Five

24 8 4
                                    


"Y-you are cursed?" gulat kong usal nang makapagsalita na ako matapos ang ilang segundong katahimikan.

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay muling umangat ang isang sulok ng labi ni Real. Aaminin ko, talagang napakagwapo niya sa tuwing ngumingisi siya. Pero hindi ito ang oras para gawin niya iyon. Damn! He was cursed to be a painting! Akala ko ay hindi totoo ang mga sumpa.

"You missed me," he stated like he was so sure of that. He's right, I do missed him, pero hindi iyon ang dapat naming pag-usapan.

"Real—" I shook my head, "I mean Raven, hindi ito ang oras para asarin mo ako. Kung sinumpa ka, ibig sabihin... you are real? Totoong tao ka bago ka maging painting?"

Agad kong nadinig ang malulutong niyang halakhak. "Of course, tao ako, Reign."

Ghad! He's real! Tao siya!

And he just called be by my name! Bakit parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko mula sa mga labi niya?

"What are you thinking?" saad niya nang muli akong manahimik. I just can't easily process the information that he revealed. May parte pa rin sa akin na nagdududa kung totoo ba ang kaniyang mga sinasabi o pinagtritripan niya lang ako. But he looks so serious. Nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad.

"Anong koneksyon mo kay lola? Why would her bestfriend cursed you?" sunod-sunod kong tanong, "Mangkukulam ba ang bestfriend noon ng lola ko?" I said it not to him, but rather to myself.

Bago pa makapagsalita si Raven ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan mula sa labas.  Ate Ana and my lola had arrived.

Muli akong bumaling kay Real habang kagat ang pang-ibaba kong labi. "Kaya mo bang bumalik ulit sa painting?"

Tumango naman siya na agad ikinaaliwalas ng aking mukha. "Good. Maging painting ka na muna ulit. Babalikan nalang kita. Hindi tayo puwedeng mahuli ni lola."

"It's not like we have a hidden relationship."

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang braso. I am not prepare when he dragged me out of the room.

"Are you out of your mind?" mariin kong wika. Pinilit kong alisin ang kamay niya pero hindi ko iyon matanggal, he's stronger than me.

Tumigil siya at hinarap ako. Napatigil din ako sa paglalakad at nakipagsukatan sa kaniya ng tingin. Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Now, we're only inches apart. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa ginawa niya. I am afraid that he might hear the fast beating of my heart.

"I lived in that painting for how many years, hindi ko alam kung kaya ko pa bang makalabas sa hawlang iyon. Reign, let me spend more time with you." Pinakatitigan niya ang mga mata ko. Wala akong magawa kung hindi ang tumitig din sa kaniya pabalik, it's as if he's hypnotising me. "I want to spend more time with you that I could risk to be caught by your grand mother."

Nanlaki ang mga mata ko. "Raven..." I trailed off.

Nagwawala ang kalooban ko at tila may kung anong kumikiliti sa aking tiyan dahil sa mga narinig ko mula kay Raven. What is he doing to me?

How can he make my heart flutter just like that? Bakit sa iilang linggo ko siyang nakasama ay magaan na agad ang loob ko sa kaniya?

Nahuhulog na ba ako sa taong painting na ito?

Oh nahulog na ako?

"Hindi agad bibisitahin ng lola mo ang kwartong iyon kaya hindi niya malalaman agad na nawawala ako."

Muli niya akong hinila at dinala sa sarili kong kwarto. Dinig ko na rin ang mga boses ni lola at ate Ana mula sa unang palapag ng bahay, nakapasok na sila.

Hindi ko kayang manatili sa iisang kwarto kasama si Raven ngayon kaya agad din akong nagpaalam sa kaniya para bumaba. I locked my room before I left him there.

"Ate Ana, naniniwala ka ba sa mga sumpa?"

Napatigil sa paghihiwa ng gulay si ate Ana bago humarap sa akin na salubong ang mga kilay.

"Bakit mo naman naitanong?" saad niya, "Pero oo, naniniwala ako. Sa probinsya nga namin noon uso ang barang e, 'yung kulam. May mga bagay naman ata talagang hindi naipaliliwanag ng siyensa, Reign."

Napatango ako sa sinabi ni ate Ana. Siguro nga may mga bagay pang hindi nadidiskubre at hindi maipaliwanag ng siyensya.

"May hindi ka ba sa akin sinasabi, Reign?"

Natigil sa ere ang kutsarang may lamang pagkain na isusubo ko sana sa aking bibig. My lola's question made me stiffened in my seat.

I gulped repeatedly as I make a contact with my lola's scrutinizing eyes.

"W-wala po." Hindi ko napigilan ang mautal.

Tanging tango lamang naman ang iginawad niya sa ako bago muling bumalik sa pagkain. Hindi naman nawala ang kaba na nararamdaman ko habang kasamang kumain sa haag si lola.

May alam na ba siya?

After we had our dinner, I immediately go upstairs in the hopes that I will see Raven in there. Kahapon pagbalik ko sa kwarto ay wala na siya. Kumusta 'yung sinasabi niyang gusto niyang mag-spend ng time sa akin?

Pinaaasa niya lang ba ako? Paasang painting.

Umaasa akong nasa kwarto ko na ulit siya dahil nang i-check ko ang kwarto kanina kung nasaan ang painting ay wala naman siya roon. That only means that he hasn't back in the painting yet.

"Raven," I uttered, bahagya akong nakaramdam ng saya nang makita ko na siyang prenteng nakaupo sa aking kama.

"Where did you go?" Naupo ako sa upuan katapat ng maliit na study tabi sa kwarto. "Paano kung nakita ka nina lola?"

Halos mapasinghap ako nang mag-angat siya sa akin ng tingin. His face is blank.

"Get away from Josephine."

"Huh? Bakit naman ako lalayo sa sarili kong lola? Saan ka ba talaga nanggaling? Ni hindi mo man lang sinabi kung saan ka pupunta. You should at least informed me para naman hindi ako nag-iisip kung saan ka napapadpad." Nakagat ko na pang-ibaba kong labi nang mabakas ang pagtatampo sa sarili kong boses.

He didn't answer my question. Nabalot tuloy ng katahimikan ang buong silid.

May gusto pa akong itanong sa kaniya na hindi niya nasagot kahapon kaya muli kong ibinuka ang labi ko...

"Ano ba talagang koneksyon mo sa lo—" He cut me off.

"Gusto ko ng ice-cream."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "Akala ko ba hindi ka nagugutom?"

"Hindi nga."

"Oh bakit ngayon humihingi ka ng ice-cream?"

"I wanted to eat ice-cream with you," he said that made my lip parted. "Will you eat ice-cream with me, Reign?"

Sa isang iglap ay natagpuan ko nalang ang sarili kong kumakain ng ice-cream kasama si Raven. Hindi ko nagawang tumanggi sa kaniya. Sino ba naman ang makakatanggi sa mukha niya na tila isang batang nagsusumamong maibigay ang kaniyang gusto?

Probably not me.

I can't resist him. I can't resist his hopeful eyes looking straight towards my eyes. My heart just can't resist the one who owns it now.

He Who Lives In The Painting ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon