Four

21 7 4
                                    

It was almost a week since Real became a painting again. Dapat ay masaya ako't wala na akong proproblemahin pero tila hinahanap ko ang presensya niya. And there's something that tells me that he's really real, that he isn't a true painting. That there's a mystery lies on this happenings. I wanted to figure it out, but I have no idea to where should I start. Sa ngayon ay hindi ko pa magawang muling ilabas sa painting si Real dahil lagi na iyong binibisita ni lola. Ibinalik ko na kasi ang susi sa kwarto niya na hinahanap niya nung isang araw. She thought that she just misplaced the key, not knowing that I hid it from her.

Just like now, she's there again.

Dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan akong lumapit sa pintong bahagyang nakabukas at sinilip ang lola ko. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang nakaharap siya sa painting habang nagsasalita.

"I will do anything to get you out of that painting, Raven."

Nadala ko ang aking mga kamay sa aking bibig at nanlaki ang mga mata. My lola's talking to the painting! At ano, Raven? Hindi ba't Real ang pangalan nung lalaking nasa painting?

Nabaling ang paningin ko sa librong hawak ni lola, iyon ang librong lagi niyang binabasa. Para saan ba talaga ang librong iyon?

Nakita ko kung paano dalhin ni lola sa dibdib niya ang libro at niyakap iyon habang hindi inaalis ang tingin sa malaking painting. "'Kay tagal kong hinintay ang araw na magkakasama na ulit tayo."

My eyes widened upon hearing my name. Talagang hindi basta painting lang ang lalaking iyon?

What is his connection with my lola though? Imposibleng siya ang lolo ko, dahil bukod sa ang bata ng mukha ni Real, nakita ko na noon ang itsura ni lolo.

"Reign anong ginagawa mo diyan?"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil kay ate Anna. Mabilis ang naging pagbaling ko kay lola at nakitang nakatingin na rin ito sa akin. I lifted my hand and made a peace sign before smiles cutely to my grand mother.

"Napadaan lang po ako lola," I said, "Sige po, balik na po ako sa kwarto ko."

Nagbuga ako ng hangin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong-hininga. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi sa kwarto ni lola. But in the end, pumasok din ako. Madilim ang kwarto nang ako'y makapasok kaya binuksan ko ang ilaw. Nagpaalam kanina sina lola na may pupuntahan daw sila. They don't even say where will they go.

Nang dumapo ang paningin ko sa librong nasa bedside table ni lola ay agad ko iyong kinuha. Pero wala doon ang susi ng kwarto kung nasaan si Real, or should I say Raven?

Umupo ako sa kama ni lola dala ang libro niya. Binuksan ko iyon ay agad nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa mga salitang nakasulat sa libro. The words are like enchantments. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Posible bang book of enchantment nga ang librong ito?

Don't tell me my lola's a witch!?

Napailing ako. No, it couldn't be.

But why did she own an enchantment book? Narito kaya ang paraan upang mailabas sa painting si Real? Pero nagagawa ko siyang mailabas sa painting sa pagtawag lang sa pangalan niya bilang painting. How did I do that?

Sinubukan kong hanapin ang susi sa buong kwarto ni lola pero hindi ko iyon nakita. Sa halip na mawalan ng pag-asa, humanap ako ng iba paraan upang mabuksan ang pinto. I needed to talk to Real! Feeling ko sasabog na ang ulo ko sa mga misteryong nalalaman ko.

I love challenges pala ha, self.

I watched on YouTube kung paano magbukas ng pinto gamit ang isang maliit na kawad. Ginaya ko ang napanood ko at halos mapatalon pa ako sa tuwa nang mabuksan ko nga ang pinto.

"Real," I uttered, looking at the huge painting. Ilang segundo ang lumipas ngunit walang nangyari. Nanatiling nasa painting ang gwapong mukha ni Real.

It can't be.

Mariin akong pumikit. Mabilis ang tibok ng puso ko, natatakot akong hindi ko na magawa pang ilabas ulit siya sa painting.

"Please... Real. Get out of that damn painting. Come on," mariin kong wika.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang muling marinig ang pamilyar na boses.

"Why?" Unti-unti akong napamulat at sinalubong ang mga mata niya. "Did you missed me?"

Napaawang ang labi ko.

I can't deny the fact that I really missed him. What is happening to me and to my heart that's beating loudly while I am staring at him?

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

"Marami kang dapat sabihin sa'kin," saad ko.

Agad nawala ang ngisi sa kaniyang labi. Muli akong nagsalita,

"Who are you? Ikaw ba talaga si Real o mas dapat na tawagin kitang Raven?"

Tila hindi na siya nagulat sa sinabi ko. His face doesn't show any emotions now, he looks like a blank canvas—plain and cold.

Parang bigla akong natakot sa ipinapakita niya ngayon, mas kumabog ang puso ko.

"You wanted to know the truth?"

I bit my lower lip and nodded at what he said. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

"The truth is... Raven is my true name. But that old lady gave me another name, which is Real. Kung itatanong mo kung paano mo ako napapalabas sa painting, ang totoo, hindi ko rin alam kung paano."

Napalunok ako ng sarili kong laway. May isang bagay na gustong-gustong kong malaman. At iyon nga ang tinanong ko sa kaniya.

"T-totoong tao ka ba?"

Hindi siya sumagot. Bumagsak ang balikat ko. Umasa akong totoong tao siya. Pero bakit gusto ni lolang mailabas siya sa painting?

Muli akong bumaling sa kaniya nang may maalala.

"Sinong old lady ang tinutukoy mong nagbigay sa'yo ng pangalan?"

Tumalikod siya sa akin bago nagsalita.

"I am referring to your grand mother's bestfriend," he said. Ibubuka ko na sana ang labi ko upang magsalita nang unahan niya ako.

"She's also the one who gave this curse to me."

Doon tuluyang nalaglag ang panga ko.

He Who Lives In The Painting ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon