just like the mussels that is hard on the outside because of it's shell, you have a hard facade also but you are actually soft in the inside."

I glared at him because of what he said. Ikumpara ba naman ako sa tahong!

"Sana naging painting ka nalang ulit," saad ko bago siya irapan. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya pero agad din iyong nawala. Parang nakonsensya ako kahit iyon naman talaga ang tama—ang bumalik siya sa painting. He isn't true and the painting is his home, he should be a painting again.

I cleared my throat. "Stay here. Kakain lang ako."

Agad akong lumabas ng kwarto ko at iniwan siya roon. Hindi ko na siya inalok kumain dahil sabi naman niya hindi siya nakakaramdam ng gutom.

Naabutan ko si lola na binabasa na naman ang librong madalas niyang basahin. Mukhang hindi naman istorya ang laman ng librong iyon. Ang creepy nga ng pabalat noon e.

"Lola what are you reading?"

Agad isinarado ni lola ang libro nang makita ako sa harap niya.

"Mabuti at bumaba ka na Reign. Inihahanda na ni Anna ang tanghalian."

She ignored my question.

My grandmother is really something. She's somewhat mysterious. Maging ang mga kagamitan niya sa bahay ay tila misteryoso rin at may tinatagong misteryo. And whatever those mysteries is, I would unlock them.

I just love challenges.

"La, wait lang po."

Bumaling sa akin ang lola ko at pinangunutan ako ng noo. "Pasaan ka Reign?"

"Uh, may bibilhin lang po."

Tiningnan niya ako na tila sinusuri. "Sumunod ka agad sa loob."

Agad akong napangiti ng maluwag sa sinabing iyon ni lola. Nauna silang pumasok sa simbahan habang ako ay nagtungo sa magtitinda ng ice-cream. Nang iabot sa akin ng magtitinda ang dirty ice-cream ay agad akong nagbayad.

Patungo na sana ako sa loob ng simbahan nang may humarang sa akin. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang bumulaga sa akin ang isang madungis na matanda.

"Apo maaari ko ba iyang mahingi?"

"Ibibili ko nalang po kayo ng bago," saad ko at nginitian ang matanda.

"Iyan nalang eneng."

Naiilang na iniabot ko sa kaniya ang ice-cream na hawak ko. Nagpasalamat naman siya. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Huwag."

"Po? May kailangan pa po ba kayo? Gusto niyo po ng palamig?"

Umiling siya. "Huwag kang mahuhulog sa patibong. Ikaw ang papalit sa parihabang kahon. Makukulong ka rito nang pang habang panahon."

Napakurap-kurap ako at nagsalubong ang mga kilay ko. I din't know how long did I stare at nothing in particular. Parang nawala ako sa aking katinuan nang ilang segundo o minuto at pagbalik ko sa katinuan ko ay wala na ang matanda sa harapan ko.

What was that?

Sa halip na mag-isip pa ng kung ano-ano ay sumunod nalang ako kina lola.

"Lola may kailangan ba kayo?"

Napabaling sa akin ang matandang kanina lang ay sumisilip-silip sa loob ng bahay ni lola. She looked shock upon seeing me. Kagagaling ko lamang sa pagjo-jogging.

"Maaari ba akong magtanong."

I smiled. "Oo naman po."

"Kaano-ano mo ang lalaking nakatira diyan?"

My eyes widened. Umawang ang labi ko at hindi agad nakapagsalita.

I chuckled nervously. "W-wala naman po kaming kasamang lalaki sa bahay. Matagal na pong wala ang lolo ko, k-kaya puro babae lang kami diyan."

Tila nagulat ang babae sa aking sinabi. Nagpasalamat lamang siya at umalis na. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at mabilis ang naging kabog ng puso ko nang makitang wala doon si Real.

Damn! Where the hell is he?

It's been a week since Real vanished. Gusto kong i-check ang kwarto kung nasaan ang painting niya pero hindi ako makahanap ng magandang tiyempo para gawin iyon. Sa nagdaang mga araw, hindi ko alam pero tila hinahanap ko ang presensya ni Real. He was just a painting yet he has this unexplainable effect on me. I suddenly seemed to miss his presence, the way he annoys me through his annoying remarks with his signature smirk. What did that painting do to me?

"Take care, 'la."

Kumaway ako kina lola bago sila tuluyang mawala sa aking paningin lulan ng isang tricycle. Hindi nila sinabi kung saan sila pupunta pero dalawang araw daw silang mawawala.

I heaved a deep sigh as I go inside the house. Sa halip na manatili lamang sa living room ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at tumungo sa kwartong hindi ko dapat puntahan.

I bit my lower lip as I fished out a familiar key inside my pocket. Isinuksok ko iyon sa pinto at agad namang nagbukas ang pinto. Kumabog ang puso ko habang pumapasok sa loob. Tumigil ako ilang hakbang mula sa malaking painting nang masulyapan ko ito.

My lips went ajar as I stared at the familiar painting of a handsome man.

My heart clenched at the sight of him. I gulped the invisible lump in my throat as I spoke softly,

"You are back... in the painting."

He Who Lives In The Painting ✔️Where stories live. Discover now